Fall Twenty One

866 20 1
                                    

LIZZY's POV

Shantal Liera Grande. She is the toughest woman that I've ever met. Hirap syang magpakita ng emosyon sa ibang tao.

Lalo na kung tungkol ito kay Santi Sandoval.

"He is... He is my husband!"

Pagkasabi nya ng mga salitang iyon ay doon na umagos ang mga luhang ilang araw o linggo na nyang tinatago.

Simula kasi ng gabing mamatay si Santi ay hindi ko pa sya nakikitang umiyak.

"He is my secret husband pero kahit ang bangkay nya hindi ko nahawakan kahit sa huling pagkakataon." Halos pasigaw nyang sabi.

Napaluhod na sya sa harap ni Jiroh dahil sa pag-iyak nya kaya naman napatakbo na ako para alalayan sya.

Magtibay ang loob nito pero alam kong may hangganan pa rin ang tibay nyang yun. At ito yun.

At dahil iyon sa nag-iisang lalaking minahal nya. Si Santi Sandoval.

Flashback

It was a week before our Christmas Break. I quickly drove my car on the way to Shantal's house. Kakadating ko lang kasi galing sa isang Holiday Special Commercial ng isang beauty product.

At dahil alam kong kakauwi pa lang ni Shantal--kaibigan ko--- kailangan ko syang puntahan. Pumasok kasi sya sa Japan. Hindi bilang normal student kundi sa isang pribadong Gangster School.

Palapit pa lang ako sa bahay nya ng mapakunot ang noo ko. May nakaparada kasing isang gray na kotse sa tapat ng gate. Agad kong ipinarada ang sasakyan ko sa likod noong gray na sasakyan. Bumababa ako at lalong nangunot ang noo ko ng makita ko ang isang lalaking nakatayo sa harap ng gate at akmang magdo-door bell.

"Who are you?" I ask while raising a bro.

Napalingon naman sa akin yung lalaki at ngumiti. Tingin ko ay nasa 20 lang ito at kaedad ni Shantal.

"Ako po si Santi. Kaklase po ako ni Shantal sa Japan." Nakangiting sabi nya bago nag-bow.

Bumukas ang gate at doon ko lang nakita si Shantal. Nakasuot ito ng jacket kahit sobrang tirik ng araw

"What are you doing here, Sandoval?" Malamig nitong tanong kay Santi.

Sanay na ako sa kanya. Ganito talaga sya makipag-usap sa ibang tao pero napaka-sweet nyan pagdating sa Daddy nya at sa akin.

"Grande, I'm making my promise. I'm here to court you." Nakangiti pa ring sabi nito.

Isang irap ang ibinigay ni Shantal kay Santi kaya naman napangiti ako. Type nya si Santi--alam ko.

Paano? Yung mga kamay nya nangangatal.

"Hi, Lizzy. Come inside." Magaang sabi nya pero malamig pa rin ang mga tingin nya. Nauna na syang pumasok at hindi man lang ako hinintay

"Ayy she snob me again!" Napatingin ako kay Santi.

Kamot batok ito habang nakangiti. Gwapo si Santi. May kasingkitan ang mata, matangos ang ilong, manipis at may kapulahan ang labi, perfect jaw line, lean and tall.

"Pasok ka, ganun lang talaga iyon." Sagot ko at pinauna syang pumasok..

Tumigil sya sa tapat ng pinto at hinintay ako. Pinagbuksan pa nya ako ng pinto kaya napangiti ako.

Gwapo na gentleman pa. Ayos ang catch ni Shan ah.

Nauna akong pumasok kaya naman nauna kong nakita si Shantal na nakaupo sa sofa. Tulala ito habang naglilikot ang daliri nya.

"Hey, Shan. You have your suitor, face him."

"He's not my suitor. He is my dumbass partner in Japan."

Fall For My Hot and Cool ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon