Chapter 5
"Dapat kasi nag-iingat ka" sabi niya habang yakap niya ako.
Whaaaaaat?! Si Raven ba 'to.
Unti-unti siyang kumawala at ako naman ay natulala parin. Tumingin siya sa mga mata ko at ganun din ako.
"Ano sabi ng doctor?" Tanong niya at dun na ako natauhan.
"A-ah na-traumatized daw ako" sabi ko.
"Traumatized? Nangyari na ba 'to dati?" tanong niya.
"Yeah, muntik na din ako dati buti nalang tinulak ako ng ate ko and then siya yung napuruhan and she died" pagkwekwento ko. "Actually taga manila talaga ako, pero dahil sa pagkawala ni ate parang ako yung sinisi nila mommy sa pagkamatay niya, di nila ako pinalabas ng bahay at nag home study nalang ako pero di ko na kaya yung paninisi at pantratrato nila saakin kaya I decided to leave"
"Sa tingin mo ba nakakabuti yung pag-alis mo ha?" Tanong niya.
"Sabi ni Ginger, Everything happens for a reason and for a purpose" sabi ko.
"Ang tigas talaga ng ulo mo" sabi niya.
"W-why? I did that for a purpose" sabi ko.
"Pero di mo alam na nag-aalala na pala yung mga magulang mo dun" sabi niya.
"Mag-aalala? Sila? Si mommy? Eh parang tinataboy na nila ako eh" sabi ko.
"Alam ko na tumawag si Daddy mo kagabi. Isipin mo bakit siya tumawag?" Sabi saakin ni Raven.
"Eh bakit parang ako pa yung may kasalanan?" Tanong ko naman sakanya.
"Ikaw naman talaga eh" walang emosyon niyang sabi. "Kasi kung di mo pinairal yung pride mo edi sana di nangyari sayo 'to. Kaya ayaw ka nila palabasin ng bahay niyo kasi baka may mangyaring masama sayo diba? Nawalan na sila ng isang anak di na nila kakayanin kung pati ikaw" paliwanag niya.
"Naiintindihan ko naman sila pero kasi grabe na sila saakin eh. Kunting pagkakamali ko lang parang habang buhay na nilang iisipin yun" sabi ko.
"Just understand them, it is also for your own sake" sabi niya. Di na ako nagsalita at tinignan ko nalang yung view mula dito sa rooftop.
"Sis san ka ba nang-galing? Kanina ka pa namin hinahanap" sabi ni Ginger.
"A-ah diyan lang nagpahangin lang" sabi ko at agad namang dumaan si Raven galing sa dinaanan ko. Shacks! I'm doomed!
"Hmm?" Nagtatakang tanong ni Aryel. "Baka may kasamang iba" pang-aasar na sabi niya.
"Ikaw ah di mo kami sinasabihan bestfriends mo pa naman kami huhuhu" pag-iinarte ni Ginger.
"N-nag-usap lang kami" sabi ko at halata sa mga mukha nila na di sila kombinsado.
"Kaya ba hinatid ka ng dis-oras ng gabi ni Raven kagabi?" May pang-asar sa tonong sabi ni Ginger.
"Omooo" sabi naman ni Aryel at nagsisitalon sila.
"Tell us na kasi! Promise secret lang natin" sabi ni Aryel.
"Anong secret? Ano bang pinagsasabi niyo?" Naguguluhan ko naman tanong.
"Aminin mo na kasi sis, pansin namin na nagiging malapit kayo nitong si Raven and We smell something fishy" nakakalokong tinignan naman ako ni Ginger
"Promise?" Sabi ko sakanila. At tumango tango naman sila parang bata.
"We're friends? Oh I don't know" sabi ko at laglag naman ang panga nila at nawala yung saya sa mga mata nila.
BINABASA MO ANG
12:51 》Yoongi // Jisoo Ff✔
Fanfiction12:51 (On Going/Slow update) "And I'm here still waiting you" - Raven josiah Alvarez -- JustCallMeAYXHA