Chapter Five: Gave Up

37 4 1
                                    

Chapter Five: Gave Up

" George!, Nandito ang kuya mo!" Nanlaki ang mga mata ko at dali dali kong inayos ang suot ko at ang buhok ko. Naglagay ako ng polbos at tiningnan saglit ang mukha ko sa salamin bago nagmadaling bumaba.

I am wearing a black t-shirt with a little white check on the upper-left of it. Pinarisan ko ito ng bluish-white na maong pants at Doll shoes.

Dala-dala ang bag ko, bumaba ako papunta sa sala. Nandito si kuya and that means nandito si Althea. My pamangkin!

"Althea!" Tumakbo kaagad ako sa 3 years old na bata na nakatayo sa gilid ni Kuya. Niyakap ko siya ng mahigpit at tumawa naman siya. So cute.

"Tita"

Ngumiti siya sa akin nung humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kaniya.

"Para kang praning Jo"inirapan ko lang si kuya.

"Whatever"

Hinawakan ko na sa kamay si Althea at dinala siya sa Dining area.

" Hindi pa kayo kumain kuya?"tanong ko.

"Kumain na, pero itong si Mommy pinag-bake ng cookies si Althea kaya kakain na rin ako"sabi niya. Ngumiwi ako.

"Takaw mo"hindi naman niya pinansin ang sinabi ko.

"Althea, huwag mong tularan ang daddy mo ha..."

"Tigilan mo ang anak ko Georgina baka mahawa sa ka-praningan mo"

"Tse!...... Nga pala, nasaan si ate Stella?"

" Nandun sa labas, tumawag ang mama niya" tumango nalang ako.

Tiningnan ko naman si Althea, ngumiti ako nang makitang nakatingin din siya sa akin.

"Did you know Tita Jo, I got a perfect score in our Science test?"

"Woah, very good Al, keep it up. You know Tita is just here to help you with your studies"

"Yeah!"napatawa ako. Ang cute talaga ng batang ito.

"Jo?"napatingin ako kay kuya.

"Hmmm?"

"May lakad ka pala?"tanong niya. Napansin niya siguro ang suot kong damit.

"Ahh, oo. Review lang para sa upcoming Science Fair, tsaka sa Sabado lang naman, wala sa linggo"napa-tango tango siya doon.

"Ahh, akala ko bibisitahin mo si Nina "pagkasabi niya nun ay natigilan ako.

"Ilang weeks na pala akong hindi nakapunta sa kaniya!"sabi ko at gulat na nakatitig kay kuya. Siguro dala ng pagka-busy, nakalimutan kong bisitahin siya sa bahay amponan.

"Oh?, Lagot ka, baka nakalimutan ka na nung bata" sinamaan ko ng tingin si Kuya.

Shoot!. Na-busy ako at di ko na nabisita si Nina.

Nina is a kid from the orphanage.  Para narin kasing hobby ni Daddy ang pagbibigay ng Donations and Charities sa mga bahay amponan, not for fame, not for the media, not to make him good and kind on the eyes of the people and the world but to help them. At sa tuwing nagbibigay siya o kung may mga event for the orphanage like Biddings for paintings and other things na makakatulong sa mga bata, ako ang pinapapunta niya as representative. At ngayon na busy ako sa trabaho, si Mommy at siya na ang madalas pumupunta doon.

"Bibisitahin ko siya mamaya after review" sabi ko.

Tinaasan lang ako ng kilay ni Kuya.

"Baka maghanap na naman kay--"

Unforgotten Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon