"In just one look,you hook me."
Pamela Kristine Agustin.
"PAAAAM! Umilag ka," Sigaw ng aking bespren na si Shasha.
"Huh..?"
Nagtatakang tanong ko kasabay ang mabilis na pagtama sa akin ng bola pambasketball.
"Awww," Napangiwi ako habang hinihimas ang kaliwang banda ng ulo ko na tinamaan ng bola,masakit seryoso.
Dali dali namang lumapit si Shasha upang damayan ako.
"Okay ka lang ba Pam? sabi ko naman sayo eh umilag ka." Iiling iling nitong wika,pasalamat nalang at matibay ang tuhod ko kung hindi baka natinag at nakahandusay na ako ngayon.
"Tingin mo Sha? Magrereact ba ako kung hindi masakit." Pinandilataan ko ito ng aking bilugang mga mata.
Biglang may tumikhim sa aming tabihan ni Sha nakasuot ito ng varsity uniform habang hawak ang bola siguro'y pinulot kanina nakatingala kami ni Sha sa sobrang tangkad nito pawisan ito habang mamasa masa ang labi.His eyebrow was thick at napansin ko din ang mapipilantik nitong mga pilantik mahahaba iyon na pacurl parang may lahi ata to a ? and his gray tantalizing eyes met mine. Ang gwapo!
Napaiwas ako ng tingin sa tagpong iyon saka nakaramdam ng hiya at galit. Hiya?dapat ba syang mahiya argh nevermind.
"Miss sorry,andyan ka kasi sa gilid ng court eh alam mo naman na naglalaro kami." Maangas nitong sabi.
Pinanlisikan ko ito ng aking mata," So ganon ganon na lang yon'?"
"What do you want me to do? Tsk hindi ko naman sinasadya!" Asik nito.
Napairap lang,ako kasabay ang tawanan ng mga kaibigan niya sa court.May nakakatawa?Sapakin ko sila eh gayong naiirita ako.
Padabog akong umalis at hinila si Sha sa court na iyon, mga mayayabang!
"Alam mo Pam, gwapo naman yung guy may mga rumors na akong naririnig tungkol sakanya." Hagikgik ng kaibigan niya.
Napaismid naman ako akala mo ang gwapo,Oo na syempre sa isip ko lang yun.
"Oh tapos? Duh! Nagsorry nga labas naman sa ilong ng putanginang iyon!." Nanggigil pa rin' ako hanggang ngayon bwisit.
"Kakatransfer lang naman ng buong team na yun biruin mo limang kalalakihan,nagtransfer ditoo! Balita ko rin' na mayayaman yung mga yon." Winagaygay pa nito ang kamay habang nagkwekwento.
"Hindi madadala ang pera sa hukay,always remember that." Seryoso kong bigkas sakanya.
"Aish! Oo na malay mo naman, tsaka graduating na tayo ng Senior oh! Gusto ko rin naman na makita kang magkalovelife!" Parang tangang wika ni Sha.
"Umasa ka,hinding hindi ako iibig sa katulad nya." Matigas na wika ko.
"Owkeyy,tulak ng bibig kabig ng dibdib." Sagot ko nito at saka sinamaan ko ito ng tingin bruha talaga.
NATAPOS ang walang kwentang usapan namin ni Sha at nagpatuloy na kami sa aming classroom,First day of class eh ano po ba ineexpect nyo? Hindi ako nakakaexcite katulad ng ibang estyudyante sa katunayan tamad talaga ako mag aral eh at wala naman ako pakialam sa grado ko.
Pero baka akala nyo Bobo ako? Syempre oo naman sa lalo na sa academics pwii.
Syempre doon kami sa seksiyong hindi katalinuhan.
Unang klase syempre tahimik na pero after 3 days party party na! Madaldal talaga ako eh,hindi katulad ng iba jan!
Kaya bespren kami ni Sha dahil pareho kami ng IQ mahina rin utak ng bruhang to eh,minsan kasi luka luka tapos sinto sinto hays pagpasyensyahan nyo na.
Lumipas ang ilang oras at Break time na,syempre ganon talaga boring na boring ako sa klase na walang ginawa kundi Introduce yourself,Oo na persdey kasi.
