Hello po, eto po yung unang one shot story ko sana po magustuhan nyo. :)
Start na po tayo. :)
-------
"Lyn! Bes! Sino nanaman yang tinitignan mo jan?" Sabi ni Abi bestfriend ko.
"Ah eh.. ano kasi si crush oh. Ang gwapo niya talaga no?!" Sabi ko.
"Nako si tangkad? HAHAHAHAH oo gwapo kaya nga escort natin yan eh."
"Bes, alam mo napapansin ko parang may gusto din siya sakin!"
"Tungaw! In your dreams bestfriend HAHAHAHAHAH!"
Di man lang suportive si bestfriend ko. :( Awdi. </3
"Okay okay! I know right?"
Pauwi na ko, si bestfriend ko kasi mejo malayo pa bahay niya at ako isang sakay lang mula sa schhol. Nag goodbye kiss na ko kay bestfriend.
"Ingat bes! Kita-kits nalang ulit bukas." Sabi ni Abi.
"Ingat karin, sige po." Sabi ko.
Maya-maya habang nasa waiting shed ako, may napansin ako tumabing matangkad na lalaki sakin, kaso hindi ko pinansin kasi naka-headset din ako nun! (Play the video, yan yung pinakikinggan ko habang nasa waiting shed ako)
Pagkatapos may dumating na, na trisikel. Agad naman akong sumakay. After all this time hindi ko parin nililingon yung lalaking katabi ko. Opo katabi ko siya ngayon sa trisikel kasi umupo din siya sa tabi ko. Tinanggal ko na yung headset ko at kumuha ako ng pera sa bag! Maya-maya pa biglang nagsalita si kuya..
"Wag na! Ako nalang magbabayad."
OMG pag harap ko si crush opo si Mr. Joseph Pilapil ang my one and only prince charming! :"> Kyaaaaah. ^_________________^
"Uhm.. ah... eh.... ano wag na ako nalang!" Sabi ko.
"Ano kaba! Ako na libre na kita." Sabi niya sabay ngumiti siya. Tengene lord, salamat po. Yung puso ko ayaw kumalma, talon ng talon!
"Ah okay." Nasabi ko nalang.
Sa totoo lang ayaw ko ng paandarin yung trisikel kasi sobrang saya ko talaga ngayon, pero syempre malabong mangyari yun kaya eto na pababa na ko (sabi ko nga malapit lang school ko sabahay eh)
"Buhbye, baba na ko. Salamat sa libre! :)"
"Sige walang anuman, kita-kits nalang sa school bukas ha?"
"Ah osige. Ingat ka!"
Nakababa na ko at nakalampas narin sa kanto yung trisikel.
Pagkadating ko sa bahay nagmano ako kay lola at mama sabay umakyat na ko ng kwarto.
"Dug dug dug dug!" Tibok ng aking puso, hanggang ngayon eh mabilis parin. Sobra akong kinikilig sa mga nangyari. ^/////////////^ Agad kong tinext si abi.
To: Abi
Bestfriend! Sobrang saya ko ngayon. :""""">
Nagreply, mabilis pa sa alas kwatro magreply eh.
From: Abi
Besfriend, bakit naman? Umuwi ka lang masaya kana? Anyare? :D
To: Abi
Kasi kasi bes! Kyaaaaah~ Si crush nakasabay ko kanina sa trisikel.
From: Abi
Oh talaga? Ayiee mga kapokpokan mo talaga ah! Sige last text ko na to expired na unli ko eh ikwento mo nalang ng bongga sakin yan bukas. :*
BINABASA MO ANG
Trisikel. (One shot)
RomanceNaranasan nyo na bang mainlove ng todo-todo? As in yung tipong halos di ka makatulog gabi-gabi kakaisip sakanya? Haaaay sarap ng feeling pag ganun! Lalo na kapag yung taong gusto mo, ay may gusto narin pala sayo matagal na.