CHAPTER 33.

45 2 0
                                    

Althea's POV.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Habang nagpapagaling sa hospital si Mayumi ay diretso naman ang trabaho at pag-aasikaso ko sa T.G jewerly and designs, pagka't si Mr. Volka na ang nagpapatakbo sa pag-aari ng Azores. Kung minsan, sa akin pa rin niya ipinagkakatiwala ang pakikipag-usap sa mga investors client ng kumpanya kaya hindi ko mabigyan ng pansin ang anak ko. Mabuti na lang at palaging maaasahan si Vince kahit napapagod din siya sa pagpapatakbo ng Teodoro's bakeshop and cafe. Naiintindihan niya ang pagdalas na punong-abala ko sa mga negosyo. Sa halip na magpahinga pagkarating galing sa trabaho ay aasikasuhin pa niya kami. Ni minsan ay hindi ko narinig na magreklamo siya at isa iyon sa hinahangaan ko sa kaniya.

Kaya hindi ko maiwasan mapaisip ng malalim. Palagi na lang siya ang nagbibigay ng oras sa amin ni Mayumi kahit hindi naman kailangan. Marami na siyang isinakripisyo para sa amin ng anak ko. Tapos sasaktan ko lang siya?

"Kumain ka sa tamang oras. Hindi naman yata nagmamadali ang client para sa proposal mo sa kanila!" sabi niya sa kabilang linya. Tumawag ako para itanong ang kondisyon ni Mayumi ngunit sermon lang pala ang maririnig ko mula sa kaniya.

"Oo na..." tugon ko habang tumatawa.

"Althea, huwag mo akong sinusubukan. Baka gusto mo pa na ako ang magsubo sa 'yo ng kakainin mo!" Nararamdaman ko ang gigil niya.

"Alas-diyes lang, hindi pa p'wedi mag-one hour break, ano ka ba?" Patuloy ako sa pagtawa. Tiyak na nakasimangot siya habang nakikipagtalo sa akin.

"Hindi ka naman nag-breakfast, malilipasan ka na ng gutom. Gusto mo ba matulad sa anak mo? Pasaway ka talaga!" Tumataas na ang boses niya.

"Okay fine! Kakain na ako para hindi ka na stress diyan." I heard his sigh. May sasabihin pa sana ako kaya lang pinagpatayan na ako ng tawag niya. Hindi ko man lang nalaman kung p'wedi naiuwi na sa bahay si Mayumi.

Ano'ng problema niya? Nagtampo agad dahil sa sinabi ko.

"Althea! Althea!" Malakas na hiyaw ni Eunice sa labas ng office ko.

"Ma'am gusto raw po kayo makausap ni Ms. Eunice!" sabi ni Vivian. My new secretary sa T.G.

"Papasukin mo." Hindi na ako nagugulat kung bakit sumugod siya sa company ko. Marahil iniisip niya na ako ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Yohan sa kaniya.

"How dare you, Althea! Wala ka na ba talagang delikadesa sa sarili at pati ang iyong anak ay ginagamit mo para lang makuha sa akin si Yohan?" tahasan na bintang niya.

"Hindi ko kasalanan kung bakit kinakarma na ang relasyon niyo! Ikaw naman kase, masyadong marami ang sinasabi! Alam mo, pinaka-ayaw ni Yohan ang ganiyan pag-uugali. Baka nabibingi na siya sa iyo kaya iniwan ka niya." insultong sabi ko.

"You're pathetic! Mahal na mahal ako ni Yohan pero simula nang landiin mo siya at ipakita ang anak mo, nagbago na ang pakikitungo niya sa akin! Malandi ka!" matigas na saad niya.

"You too... You know what Eunice, hindi ka iiwanan ng asawa mo kung may anak kayo! So stop your ediotic agony na pinakasalan ka ni Yohan dahil mahal ka niya! He's selfish, ignorant at higit sa lahat, gold digger! Bakit ako ang iyong isinisisi sa failed marriage life mo? Ako ba ang pumilit sa kaniya na pakasalan ka? Kasalanan ko ba kung bakit naghahabol at ulol na ulol ang asawa mo ngayon sa akin? F*ck!" Kalmado pa rin ako. Kung kinakailangan na murahin ko siya, i will, magising lang siya sa masamang panaginip na umuusig sa isip at puso niya.

"He's not like that!"

"So, get out of my office dahil hindi ko kailangan makipagtalo sa isang katulad mo! Walang kwenta!" Tumalikod na ako at ipinarinig ang tanong na matagal ko nang gustong marinig mula sa kaniya.

She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon