Miya's POV
8:30pm
Wala pa din akong ibang iniisip kundi yung sinabi sakin ni Petmalu kanina. Nakakainis naman kasi eh. Ewan ko ba. Nung sinabi niya ang ganda ko,parang tumalon talon yung puso bwiset eh hindi naman first time na masabihan ako ng maganda.
Pero ano namang masama kung magkakagusto ako sa babae? Eh ito yung gusto ko eh. Dito ako masaya. Wala na siya dun.
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Senyaled na may nagchat saakin. Nakita ko ang pangalan ni Alice kaya agad ko itong binasa.
Alice:"Miya,kilala mo ba si Clint?"
Miya:"Why?"
Napakunot ang noo ko matapos ko siyang replyan. Siguro ay nagfriend request si Petmalu sa kanya saka siya chinat.
Alice:"Gusto niya daw manligaw eh"
Mas lalo akong nainis.
Miya:"Pinayagan mo?"
Alice:"Oo. Itatry ko lang naman baka sakaling magwork hehe"
WHAT?! Nababaliw na ba siya?!
Sa sobrang inis ko ay diko nalang siya nireplyan at tinawagan nalang si Lesley.
"Napatawag ka?"bakas ang gulat sa tono ng boses niya.
Ikinuwento ko sa kanya lahat nang mga pag uusap namin ni Alice. Halos ibato ko na ang cellphone ko sa sobrang inis habang nagkukwento kaya natatawa si Lesley.
"Grabe naman yun. Pinayagang manligaw si Kuya Clint eh sinabi niya sayong gusto ka rin niya"sabi niya pagkatapos konv magkwento.
"Yun na nga eh"
"Hmmm pero alam mo ayos lang naman ata yun. Kasi diba MU lang naman kayo at walang kayo. Eh ikaw naman kasi bat dika pa nanliligaw sa kanya?"
"May alam ba ako sa panliligaw ha?!"
"Edi dapat--------"di na niya natapos ang sasabihun niya dahil may tumawag sa kanya. Napag alaman kong si Hanzo ito dahil sa boses."Ugh. Miya,I need to go. Itong kuya ko kasi paepal"then she ended the call
Kinabukasan,7pm palang ay pumasok na ako. Kahit 8pm pa ang pasok ko.
Naisipan kong pumunta sa garden ng school. Andito din pala ang mga kaibigan ko. Except kay Alice dahil may klase siya sa oras na 'to.
"Ang aga natin ah"pangaasar sakin ni Freya kaya inirapan ko siya saka naupo sa tabi ni Rafaela.
"Ayy! Mag dalaw ata si girlalu ngayon"-Rafaela
"Wala akong dalaw,pwede ba?!"
Tinaasan naman ako ng kilay ni Karina,"Aba,eh anobg problema mo at nagsusungit ka diyan? Sa ating lima,ako lang ang may karapatang magtaray dahil ako lang ang maganda"
Napaismid naman si Rafaela,"Ay wow sige patingin nga ng kili kili,teh"sabi niya kay Karina kaya tumawa si Rafaela at Freya.
Makikitawa din sana ako kaso naalala ko badtrip pala ako ngayon kaya huwag nalang.
"Ms. Miya Miller,ano nga problema mo? Care to Share?"seryosong sabi ni Karina. Yung dalawa ay tumigil na din sa kakatawa.
Huminga ako ng malalim,"May nanliligaw kasi kay Alice"
Sabay sabay silang napatakip ng bibig,"Ang baho ng hininga mo,Miya"sabay sabay nilang sabi saka nagtawanan kaya tinignan ko sila ng masama"Joke lang"
"Eh ano namang problema dun?"sabi ni Karina at sumang ayon naman ang dalawa.
"Umamin ako kay Alice na gusto ko siya ganun din siya sakin,okay ba yun?"
"WHAT?!!!!!!!!!"sabay sabay silang sabi
"Sabi na nga ba,may something sainyo"
"Kaya pala nagkakahiyaan kayo"
"Kayo ah,pasecret secret"
Hinintay ko muna sila matapos sa mga comments nila saka ko sila tinaasan ng kilay.
"Beh,MU lang naman kayo kaya huwag kang ganyan."-Freya
"Girl,kahit MU lang,kung talaga gusto ka nung tao magiging loyal din siya sayo"-Rafaela
"Ligawan mo din. Huwag ka papatalo"-Karina
Napaisip ako sa sinabi ni Karina.
Hmm mukang may poiny naman siya. Siguradong mas malaki ang chance ko dahil umamin din sakin si Alice na gusto niya ako.
"Okay,I'm going yo court Alice"
Kala mo ha. Humanda ka saking Petmalu ka.
"L-ligawan mo ako?"gulat na tanong ni Alice na nasa likod ko na pala.
BINABASA MO ANG
Love is Love
Teen FictionAng istoryang ito ay naglalaman ng buhay ko,charot! Tungkol ito sa isang babaeng bisexual. Wait. Kung dumating kaya ang isang lalaki sa buhay niya,sa babaeng alam niyang mahal niya pa din kaya siya titingin? Hmmm.