MFL 1

32 2 8
                                    


'Omweewemji kalma self!!! Anuwebaa Jennie bat ka ganyan?!!' Ayan lang naman ang hinihiyaw hiyaw ko ng mapanood ko ang bagong MV ng favorite Kpop group ko.

Nang matapos ko ang MV ay agad akong nag bukas ng Twitter upang mag tweet ng meron nag pop-up na post sa phone ko.

Pumaskil ang isang ngiti aking muka, ngunit pag bukas sa post agad akong napasimangot ng makita kong hate post ito ni fafa Jinwo about dun sa bagong labas na MV.

Talagang nag effort pa siya para lang mang-bash.Tse! Bahala siya jan. Agad akong nag react ng sad post na iyon. Pagkatapos ay nag message sa kanya.

:Hoy! Ikaw na lalake ka ano bang problema mo sa mga kpop at sa mga fan nila? Kung ayaw mo sa kanila pwes wag kang manood ng videos nila. Lumipas pa ang ilang minuto bago siya sumagot.

:Hoy kaden! Ano bang pake mo? Kung gusto mo i-bash mo din ako. Panget mo!

jusmiyomarimar! Masasaktan ko tong lalakeng to eh. Immature fan na kung immature pero nakakadame na kase hindi ko alam kung anong meron bat niya pinagiinitan yung favorite na mga kpop idols ko. Patay talaga tong lalakeng to pag nakita ko sa school.

Nagptuloy ako sa pag ti-tweet ng makatanggap ako ng message sa di kilalang tao. Inopen ko ang message at nagulat ako sa nakalagay.

:Wag ka ng sumimangot,bibilan nalang kita ng posters bukas💜.

Nakakapagtaka. Posters? Wag ng malungkot? Sino to jusko!

*Kinabukasan

"Dai!! Tignan mo to oh nakita kong nakasabit sa locker mo." Ayan ang bungad saken ni Jasmine  na hingal hingal pa habang dala ang isang malaking plastic at mayroong letter dun. 'Smile na my little fangirl.' Agad kong tinignan ang laman,nanlaki ang mga mata ko ng makita ang sandamakmak na posters ng BLACKPINK.

"Kanino galing yan?" Nagtatakang tanong ko kay Jasmine.

"Nako mareng Mieknea sa tingin mo ba ganto ang reaction ko,kung alam ko kung sino ang nag iwan niyan sa locker mo?"

"Osiya tara na at baka malate pa tayo."

Habang papunta kame sa classroom ay napaisip ako kung sino ba ang nagiwan nito. Ngunit naalala ko yung message kagabe kaya napahinto ako, kaya agad akong tinanong ni Jasmine.

"O? Anong kadramahan yan te?"

"Magtiigil ka nga, naalala ko may nag message saken kagabe at sabe niya bibilhan niya ako ng posters,pero diko kilala kung sino yun. Sa tingin mo sakanya to galeng?"

"Tanga neng malamang dun yan galeng kanino pa ba? Aken ganon? Eh wala nga akong balak ilibre ka diba.Remember?"

Agad ko siyang hinila at pumunta na kame sa room sakto ay wala pa si Ms. Chavez at mayroon yatang meeting. Sa kabila noon ay hindi ko alam kung matutuwa ba o maiinis ako dahil unang bumungad saken ay si fafa Jinwo, nakakatuwa kase siya agad nakita ko at nakakainis ng maalala ko mga post at yung sinabe niya kagabe. Grrrr!
 


••••••••

"Okay class, can i check your assignment now?" Ani Ms. Chavez

Agad kong tinignan sa bag ko ang notebook ko sa Science ngunit isang malaking pagkakamali ang nagawa ko. WADUHEK!!! Naiwan ko sa study table ko ang assignment ko. Tandang tanda ko pagkatapos palang gawin yun ay nanood ako ng MV, like gusto ko ng magpakain sa lupaaaaa!

"Sige,maari bang tumayo ang nga walang assignment." Malumanay ngunit may diing pagkakasabe ni Ms.Chavez.
"Grade 8 palang kayo ganyan na agad? Pano pa pag tungtong nyo sa senior high school? " Pahabol na sermon niya.

Hindi naman sa kinakabahan ako pero sige na kinakabahan nako first time mangyare saken to sa subject ni Maam,like lagi akong on time mag pasa ng outputs,papaerworks,assignment and projects. Isa isang nag bigay ng dahilan ang mga walang assignment kung bakit hindi sila nakapag pacheck. Huli ako sa nagbigay ng dahilan. At magaleng ang galeng na dahilan ko.

"Ms. Hanabiser anong dahilan at hindi ka nakapag pa check ng assignment?"

"Ahmmm... Kase po after ko po kasing  gawin yung assignment pinanood ko po yung bagong Music Video ng kpop idol ko eh anong oras napo ako natapos kaya hindi ko na nailagay sa bag ko." Pag tapos kong sabihin ang dahilan ko agad akong napabaling sa likod ko dahil sa pagsipa ni Jinwo sa upuan ko at sabay ngisi. Napairap nalang ako dahil sa ginawa niya.

"So dahil pala sa kpop? This should be a lesson to you all, Kaya pag uwi sa bahay gawin na lahat  ng school works. Sige na hintayin ang susunod na teacher. Saka siya lumabas bago tumitig saaming lahat.

" Yan sabe na wala talagang kwenta yang kpop nayan". Bigla akong napatingin ng masama sa nag sabe nun.

"Excuse me? May sinasabe kaba? " Nakataray na sabe ko sa kanya. Tumingala siya ng may pagtataka sa muka niya.

"Ako ba kinakausap mo? " Ganong expression ang naka paskil sa muka niya.

"Sino pa ba?" Pataray na sabe ko sa
kanya.

"Sorry di ako nakikipag usap sa di gumagawa ng assignment." Walang expression na sabe niya. Arghhhh! Nakakagigil na talaga ang isang to.

Nang matapos ang dalawa pang klase ay break time na namin. Agad kaming dumeretsi ni Jasmine sa cafeteria at nag order ng spaghetti at isang apple juice.

Naupo kame sa bandang sulok at laking pasasalamat ng hindi pa ganon karami ang tao.

"Anong eksena nyo kanina nung fafa Jinwo mo?" May pangasar na ngiting sabe ni Jasmine. Inirapan ko naman siya at saka nag salita.

"Ewan nakakainis ang lalaking yon."

Pagkatapos kong sabihin yun naramdaman kong may umupo sa bakanteng pwesto sa likod ko. Lumingon ako pero neng wrong move! Dahil nakatingin siya saken. Kaya naman halos mag tapat na ang muka naming dalawa. Agad akong bumalik sa pwesto upang itago ang pamumula sa aking pisngi.

"Tara na tapos nako." Tatayo na ako ng pigilan ako ni Jasmine.

"Wait di ka pa nga tapos oh."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Fangirl LoveWhere stories live. Discover now