Pumunta kami ni Sha sa canteen para lumafang gutom na kasi ako kanina
pa,nasira pa ang araw ko nangako pa man din' ako na magbabait. Mabait naman talaga ako minsan demonyita lang talaga pag sinubukan.Nakapila na kami upang bumili ng biglang nahawi ang isang pila dahil nag alisan ang mga ito,napakabobo naman talaga ng estyudyanteng iyon palibhasa mga babae kaya gusto kumerengkeng.Naiwan kami ni Sha sa pila, wala akong pakialam gutom ako kaya't bibili ako.
"Pam? Bilisan mo na nga bumili nakakahiya, y'know center of attraction." wika ni Sha.
"Hindi tayo,kundi sila." sabay tingin ko sa limang kalalakihan na parang modelong lumalapit papunta sa kinaroon nila.
"Hays basta wag kang gagawa ng trouble ah,Pam!" Paninigurado ni Sha.
"Oo naman,ako pa." Matamis akong ngumiti sabay umorder na'ko ng pagkain namin,sa kalagitnaan ng pag order ko ay biglang may umimik kaya't napatigil ako.
"Excuse me?" His baritone voice was enough to make my bristle stand.
Pero hindi ako natatakot,medyo lang.
"Yes?" Matigas kong wika.
"Ikaw na naman Miss? You know what baka isa ka lang sa babaeng nagpapansin sa'kin c'mon your not my type,look at yourself." Namataan kong tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa.
Iyon ang ayaw ko sa lahat,iyong pakiramdam ko ay tinatapakan ang aking pagkatao.Just like what he did to me. Iba talaga pag laking mayayaman tsk spoiled brat.Wala akong nakikitang mali sa suot ko dahil eto lang ako,hindi ko kayang makipagsabayan sa mga katulad nilang parang hari at reyna kung umasta.
Huminga ako ng malalim bago tumingin sa paligid pinapakalma ko ang aking sarili,maraming estyudyante ang nakikichismiss,mga makikitid ang utak.
Matalim kong tinitigan ang lalaki sa harap ko kasama na ang mga kalalakihang sa tingin ko ay kaparehas niya lang din ng estado.
"Alam mo,ang gwapo mo..." He grin. Hinawakan ko ito sa pisngi at nakipagtitigan sa walang emosyon at di pagkagusto sakanyang mga mata. Kinuha ko ang inorder kong juice gamit ang isa ko pang kamay at isinaboy sa pagmumukha niya.
Napasinghap ang lahat sa ginawa ko,nagbubulongbulungan at kung ano ano pa.
"Thats for insulting me you fucking bastard!" Galit ko itong iniwan na matalim din ang tingin sa'kin.
"Be ready woman,you better pay what you did to me!" Nag igting ang panga nito habang parang papatayin ako sa paraan ng pagsunod niya ng tingin sa akin.
Mapakla akong ngumiti ng tuluyan na akong makalayo sa demonyong lalaking iyon pero kasabay non ay ang pagkulo ng sikmura ko.
"Ugh,gutom na talaga ako! May klase pa ako mamaya." Inis akong napasalampak sa isang upuan may kalayuan sa eskandalong naganap kanina.
Hawak ko ang aking tiyan,nagbabakasakali na tumunog na ang bell,tutal napagdesisyonan na rin' naman niya na magcutting dahil timatamad na talaga siyang pumasok.
"This food can help you." Napalingon ako sa nagsalita. Tinabi niya ang supot na naglalaman ng pagkain at agad namang nanubig ang bagang ko dahil na rin sa gutom.
Hah! Kilala ko siya? Pero teka bakit siya nandito?
Nakapamulsa ito bukas ang dalwang butones ng uniform,faded ang buhok at napakacharming tingnan.
Napatanga ako sa kagwapuhan nitong taglay.
"Kilala mo ako?" Nagtatakang kong tinuro ang aking sarili ko.
"Yup." Sabay alis nito ng hindi man lang lumilingon,
w-wait i dont even say thank you?
BINABASA MO ANG
Selfish Love
Teen FictionPAMELA KRISTINE AGUSTIN is just a typical high school student tamad mag aral at puro kabalbalan ang alam sa buhay. Palaban ito at puro trouble hindi siya bully pero hindi siya nagpapatalo pag alam niyang tama siya in short may paninindigan, lingid...