Chapter 5

902 22 2
                                    

Author's POV

Kinabukasan maagang gumising si Kim dahil sa usapan nila kagabi nung tumawag sa kanya. Dali-dali siyang bumaba pagkatapos niya magbihis at maligo. Kahit na mejo masakit pa rin ang ulo niya dahil sa kakaiyak ay agad-agad na lumabas ng bahay nila ito at tinakbo ang pinakamalapit na coffee shop sa village nila.

Kim' POV

Maaga akong umalis sa bahay dahil sa usapan namin ni P'Van noong tumawag siya sa akin kagabi habang hinahanap si Pie. Oo si P'Van ang walang hiyang tumawag sa akin kagabi. Ano na naman bang pag-uusapan namin ng taong yon? At bakit ngayon pa niya naisipan? Pupuntahan ko pa sana si Pie sa kanila dahil alam kong doon siya pumupunta kapag nag-aaway kami noon. Pero dahil nga may kakausapin akong walang hiyang tao eh mamaya nalang pagkatapos ng usapang iyon kung ano man yon.

Mabilis akong tumakbo sa daan dahil baka malate ako sa usapanat kantiyawan na naman ako non. Nang makarating ako sa coffee shop, nilibot ko ang paningin ko para tingnan yung kumag kung meron na ba pero wala pa rin pala siya kaya naupo muna ako sa isang bakanteng mesa.

Pagkaraan ng ilang minuto dumating na rin siya sa wakas!

"Tsk! Akala ko mahuhuli ka nanaman sa usapan" mayabang na sabi niya na nakangisi pa.

"Sabihin mo na ang sasabihin mo at may pupuntahan pa akong MAS importante dito" sabi ko pagkaupong-pagkaupo niya, at pinagdiinan ang salitang MAS.

"Oh chill lang masyado kang nagmamadali kakaupo ko lang" sabi niya. Upakan ko to eh. Paligoy-ligoy pa.

"So? I dont care" sabi ko sabay inirapan siya.

Napansin kong pinasadahan muna niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago siya nagsalita.

"Psh! Alam mo bang ang mga babaeng kagaya mo na nagbibihis panlalake ay ayaw na ayaw ng Mommy ni Pie" of course i know that kaya nga pinipilit ko pa rin maging girly. Pero siyempre sinabi ko lang yun sa isip ko.

"oo alam ko, pero wala ka nang magagawa pa, ganito na ko eh"  kalmadong pagkakasabi ko pero deep inside gusto ko na siyang patayin. Dami satsat eh.

"nakikita ko nga kaya ngayon palang sinasabi ko na to sayo. Layuan mo na si Pie hangga't maaga pa. Dahil oras na malaman ito ni Tita, siya mismo ang gagawa para mapalayo sayo si Pie." aniya.

"why would I?! I love Pie! At hindi ko siya pwedeng layuan!" singhal ko sa kanya. Dahila para mapatingin sa kinaroroonan namin ang mga tao sa shop.

"Nasa sayo na yan Kim. Pero tandaan mo na oras na malaman ng Mommy ni Pie kung ano ka talaga, gagawa at gagawa siya ng paraan para mapaglayo kayong dalawa." sabi niya, tsaka tumayo pero bago siya umalis may sinabi muna siya.

"kung ako sayo better leave now hanggat maaga pa layuan mo na siya. Dahil simula palang akin na siya, inagaw mo lang" pagkatapps niyang sabihin yun umalis na siya.

Damn it!

Pie's POV

*sniff* I really hate her! Tinago niya sa akin kung ano siya, bestfriend ko siya pero bakit pinaglihiman niya ko. *sniff* At ang masaklap pa she loves me! Oo tanggap ng puso ko kung ano siya pero hindi tanggap ng isip ko na mahal niya ko higit sa kaibigan. Kaya ba minsan konteng sugat ko lang nag aalala na siya, konteng lagnat, ubo at sipon lang todo alaga na siya. Bakit di ko napsnsin na ganoon na pala siya? Kasi ang alibi niya ganito.

"Mas astig kaya ang ganito, uso to ngayon!" oh diba naaalala ko pa.

My Mom told me na layuan ko daw ang mga gaya niya. Dahil daw sa nakakadiri daw sila. Tama naman si Mommy nakakadiri nga sila. Pero bakit hanggang ngayon umiiyak pa rin ako.

*tok tok tok

"come in" garagal na sabi ko dahil hindi ako makapagsalita ng maayos.

"here take this" sabi ni Mommy sabay abot sa akin ng tubig. "why are you crying baby? tell is it about P'van?" sabi ni Mommy na halata sa boses na nag aalala siya sa akin.

"Hindi po. Pero paano ko kung *sniff* *huk* hindi lalake ang dahilan kundi babae or should I say Tom?" sabi ko. Nang tingnan ko Mommy biglang nagbago expression ng mukha niya mula sa concern naging gulat at mabilis na napalitan ng galit.

"Tell me Pie who's that person?!" galit na sabi ni Mommy.

"Kapag sinabi ko po ba *huk* ilalayo niyo ko sa kanya?" tanong ko.

"Natural dahil sa ayoko na lumalapit sila sayo!" sabi niya. "Now tell me SINO SIYA?" dagdag pa niya.

"I-its Kim" mejo alanganin kong sabi sa kanya.

"Sinasabi ko na nga ba at tama ang hinala ko sa kanya noong una palang kaming nagkita!!!" galit na sigaw ni Mommy.

"Mom-" hindi niya na ko pinatapos ng marinig ko ang mga susunod na sinabi niya.

"Layuan mo na siya Pie. Ayokong makikita o malaman na magkasama pa rin kayong dalawa. Kung ano man ang mayroon kayo dati. Kalimutan mo na lang. Dahil oras na malaman ko na magkasama pa rin kayo ipapadala kita sa america. May isang salita ako Pie." sabi ni Mommy na halata ang pagbabanta sa akin. Naiiyak nanaman ako. Pero pinigilan ko.

"Mom but-" hindi na naman ako pinatapos ni Mommy.

"No buts Pie or else ipapadala kita sa america para hindi mo na siya makita pa. Dahil alam ko sa oras na ito nahulog ka na sa kanya. Prinoprotektahan lang kita anak." pagkatapos non umalis na si Mommy at naiwan akong nag iisa doon na ko umiyak. Dahil tama si Mommy noon palang nahulog na ako kay Kim pero hindi ko alam kung ano yun. Oo inaamin ko mahal ko na siya higit sa kaibigan. Pero kailangan kong gawin to para sa ikabubuti namin dalawa.

I Love You Even If You're A Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon