Smurf Account

10 1 2
                                    


Naglalaro ako ng ML nang biglang mag-notify na nag-wave si Iris sa akin. Shacks.
Victory o si crush?

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Nag-type ako ng "Sorry guys." at nag-leave na sa match. Kaya ko naman bawiin yung credit score at star pero ito? Hindi ko alam kung mauulit pa ba ito.

Agad kong binuksan ang conversation namin ni Iris na wala pang kalaman-laman bukod sa wave niya. Pipindutin ko na sana yung tap to wave back nang maisip kong baka naman napindot niya lang? Hmm alam ko na.

ME: Napindot? Hahaha

IRIS: Sorry.

Sabi na nga ba eh. Buti hindi ako kaagad nag-wave back.

IRIS: Pinindot kasi ni Jilian.

Magtitipa na sana ako ng sagot pero nakita kong nagta-type rin siya kaya tumigil ako.

IRIS: Pero hello na rin HAHAHA

ME: Hi hahaha

ME: Wala kayong klase?

IRIS: Meron pero tapos na kasi yung grupo namin dun sa pinapagawa. Kayo?

ME: Absent yung prof namin. Hanggang recess na kami walang gagawin.

IRIS: Ah hahaha

Patay. Ano na isasagot ko dito? Hudson mag-isip ka naman. Think. Think. Think.

ME: May gagawin ka pa?

IRIS: Wala naman. Bakit?

ME: Tara ML tayo.

ME: Ano IGN mo?

ME: _ahpr yung sakin

IRIS: Hindi ako naglalaro nun.

Shacks. Akala ko naglalaro rin siya. Last time narinig ko siyang nagsabi na nagagandahan siya kay Lunox.

IRIS: Pero gusto kong i-try. Ang ganda kasi nung mga hero. Nakikita ko kina Jils.

ME: Ah. Oo nga. I-try mo tapos laro tayo next time hahaha.

IRIS: Sige sige.

Matapos ang ilang araw hindi na ulit kami nakapag-usap ni Iris sa chat. Sa personal naman, hindi niya ako pinapansin kapag nadadaanan niya ako. Kahit nga tingin hindi niya ginagawa kaya hindi ko rin siya mangitian.

"Absent si Ma'am Shay wala ring iniwan na gawain. Bukas na raw siya magle-lesson." Anunsyo ng Class President namin na si Lucas. Si Lucas. Ang dahilan kung bakit takot na takot akong mag-first move kay Iris. Paano ba naman? Si Lucas na gwapo, talented, mabait, at higit sa lahat batch valedictorian binasted ni Iris, paano pa kaya ako?

Mas gwapo kay Lucas? Oo naman.

Talented? Musical instruments? Go. Huwag na huwag mo lang ako pakakantahin kasi babagyo.

Mabait? Mabait rin naman ako!

Matalino? Well, sakto lang. Walang bagsak. Hindi valedictorian.

Hays. Ginulo ko ang buhok ko para mabawas-bawasan ang pag-iisip. Nagbukas na lamang ako ng ML para makapaglaro. Pag-tingin ko sa followers ko ay may nahagip ang mata kong bagong follower. Siri. Si Iris kaya ito?

Chineck ko ang kanyang account at nakita ko si Jilian sa recent visitors. Minessage ko si Jilian para i-confirm kung tama ba ang hinala ko at nakumpirma ko ngang kay Iris iyon kaya finollow back ko.

Nagulat naman ako nang mauna siyang magmessage sa akin.

Siri: Hello! Si Iris 'to.

_ahpr: Hi! Tara laro tayo?

Smurf AccountTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon