Unang Kabanata

10 1 0
                                    

“Mahal Mo Ba Ko?”

Sinong mag aakala na hahantong sa hiwalayan ang ating relasyon? Nag kulang ba ko? May mali ba sa akin? Ano bang nahanap mo sa iba na wala ako?

“Ara, itigil na natin to. Pareho na tayong nasasaktan, ayoko ng makasakit lalo.” bakit ganon, sa tuwing ika'y nagsasalita, tila para bang iba ang sinasabi ng iyong mga mata. Parang gusto mo pa ata at mukhang sasaya ka pa don.

Ayaw mong makasakit pero anong ginagawa mo?” malamig na tanong ko sa kanya, bakit ba parang iba ata ang dahilan kaya mo ko iiwan.

“Ara, alam mo naman na ayaw sayo ng family ko, gusto nilang hiwalayan kita at wala kong magawa don.” bakit iba ang sinasabi ng iyong mga mata, aking mahal?

“Wala kang magawa o ayaw mong gumawa ng paraan?” mangiyak ngiyak na lamang ako ng makita ko na nawala na sa kanyang mga mata ang pagmamahal para sa akin.

“Ara, ayoko na.” tumayo siya at tuluyan na lamang umalis sa aking harapan. Pinagmasdan ko lamang siya umalis at hindi na gumawa pa ng paraan para siya'y mapabalik.

May magagawa ba ko? Kung mata niya palang ay iba na ang gusto? May magagawa ba ko kung hindi na ako ang gusto ng taong gusto ko? Wala naman.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at nagpatuloy sa paglalakad ng madatnan kita, may kasamang iba.

Kaya pala nawala sa paningin ko, yon pala ay iba na ang nakikita niya. Hindi na ako. Nakahanap siya ng mas maganda, matalino, sexy, mabait sa akin. At wala akong magawa dahil doon siya masaya.

Saan ba ko nag kulang? Ano ba ang kaylangan kong gawin, para bumalik ako jan sa puso mo na ngayon ay iba na ang laman, may lugar pa kaya para sakin?

Nagpatuloy ako sa paglalakad ng may makita akong pusa, sugat sugat ito at sobrang payat. Binuhat ko ito at pinagmasdang mabuti.

Kagaya ko pala siya, sinugatan na nga, niligaw pa. Inabanduna ng taong mahal mo. Walang gustong kumupkop dahil mukha kang basura na dapat ng itapon.

Niligaw ka rin ba? Ako din e, alam mo ba paano uli makabalik sa simula?” tanong ko sa pusa na aking bitbit, kitang kita mo sa kanyang mga mata ang lungkot at pait na dinanas niya.

Kinuha ko ang aking bag sa aming kwarto dala dala ang pusa at dire diretsong lumabas ng eskwelahan na puno ng pait, sakit at hinanakit.

Dapat ba tayong mag ingat sa pagtawid? tanong ko muli sa pusa na aking bitbit. Dapat pa ba akong tumawid sa kabila kung saan wala ka na?

Dinala ako ng aking paa sa kabilang bahagi ng kalsada at don ko naramdamang wala ka na, tuluyan mo na kong iniwan, ako'y naliligaw na sa sarili kong gubat na tinatawag kong utak.

Ako'y nakauwi at ginamot ang mga sugat ng pusa at pinaliguan, pinakain. Ano kaya ang ipapangalan ko sayo? Dapat ba kitang pangalanan? Ayoko nalang, sa tuwing may pinapangalanan akong sa akin, nawawala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon