Chapter Forty Two
**********************(Levy's POV)
Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ni King. Iniwan din niya ako dito sa isang malaking park. Ewan ko pero ang tahimik dito tila private siya. Nilakad ko papunta sa malaking puno. Nang makalapit ay kunot noo akong napahawak sa puno. Hindi lang ito simpleng puno lang. Kung titigan mo sa malayo parang wala lang kaso kung nasa malapitan ang ganda pala. Pagkatapos ay bumaba ang tingin. Napatitig ako sa lapida.
'Martina Jane Fuentes'
Sino naman ito? May babae palang nakalibing dito? Napaangat ang tingin ko ulit sa nakamarka sa puno.
"Forever in my heart, I loved you----- Martina love Harris. P.S. I will live to love you everyday" pagbabasa ko sa nakasulat.
"Harris?" Hindi bat si--- O______O posible kayang yung principal namin yun? Ibig sabihin--- ito ang babaeng mahal niya? Pero diba kasal na si Harris?!
Naalala ko bigla yung sinabi ni King.
"May kinalaman ang boyfriend mo" Nakakaramdam ako ng poot sa aking puso pero hindi ko dapat pairalin yun.
Napaatras ako dahil biglang sumakit ulit ang ulo ko. Nang pumikit ako nakita ko ang mukha ni Adik na kilala ko. Hindi---
"F*ck Levy what did you do to me?! Oh my heart!" Nabigla ako ng mabilis niya akong niyakap. Unti unting bumilis ng mabilis ang tibok ng puso ko. Siguradong ramdam na niya yun kasi sa sobrang lapit naming dalawa.
Inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang galos sa kanyang mukha. Anong nangyare sa kanya? Kakalas na sana ako sa pagkayakap niya ng mas hinigpitan niya ang yakap nito. Tila ayaw niya ako mawala.
Humugot ako ng lakas bago ko masabi yung gusto ko itanong sa kanya. May gusto din akong itanong kung bakit sinahi ni King hindi ko dapat siya maalala. Bakit hindi?
"Kailangan ba kitang maalala?" Tanong ko at ramdam ko na nag-iinit na ang mga mata ko. Baka di ko na mapigilan na mapaiyak ako. Natahimik ito at sa di ko alam ang dahilan---
"No--- alam ko hindi yun ang tanong" bakit yun ang sagot niya? Naalala ko na--- naalala ko na siya iyon pero bakit ganun? Ayaw ba niya na makaalala ako?
"I'm killer" sagot niya at dahan dahang kumalas sa yakap.
"I'm murderer"
"I'm psycho"
"I'm Gajeel"
Napailing iling ako. Please wag mo sabihin---
'Please tama na' gusto kong sabihin sa kanya yun kaso may pumipigil sa akin na sahihin yun.
"Once upon a time. Hmm a untold story behind your love story. There I was a guy loves you--- lies to you. Care you--- lose you. But do you know? Nandoon ako lage sa kwento niyo simula't simula pa lang. And yes! Martina and your uhh nevermind that f*cking name of your boyfriend--- I killed them!... Hmm bakit?" Dahan dahan gumuhit sa kanyang labi ang ngisi nito. Nakakatakot ang mukha niya ngayon.
"Dahil bulag ka" saad nito.
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na magalit sa kanya. Bakit ganun siya? Kahit na di nila deserve mamatay diba? Bakit di ko nabalitaan na wala na siya? Arggg kailangan ko mag isip isip.
"Tama na, Gajeel" aalis na sana ako sa harapan niya ng hinawakan niya ang braso ko at nilapit sa kanya.
"Now you hate me? Mad at me?" Habang hinimas ang pisngi ko.
Napapikit ako at napayakap nalang bigla sa kanya. Galit ako pero bakit ganito? Bakit parang wala lang sa akin yung narinig ko sa kanya? Ano ba talaga ako? Feeling ko din--- nawala ako saglit sa tamang pag-iisip. I think bloodlust?
'Gajeel ano ba ako sayo?Laruan? Bakit ginawa niya yun para sa buhay ko?'
"Plano lang ito ni King but I'm sorry to tell you. Mahal lang talaga kita"
(King's POV)
"What was that, King?" Seryosong boses ni Jacob habang nakakunot ang noo nito.
Natawa nalang ako dahil sa kunti nalang talaga pwede na akong matunaw sa titig niya. Papatayin ba naman sa titig.
"Relax! Naglalaro lang" sabay kindat nito.
"So bakit nga sinabi mo kay Levy yun?" Nawala ang ngiti ko sa sunod na sinabi niya--- "Balak mo bang ilayo kay boss si Levy?"
The hell?
"Haha no! Not my f*cking intention, Mr. Lover boy. Porket ako lang walang lovelife dito iyan talaga agad ang naisip mo?" Pailing iling kong sabi sa kanya.
"Kasalanan ko ba na di ka makalapit sa kapatid ko?" Mapang-asar nitong saad kaya napangiwi ako.
Binatok ko na dahil kanina pa ako nanggigigil na gawin yun. Walang tungkol sa amin ni Bria. Hindi lang talaga ako makalapit sa kanya matapos noong araw na binadtrip ko siya. Loko kasi ako ha-ha-ha tinawagan ko kasi siya habang nagrarank siya sa Mobile legend. Errr ok fine kasalanan ko na pero never ako nagkagusto sa kanya. Inaalala ko lang siya sa tuwing nasa laban kami.
"Nahhh forget it. So bakit mo nga ginawa yun?" Pangungulit nito. Napabuntong hininga naman ako.
"For good purpose. Para hindi madamay si Levy sa gulo ng buhay ni boss. Kita mo naman diba? Sentro siya ng attention ng mga kalaban ni Boss" pagsisimula ko. Napaupo ako sa couch at napahawak sa ulo ko. Iniisip ko pa lang na may masamang mangyayare kay Levy. Sumasakit ang ulo ko at nababaliw na. Hayst.
"Poprotektahan naman siya ni boss eh. Diba masamang damo si Boss kaya matagal mamatay-- aray!" Daing nito dahil binato ko sa kanya ang peso sa mukha niya.
"Joke lang ito naman" habang hinimas ang noo nito. Tsk tsk tsk tsk bakit ba naging dos ito? Talino nga pero mukhang naiwan ang utak sa mental.
"Atsaka ginawa ko yun para umamin na din si Boss para wala na siyang sekretong itatago kay Levy. Doon natin malalaman kung kaya ba tanggapin ni Levy yung katotohanan"
"Aishh padalos dalos ka sa plano mo" naiinis nitong tugon at madilim ang mukha ng tumingin sa akin.
"Ikaw ang pumigil kay Boss Zero. Baka nakalimutan mo ang nangyare, King" pagpapaalala niya sa akin yung panahon na maraming napatay si Boss nung nalaman niya na may ibang mahal ang Levy niya. Her first boy friend. Paolo, remember?
Sh*t.
Napahilamos naman ako sa mukha ko at napahilot sa sintido.
**********
❤
BINABASA MO ANG
That Mafia Boss Loves To Kiss Sadist Nerd
Teen FictionMeet the Assasin that became The Mafia Boss and he truly Loves to Kiss Saddist Nerd. Epic Love story!