Mama

20 1 0
                                    

Para 'to sa lahat ng dakilang ina
naway magustuhan ang handog kong tula.
Kung mararapatin, may sukat at tugma
Mag inang niyayapos ng bagong hulma.

Unang sikat, liwanag kong natatanaw
Halele sa pagtulog, ugong at galaw
Unang pantig walang iba kundi ikaw
'Ma' syang kawangis, nagniningning kong ilaw

Busilak na galak na ika'y pagmasdan
Nawala ang hapdi't kirot nang isilang
Sa una'y nangamba, napuno ng agam
Nang aking supling  ay maging  nilalang

Ikaw ang nagturo, nagbigay, gumabay.
Upang sa mundo'y makalipad, sumabay
Di maipintang pag aalala't lumbay
Iyong winaglit para sa'king tagumpay

Ngayon ika'y akin ng tinitingala
Puyo't bunbunan kong iyong kitang kita
pagaspas ng pakpak ng munti kong maya
Sa paglubog ng araw, Ibong lalaya.

Advance...

HAPPY MOTHER'S DAY PO!!!

Messy ThoughtsWhere stories live. Discover now