C9"Matrix"

6.3K 1.1K 107
                                    

RID2# CHAPTER 9
MATRIX

✿°•✮•°✿

"Kanina pa tayo dito, ubos ko na ang popcorn ko" Loki said sabay taktak sa labas ng bintana ng kotse ang paper bag ng popcorn.

Hindi ko siya sinagot, I was just looking at the entrance of the Salon. I have known from Loki that Marikit didn't go home yet. Loki is a hacker himself kaya madali nalang ma-locate si Marikit by tracking her phone.

I know she is wise enough to know that I can track her down. Wala siyang ginawa para ma-block ang location niya kaya alam kong gusto niya din akong sumunod sa kanya.

Listening at my thoughts, gusto kong singhalan ang sarili ko kasi bago siya dumating sa buhay ko, hindi naman ako ganito ka-clingy sa babae.

"Alam mo, walang mangyayari kung dito ka lang and doon naman siya, gusto mo ako ang kakausap? Ako nalang?" Loki suggested.

I eyed him.. "Anong ikaw nalang?" turan ko.

Tumawa ito at uminom ng tubig. "Sayang ang oras ko sa'yo, alam mo ba iyon?"

"Binayaran kita kaya shut up" I snapped at him.

"Mura-mura ng binayad mo"

"Mura na ang one hundred thousand para lang ma-locate siya?" I said with sarcasm.

"Mura na, hinatak mo pati ako tapos tatambay lang tayo dito? Ubos na pati popcorn ko" reklamo na naman niya.

"Oh please just shut up and be a cousin for once" singhal ko sa kanya.

Tumawa lang ito tapos ay napatingin sa Salon.

"There they are" Mamya ay sabi niya, looking at the two girls who just went out.

"Oh, di na na blue ang buhok niya, red na" Loki laughed. The other woman who was with her has red hair too.

"Who is with her?" I asked. Gaya ni Marikit at parang may lahi din ito.

"Ganda niya ano? Expert yan" tawa ni Loki.

I don't even know what he was talking about.

"Si Shakira yan, bestfriend ni Yaya Rikky" dugtong pa niya.

Tumango nalang ako. I don't even know she has a bestfriend. Nakakainis.

Yumuko si Marikit para isintas ang sapatos niya. From where we are ay kitang-kita kung paano lumuwa ang dibdib niya. What the hell?

"Do not fucking look at her breasts" sambit ko kay Loki na nakangisi lang. Badtrip.

Humalakhak ito. "Tsss kill joy" turan pa nito.

"Why the hell would she color her hair red?" I mumbled.

"Teka tatanungin ko" Loki said at binuksan ang bintana para sumigaw. It was too late to shut him off.

"Yaya Rikky, bakit ka daw nagpakulay ng red?" he yelled.

Spell Animal? It's L. O. K. I. Hayssst.

Wala na akong nagawa kundi ang bumaba at lapitan sila. Sumunod si Loki na tatawa-tawa.

Agad na sumimangot ang maaliwalas na mukha ni Marikit nang makita niya ako.

"Bakit mo ako sinundan?" she immediately scoffed.

"I can explain what happened. " agad na sabi ko.

"Talaga? Tamang-tama may Jollibee doon, libre mo kami ha? Ikaw si Gavin Nuñez diba? Yung pokpok?" Singit ng bestfriend niya.

Irritating woman.

Tapos tumawa pa si Loki at hinatak na yung bestfriend ni Marikit.

Wala nang nagawa si Marikit kundi ang umingos at sumunod nalang sa dalawa. I walked beside her. Contemplating what to say.

"You changed the codes" I started.

She only shrugged.

"Hindi ako galit na pinalitan mo at nasira ang pintuan ko--"

"--Kung paguusapan natin ang pintuan mo, mas madami akong mas importanteng gagawin, gaya ng pag-shutdown sa mainframe ng computer mo, tingin mo?" she snapped.

I sighed. "You know Selena, may access siya sa bahay pero hindi ko naman siya pinapunta eh,"

"But I talked to her, I stopped what we have"

Tinaasan niya ako ng kilay. Her eyes were narrowing too.

"It's true, believe me" I whispered and gulped. Marikit's face is angelic but sometimes can be scary too. Para niya akong kakainin ng isang subo lang.

"Ako na ang o-order" Bigla ay sabi ni Loki at hinila palayo ang kaibigan ni Marikit.

Umupo lang si Marikit na tinitignan parin ako.

"M-magsalita ka naman, oh" sumamo ko.

She sighed at saka lumambot ang expression niya.

"Gavin alam mong ayoko ng may kahati sa'yo" she paused.

"Wala na sila--"

"--Hiwalayan mo ang mga ka-pokpok mo" she cut me off.

"I already did--"

"--Kasi sabi mo mahal mo ako tapos may kalagari ka pa din, paano ako maniniwala sa'yo?" malumanay niyang sagot.

"I haven't touched any one since you started boggling my mind, please believe me"

"Kahalikan mo nga si Selena--"

"She kissed me, I didn't" rason ko.

I saw her sighed again. "Nakakatakot kang maging boyfriend" she concluded.

"Marikit if there is someone I wanted to be with, it's you, so please give me the benefit of the doubt even if my past is not something I will be proud 'bout." I said by helding her hand.

"Your mother, she likes Selena" bigla ay sabi niya.

"Marikit, si mommy yun, hindi ako"

"Hindi ko alam kung kaya mong pangatawanan iyan" She said and pulled her hand. Nagtagis ang bagang ko.

"Then marry me, if that's the only way to make you believe me" bigla ay sabi ko. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang mga salita but seeing her retract herself from me, parang alam ko na na ang pagdadalawang isip niya ay ang patunay na wala siyang tiwala sa akin--that in any moment, she would just call it over between us.

Lumaki ang mga magaganda niyang mata sa sinabi ko.

"A-ano yan? Prepoposal na naman?" she stammered.

"No Ma'am, It's a proposal and I mean it" I said and I knelt infront of her. Sa Jollibee, kung saan ang daming tao na nakatingin at nakapalibot but I only see her. I don't even know how she manages to make my heart thump na para bang konti na lang ay may cardiac arrest na ako.

"Will you be her, the woman who'll jump with me in the matrix of marriage Erikka Marikit Soliven-- Ma'am? I earnestly asked without a fucking ring.

I saw her frowned with what I said then gulped after.

"Please?" I begged. Hindi ko alam kung naisatinig ko but then I think I said it loud dahil napaawang ang mga labi niya.

✿°•✮•°✿
With my present workload, there is no schedule as to when is the update. Just please wait.

TRQ on the other hand will be reposted soon. Ang daming nagtatanong. Magbasa kasi kayo ng Notes ko nang di kayo nangungulit at walang alam. Napaghahalataan lang talaga ang mga walang paki sa announcements at notes ko.

🅿🅴🅿🅿🅴🆁 🅳🅰🅻🅻🅰🅲🅾🆂🆃🅰

Rolling in the deep 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon