Dyron's Point of ViewSinubukan kong kausapin si Dad. Pero hindi niya nasasagot ang mga tanong ko. Puro 'she's coming' na lang lumalabas sa bibig niya at naiinis na ako sa bukangbibig niyang yun.
Padabog kong isinara ang pinto at umalis. Pagliko ko sa hallway ay nadatnan ko ang kapatid kong naglilinis ng daggers. Tinaasan ko siya ng kilay at tuluyang hinarap.
"Tsh. Stop looking so fierce and furious. You're starting to look like me" he joked. But I ain't laughing. Naiinis ako.
"Tsk. Maghanda ka, nagpatawag si Dad ng training. I do not know what he is up to."
Umalis na siya sa pagkaka-upo sa hagdan at umalis sa harap ko. Hindi pa man siya nakakalayo ay bahagya kong winakli ang kamay ko para maiwasan ang pagdampi ng dagger niya sa balikat ko.
"I'm not in the mood to play. Magkita nalang tayo sa groundskills."
I heard him chuckled at tuluyan ng umalis. Pumunta na lang ako sa quarter ko at nagbihis ng training suit. Sumunod narin ako sa kanila dun sa ground.
Sa groundskills dun nag-eensayo lahat ng tauhan ng mafia, even us. Para siyang basement na puno punong ng training equipments. Dito rin tinitrain ang mga bagohan.
Nagsimula ako sa pagw-warm up. Ang una kong ginamit ay ang punching bag. Hindi na ako gumamit ng gloves at gamit ang kamay ko na lamang itong pinagsusuntok. Hindi naman kasi nagg-gloves sa actual na laban.
Nagsparring rin kami ng kapwa kapatid ko, kaibigan at ng ibang reapers at specially ng mga assasins. Nakipagbarilan rin kami sakanila to test our shooting skills, mapa close or long ranges man.
Hangga't hindi nagpapakita si Dad, walang dapat na tumigil sa pag-eensayo. I don't know what he is up too. Pero mukhang isang seryosong laban ang haharapin niya para itrain kami ng ganito.
Sino ba kasi yung sinasabi niyang parating na? Nagiging balisa pa siya minsan. Nagmumukha nang baliw ang ama ko nang dahil sa taong yun.
Pero hindi naman magiging ganun si dad kung hindi malakas ang kalaban. Peeo hindi parin dapat siya nagpapakita ng takot at pangamba. He is a ruler of a greatest mafia, anong karapatan niyang magpakita ng takot kung umabot na nga siya sa pinakatuktok na listahan ng mga kinatatakutan?
Dyran's Point of View
Napatingin ako sa kapatid kong ubod ng seryoso. Iniisip parin siguro niya ang ama.
Bilang kambal, alam ko na kung ano ang mga pumapasok sa isip niya. He tends to overthink about a certain matter at hindi niya yun tinatantanan hangga't wala siyang nakukuhang sagot.
At alam kong sineseryoso niya ang bagay nato. Mula sa ekspresyon at inasta niya kanina ay halatang nag-iisip parin ang mokong. Wala rin naman kasi atang plano ang ama na sabihin samin ang nangyayari. Mukhang pati reapers ay wala ring ka-alam alam.
"Shit"
Napamura ako ng mahiwa ng isang reaper ang braso ko. Nagbow lang ito sakin at muling humanda sa laban. Lumalim ang paghinga ko. Kailangan kong magfocus. Walang special treatments dito sa groundskills.
Kahit pa anong posisyon, pagdating sa training wala iyong silbi. Makakaya kang saktan ng reapers kung bibigyan mo sila ng pagkakataon. Wala namang pagkakaibigan sangkot sa iyang labanan.
Tinignan ko ang kapatid ko at nakikipaglaban na ulit siya. Nagfocus nalang rin ako sa kalaban ko at nagpatuloy sa ensayo.
Hades
Mukhang seryoso na nga siya. Pabuya lang naman ang hinihingi ko ngunit napakahirap sakanya ang ibigay yon. Naghahanap lang siya ng kamatayan niya kun saganoon.
Wala ang hari at reyna nila, pati ang heir ay wala rin. Tanging siya na lamang ang naiiwan sa kanilang mafia. And ohh that Princess woman.
I can't wait to see them both reunited. Hmmm
-
Naghanda ako para pumunta sa groundskills at tignan ang kanilang ginagawang ensayo sa ibaba.
Mahigit walong oras na silang nakikipaglaro sa isa't isa at alam kong wala pang tumitigil ni isa sakanila hanggat hindi ako dumadating. Kailangan kong gawin yun. Ang pagurin sila para mas lumakas dahil sa oras na dumating ang reyna, wala rin siyang kapagorang lampastanganin ang lahat ng andito.
Minsan ko na siyang nakitang lumaban at wala siyang awa. Alam naman niya ang kasunduan, sa malamang ay sila kang dalawa ni Princess ang pupunta dito para makipaglaban, kampante na ako dun.
Walang awa ko rin siyang papatayin kasama ng pamilya niyang sumira sa lahat.
Hindi pa ako tuluyang nakakababa sa huling hagdan ay tumahimik na ang paligid. Napakunot ang noo ko at binilisan ang lakad.
P-paanong.
Third Persons pov
Lahat natahimik ng masaksihan ang isang di kilalang estrangherong hawak ang hulihan ng espada ng kanilang isang kilalang prinsipye ng mafiang pinagsisilbihan nila.
Humigpit ang hawak ni Dyron Cal sa kanyang espada at sinubukang bawiin ito sa dalaga.
Lahat naman ay naghahanda na sa kung ano man sakali ang mangyari. Maging ang kapatid na si Dyran Aze ay lumalapit na sa kapatid niya, kung hindi lang siya tinignan ng dalaga para patigilin siya nito sa binabalak niya.
"Is this how you train your comrades Mr. Hades?" Tanong ng babae. Bumalot sa kanilang lahat ang lamig ng boses nito.
"Napaka-pamilyar ng presensya niya"
Bulong ni Russel sa hangin ngunit narinig iyon ni Hades.
"Is she?" Tanong nito sa binata at tumango lang ito.
"What are you doing here? Surrendering yourself?" Tanong ni Hades. Ngunit pagtitig lang ang isinukli nito. "Oh come on Silver, this is not so you"
Naging mabilis ang pangyayari. Nagawang bawiin ng dalaga ang espada at itinapon ito sa direksyon ni Hades. Bahagyang nadaplisan nito ang kamay nito at nagsimulang magtulo ng dugo.
"Don't.even.call.me.that" Galit nitong sabi. Bahagyang naglakad ito papalapit sakanya. Walang kayabag yabag itong naglakad. Napakatahimik, nakakabingi.
"You should train them harder, Hades. Have you forgotten who am I?"
At bigla nalang nag usok ang paligid kasabay ng pagkawala ng malay ng lalaki.
BINABASA MO ANG
That Nerdy Gangster Goddess Queen [COMPLETED]
ActionFor someone who has lived her life with a blood on her hands, she wished for a normal life. She disguised herself as an innocent student and went to school like any other normal teens. She tried her best to cut off ties with anyone, to turn down any...