Acceptance

0 0 0
                                    

May isang babae na nangangalang Sophie. Siya ay ipinanganak na hindi kagandahan pero sobrang masayahin. Inuuna nya parati ang kanyang pag-aaral at ang kanyang pamilya. Nang siya'y umedad ng dalawampu't walo, siya ay sinabihan ng kanyang ina na humanap na ng kanyang mapapangasawa. Dahil kahit kelan hindi sya nagkaroon ng kasintahan.

Si Sophie ay marunong nang mag-ayos at maglagay nang kolorete sa kanyang mukha. Hindi man makinis o maputi ang kanyang kutis ay walang-wala ito kung lalagyan niya ng make-up. Isang araw napasyahan niyang mag-open account sa facebook.

Merong nagmensahe sa kanya na gustong makipagkita sa kanya o tinatawag na 'blind-date'. Sa araw ng kanilang pagkikita, nag-ayos siya ng kanyang sarili at naglagay ng maraming kolorete sa mukha. Dahil sa rami nito parang hindi na siya makikilala ng kanyang ina sa kanyang ganda.

Nang sila ay nagkita ay namangha rin si Sophie sa mukha ng lalake na si Jeff. Iniisip niya na baka naliligo ito sa gatas dahil sa kinis at puti nito. Sobrang ganda din ng buhok ng lalake dahil bagay na bagay ito sa kanya. Naging perpekto ang kanilang gabi nang biglang umulan habang sila ay naglalakad pauwi.

Nabigla si Jeff nang makita ang mukha ni Sophie. Ang kolorete sa kanyang mukha ay nabubura dahil sa basa ng ulan. Nagulat si Sophie at tumalikod sa lalake na umiiyak. Nahihiya siya sa sariling mukha nito at parang nawalan nang pag-asa. Ngunit ang ginawa lamang ng lalake ay niyakap niya lamang si Sophie at ipinagtapat ang kanilang mukha.

Nagulat si Sophie sa ginawa ng lalake.
Kinuha ni Jeff ang kanyang sariling buhok. Si Jeff pala ay isang kalbo at meron itong malalim na mga mata. Hindi nakaramdam ng dismaya o pagkamuhi si Sophie dahil kahit ganyan ang kanilang itsura ay tanggap at mahal nila ang isa't isa. 😂😂

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon