Hindi ako sa tamang pag-iisip ng mga panahong ikaw ay nagmamakaawa sa akin
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ang pagpatak ng luha mo sa iyong mga mata.
Ang nasa isip ko lamang noon ay ang iwan at layuan ka. Ilang beses kang nagmakaawa na ako'y bumalik na, ilang beses kang nagmakaawa at umiyak para lamang makuha akong muli.
Pero ayun ako nagmatigas na sa halip na balikan ka ay mas naoagdesisyunan konh piliin siya.
Patawad aking mahal, humihingi ako ng tawad dahil ako'y lumisan humihingi ako ng tawad dahil ikaw ay aking iniwan.
Mahal kita! Mahal parin kita ngayon ko lamang lubos na naisip kung gaano ka kahalaga pero hindi ko alam na sa oras na to ay wala kana.
Hindi ko na mababalik ang dating saya sayong mga mata. Hindi ko na maibabalik ang mga ngiti sa iyong mga labi.
Patawad ng dahil sa akin ikaw ay nagdurusa. Patawad dahil ikaw ag akinv nasaktan. Patawad dahil ikaw ay aking iniwan.
Sa huling mga sandali ang gusto ko lamang marinig ay kung paano mo ako mapapatawad sa lahat ng aking mga nagawa.
Patawad aking mahal.