Chapter 9

75 3 0
                                    

"Hey Trish may naghahanap sayo sa baba!" ano ba naman si kuya ang aga naman ako nitong gisingin sabado naman eh!

"Sige po kuya paki sabi maliligo lang ako!" sabi ko. Sino naman kaya----ay oo nga pala baka si Sandy my gush na!

Nagmadali na akong pumunta ng banyo at naligo. Nagmadali narin akong magbihis and ang sinuot ko ay Pitch color dress with some little floral design. Lumabas ako ng kwarto ko at agad kong nakita si kuya.

"Wow, saan ka naman pupunta at ganyan kaganda ang suot mo? Magde-date ba kayo ni Henry!" Pangaasar ni kuya sa akin.

"Kuya ano bang pinagsasabi mo at bakit kung ano-anong sinasabi mo! Asan na ba yung naghahanap sa akin?"

"There in living room!" sabay turo ni kuya kung saan yung direksyon. Alam ko naman eh! "Wait, nakalong-sleeve ka tapos pinatungan mo ng dress anong style yan, tapos ang gulo pa ng buhok mo at yang salamin mo---"

"Kuya, shut up alam ko nayan!" kakaasar talaga kung makalait naman to purket magaling lang siyang pumorma eh gaganyan na, che!

Pumunta na lang ako sa living room and i've never imagine na siyang andoon. Kala ko si Sandy pero si Henry ang meron. Ano naman kayang ginagawa ng mokong na ito dito sa aming napakagandang bahay na pinundar ng aking mababait na magulang at pina-renovated ni kuya Thunder?

"Anong ginagawa mo dito?" kunwari matapang ang peg.

"H-hi!" sa itsura niya parang pinipigilan niya ang tawa niya. Is nakakagigil ka!

"ANONG GINAGAWA MO DITO!?" sumigaw na ako ng todo pano nakakasar na yung ekspresyin ng muka niya.

"Hey trish, easy may gusto lang akong sabihin---ay no, hilingin pala!"

"Ano yon dude!" hay epal si kuya!

"Kuya palayasin mo nga siya sa bahay nakairita yang muka niya!"

"Bakit naman ganyan ka sa bisita trish!" yaeh kakampihan pa talaga ang mokong!

"Kuya hindi siya welcome dito!" sabi ko. Totoo naman kasi.

"Trish, ako ang nagpapasok sa kanya kasi welcome siya!" yan kuya sige lang!

"But kuya---"

"No buts, trish. Ano ba ang kailangan mo sa kapatid ko Henry?" naging seryoso na ang muka ni kuya. Ganyan yan nagiging seryoso kapag tukol sa akin. Prang sira talaga! Kanina mukang nakikipag biruan tapos ngayon, hays!

"Dude, please payagan mo ako sa sasabihin ko!" wala pang sinasabi grabi na maka ano!

"Ano ba yon sabihin mo sinasayang mo lang oras ko kasi---" may nagbusinang sasakyan at alam kong si Sandy na yon. "Kuya aalis na ako, may pupuntahan daw kami ni Sandy eh!"

"Yes, i know! Nilagyan ko na pala yung bank Account mo kasi sabi ni Sandy magkakaroon daw kayo ng matinding pagbabago wahahaha!" demonyo talaga si kuya pero love ko siya.

"Thank you kuya! Ikaw na bahala diyan sa BWISITA mo kung anong kailangan niya!" Sigaw ko ng makalabas ako ng bahay.

"Oo, ako nalang magdidisisyon para sayo!" sigaw din ni kuya.

Naglakad na ako papalapit sa kotse ni Sandy at puno ng ngiti ang kanyang mga labi ng akoy kanyang makita.

"Uy, himala maaga ka!" umagang umaga nagbibiro na naman.

"Eh si kuya ginising ako kasi may dumating na bwisita sa bahay!"

"Ow, sino naman yon?"

"Curiosity kills, kaya wag mo ng alamin! Tara na!"

"Wow Excited ka!"

"Medyo lang wahaha!" sabi ko. Sa wakas siguro aayos na ang itsura ko kasi naman naiilang na din ako sa pagaayos ko.

Dala ko pala yung porselas ko na may pendant na heart malay mo makita ko yung lalaking may hawak ng pares nitong may pendant ng Susi. Pinanghahawakan ko parin ang pinangako niya sa akin at saka hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend kahit isa-- oo nga pala pano ako magkakaroon eh wala namang nangliligaw sa akin. Mangako kasi siya kaya hanggang ngayon hinihintay ko parin siya, hindi ko alam mamaya baka patay na pala siya eh kung hindi ko siya makita di magigng NBSB nalang ako FOREVER o di kaya susundin ko nalang si kuya na magpakasal sa iba.

Diniretso ni Sandy ang sasakyan sa may parking lot ng mall kung saan dami bibili ng kung ano-anong pang make over sa akin.

"Lets go!" exited na sabi ni sandy

"Sige tara na!" yey for the first time!

Pinagbuksan kami ng Guard ng pinto ang una naming tinungo ang isang Salon.

"Good morning!" Sabi ng dalawang crew na nginitian ko naman.

"Good morning!" Bati din namin ni Sandy.

"Oh ms. Sandy, magpapaganda ka nanaman?" Tanong ng isang bakla pero hindi halata na bakla siya kasi maganda.

"Ow no, itong kaibigan ko pagandahin niyo!" Utos niya. Grabi talaga!

"Ay grabe oh mukang siyang aswang!" Grabe naman makalait yung isang bakla.

"Halika dito umupo kana!" sabi ng isa.
Sumunod na ako at umupo. "Pwede bang paki tanggal yang salamin mo ija?"

"Ah o-opo!" tinanggal ko naman.

"Ow maganda ka naman konting curl lang ng buhok at light lang na make up!" sabi niya at sinimulan niya na.

Una niyang ginalaw ang buhok ko. In-make up-an na ako ng light lang dahil sabi niya maganda naman ako kaya konti lang.

Halos Ilang oras din ang pagpapaganda niya sa akin. Nilagyan niya ng contact lens sa mata para daw hindi ko ma kailangan ng salamin na sobrang kapal. Pumunta kaming pharmacy ni Sandy dahil bibili kami ng Contact lens para madami daw akong magamit. Pumunta naman kami doon sa may tindahan ng mga Jeans at Ripped Jeans. Pumunta din kami sa mga tindahan ng t-shirt na mag iba't ibang magagandang tatak. Pati mga Dress shop pinuntahan namin at pinagbilhan. Halos 1:00 o'clock na ng matapos kami sa pamimili.

"Trish, bilis magbihis ka ng ibang dress! I want to see you with this!" sabi niya at binigay niya ang isang high waist  na ripped jean and one crop top with color Blue stripe.

"Sandy, parang hindi ko kaya---"

"Ano ka ba naman trish, di parang wala din yung ginawa nating pang-make over sayo!"

"Sige,sige isusuot ko na!" Sabi ko tapos pumasok ako sa may fitting room buti nalang at naka bra ako ng walang strip.

Sinuot ko na yung damit at tinitigan ang aking sarili sa malaking salamin. Hindi ko na nakikita ang dating ako, yung dating nerd ngayon ay ibang iba na. Ang ganda ko pala at hindi ako makapaniwala na ako ito. Hinawakan ko ang aking muka at hinaplos.

"Ang ganda ko!" Bulong ko sa aking sarili.

"Trish, tapos kana ba?"

"Oo, tapos na andyan na nga ako eh!" sabi ko. Lumabas ako at namangha si Sandy ng makita niya ako.

"Ow sabi ko nanga ba ang ganda mo Trish, sigurado ako maraming maninibago sa bago mong look!" todo ngiting sabi niya.

"Ahehehe siguro nga!"

"Wait parang may kulang--- alam ko na rubber shoes, lets go and buy some!" Sabi niya at hinila na niya ako.

Abangan.....

Yes mga Sweetheart Readers i love you all.

Panibagong chapter na naman yahooooo!

The FASHIONISTA, SADISTA and NERD (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon