CHAPTER 31.

47 3 0
                                    

Althea's POV.

A typical party, pagkatapos ng press conference. Legal na napunta sa Teodoro ang Azores corporation kaakibat niyon ang ilan nilang pabrika. Small branches in the city.

Ang Beverly's hot spa ay pagmamay-ari ko rin kaya napunta lang sa wala ang pagbebenta ni Yohan, ginamit ko lang ang pangalan na iyon para paglaruan siya.

Nagtaka na lang ako sa pagsalubong niya kanina habang may bitbit na bulaklak para sa akin. Hindi iyon tinanggap ni Vince at nagdahilan na lang. Tapos ngayon na kumakain kami ay magbibigay naman siya ng regalo.

"I'm sorry but, is that for peace offering?" tanong ni Vince at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko sa ilalim ng clothing table.

"Amh... Natutuwa lang ako dahil sa inyo napunta ang kumpanyang pinangalagaan ko, simula pagkabata. I know na hindi niyo pababayaan ang mga tauhan na maiiwan ko!" Paliwanag niya, hawak pa rin niya ang regalo.

Desmiyadong tiningnan siya ng executives and board members. Halatang may hidden agenda siya.

"Dapat ba matuwa rin ako?" Tumaas ang kanang kilay ko.

"Alam mo na ba ang ginawa ni Eunice sa painting ng fiancè ko? Ipinakulong siya ni Althea pero narito ka at natutuwa sa amin! Hindi kaya may ibig sabihin ka?" Baling ni Vince sa kaniya.

"Hindi ko kasalanan, ang kasalanan ng asawa ko! Actually, mas importante kayo kaysa sa kaniya!" Saan nanggagaling ang kakapalan ng pagmumukha niya. Kung palabas lang niya ang pagiging mabait sa amin, p'west sasakyan ko ang kapilyuhan niya.

"Nahihibang na siya!" Napapannhising bulong pa ni Vince at napatingin ako sa kaniya. Nararamdaman ko ang galit na pilit na kinikimkim niya sa sarili.

We're officially engage, ayon sa proposal niya bago kami pumunta dito. Isinuot ko ang promise ring na ibinigay niya bilang pagdedeklara na tinatanggap ko ang kaniyang pagmamahal. Vince Teodoro is a very good person, walang tapon sa pag-uugali niya at kahit kailan ay hindi ko naramdaman ang pangmamaliit sa pagkababae ko. Hindi rin masama ang intensyon niya sa amin ni Mayumi at nais ko, na masuklian iyon kaya pumayag ako na panghimasukan niya ang puso ko.

"Anyway, akala ba namin si Mr. Zubchini volka ang magpapatakbo ng kumpanya? Where is he? Hindi man lang namin siya nakita sa conference kanina!" singit na tanong ni Mr. Senior. As i expected, narito sila para saksihan ang pagdating ni Mr. Volka. Natatawa ang isip ko sa magiging reaksyon nila.

"I'm here, Senior! It's nice to see you again!" Ang tinig na iyon ang gumulat sa matandang Azores habang nakangiti pa si Yohan na sinalubong at kinamayan si Mr. Volka.

Parang binuhusan ng malamig na tubig dahil hindi makakilos sa kinauupuan si Mr. Senior.

"Dad!" Tumayo si Vince upang batiin ang kaniyang ama and I was the next on him.

"Dad? Ibig sabihin, mag-ama kayo?" Naguluhan bigla si Yohan.

"Vicente?" Derektang nagsalubong ang paningin ng dalawang matanda.

"Ako nga, Senior! Pasensya ka na kung ngayon na lang ulit tayo nagkita! Inasikaso ko pa kasi ang pangalan ko sa immigration!" Paliwanag ni Mr. Volka.

"Inasikaso o pinagplanuhan mo?" buntong-hininga na tanong ni Mr. Senior.

"Kung gano'n, Isang pilipino rin pala ang mamumuno sa amin at isang malapit na kaanak ni Mr. Teodoro! Napakaganda ng nangyayari ngayon, kagulat-gulat at sadyang hindi kapani-paniwala!" saad ng isa sa board members.

"At magkakilala pala sila ni Mr. Senior!" Sabay-sabay silang nagtawanan.

"Alam niyo kasi, masyadong masalimuot ang pagkakaibigan namin ni Vicente!" Natatawa na lang din ang matandang Azores na tila ba pinagsawalang-bahala ang nangyari sa nakaraan nila ni Mr. Volka.

She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon