BOY'S POV
Kilala ko na si Bea noong una palang. Noong mga bata pa kami, madalas kaming mag-away. At kahit pa noong highschool kami..
--FLASHBACK--
"Ok. Another vote for Ms. Ramirez." tumakbo kasi kami ni Bea bilang president ng section namin.
Ramirez III Ramos II
"One vote for Mr. Ramos."
Ramirez III Ramos III
19 lang kasi kami sa klase 9 na boys at 10 na girls. Kaya palaging nananalo ang mga babae. In other words, palagi akong natatalo ni Bea.
Ramirez IIIIIIIII Ramos IIIIIIIII Hanggang sa..
"One vote again for Mr. Ramos."
"HUUUUUUUH?"
"Bakit ganun?"
"Dinaya tayo ng mga yan."
Yan ang mga narinig ko sa mga babae. Gulat din ako ng nalaman ko na ako ang nanalo. Pero siyempre, walang sikreto na hindi nabubunyag.
"Ok class, uwian na."
"Time na!" sa wakas, makakauwi na din ako.
Paglabas ko ng classroom, nakita ko si Bea kasama ng isa niyang kaibigan na naiyak.
"Sorry talaga Bea, hindi ko sinasadya. Akala ko kasi.."
"OH? TALAGA? ALAM MO BANG DAHIL SAYO KAYA KO NASALI SA MGA GANITO?" sabi ni Bea tapos may binatong papel dun sa babae.
"Huhuhu, di ko naman talaga sinasadya." -____- at biglang lumuhod yung babae sa harap niya.
"GUSTO KO KASING IGANTI KA SA LAHAT NG PANUNUKSO NILA SAYO! PERO ANONG GINAWA MO?"
Iniwan ni Bea ang babae habang naiyak at nakaluhod ito. Tutulungan ko sana yung babae pero nagulat ako ng sinabi niya..
"Ok lang ako, si Bea ang sundan mo."
Sinundan ko si Bea. Tinatanong ko ito kung anong nangyari pero hindi ito nasagot.
"Huy Bea! Hindi ka naman ganyan ah. Di ka naman nagpapaiyak ng tao, lalo na kaibigan mo yun."
"........" patuloy pa din ito sa paglalakad.
"Bea!! Bea!! Magsalita ka naman."
"Gusto mong magsalita ako?"
"Oo.. Ano ba kasing nangyari?"
"Niloko lang naman ng mga kaibigan mo yung kaibigan KO. I mean yung BABAENG yon para makuha mo ang boto niya."
Biglang tumakbo si Bea at hindi ko na siya hinabol. Dumiretso ako sa mga kaibigan ko. Hindi na ko nagdalawang isip. Sinuntok ko sila isa-isa. Hindi nila dapat ginawa yun. Pero siyempre sa huli, nagkabati din kaming lahat.
--END OF FLASHBACK--
Pero kahit ganun kami hanggang college, naging magbestfriends kami. Kapag siya ang may problema, tutulungan ko siya. Kapag ako naman, tutulungan niya din ako.
At biglang ayun.. Naramdaman ko nalang na nahulog na pala ko sa kanya..
Tinago ko ito sa aking sarili. Meron pa ngang isang beses na. Nakita ko silang naghahalikan ng bf niya. Grabe ang sakit.. Pero tiniis ko yun.. Mahal ko eh..

BINABASA MO ANG
Ang Aking KA-IBIGAN [One Shot]
Teen FictionAno ang mas mahalaga? Ang pagiging magkaibigan o ang pagmamahalan ng dalawang tao? :/ Minsan, sa buhay ng isang tao, makakatagpo ito ng isang kaibigan na handang tumulong tuwing may problema ito, dadamayan ito pagmalungkot, papasayahin palagi, hindi...