CHAPTER 1

61 4 0
                                    

CHAPTER 1



Grey's POV

Kakatok na sana ako sa bahay namin ng marinig ko ang malakas na sigaw ni papa. Tinapat ko ang tenga ko sa pinto at pinakinggan ang sinasabi niya.

"Eto ba ang isusukli mo sa paghihirap namin ng mama mo ha?!" Inis niyang sigaw "Papa makinig po kayo sa akin, hindi ko po ito ginusto.." nagulat ako sa sinagot ni ate Iyah. Bakit? Anong nangyari?? "Hindi mo ginusto?! Sinong linoko mo!" Sigaw ulit ni papa. "Papa sorry po.. Sorry po.. Sorry!" gumagaralgal na boses ni ate "Papa papanagutan niya naman daw po ito eh." Sagot ni ate Iyah at nagulat naman ako.

*Pak!*

Bigla kong binuksan ang pinto sa narinig ko. Sinampal ni papa si ate, sa mga narinig ko sigurado akong buntis siya.

"Oh Grey nandito ka na pala..Palayasin mo na ang ate mo sa pamamahay natin! Hindi na natin siya kailangan!" Biglang pumatak ang luha ni ate sa narinig niya iniwan kami ni mama at papa sa sala. Tumabi ako kay ate at saka siya kinausap.

"Ate magpaliwang ka makikinig ako.." Mahinahon kong sabi "Huwag ka nang umiyak" tinignan niya ako at saka ngumiti. "Salamat Grey. Sorry hindi na ako makakapag-aral katulad mo dahil dito.." turo niya sa tiyan niya Mas lalo siyang umiyak. "Huwag kang mag alala Grey aalis na ako sa bahay natin sasama na ako kay Dwayne" nagulat ako sa sinabi niya "Ate dito ka na lang please." Pagmamakaawa ko "Ano ka ba Grey kaya ko na ito. Bubuo na ako nang pamilya ayoko maging pabigat sa inyo lalo na ikaw mag aral kang mabuti diba gusto mo maging architect? Please kahit ikaw na lang. Ikaw na lang ang inaasahan nila mama at papa" umiyak siya ng malakas at saka ko siya yinakap ng mahigpit. T.T

Pagkatapos namin mag usap ay inihatid ko na siya sa kwarto niya at natulog na siyang namumugto ang mata. Sinilip ko rin ang kwarto nila mama at papa tulog na rin sila. Kaya napagdesisyunan ko na lumabas muna nang bahay para magpahangin. Pumunta ako sa malaking hardin ng subdivision namin. Maganda dito at may malaking fountain, maraming ilaw makikita mo sa mga bulaklak at halaman na inaalagaan talaga nang maayos.

Umupo ako sa isang tabi at yumuko. Hays. Bigla na lang pumatak ang luha ko sa nangyari kanina. Iniisip ko palang na buntis na si ate at hindi na niya maipagpapatuloy ang pag-aaral niya ay kumikirot ang dibdib ko.

"Hello.. uhm.. Are you crying?" Gulat kong iniangat ang ulo ko nang makita ko yung babaeng nasa harapan ko. O.O

Pinunasan ko ang luha ko at nakangiting humarap sa kaniya. Wrong timing naman.. Siya yung babae sa coffee shop! How ironic, last time siya ang nakita kong umiiyak ngayon naman ako.

"Ikaw!" Ngiti kong sigaw at saka tumayo at tinitigan siya. "Anong ako?" Takang tanong niya "Hindi ako umiiyak" napapahiya kong sabi "Ah sige.. Paupo ako ah?" sabi niya at saka umupo siya sa tabi ko at bumuntong hininga. "Naaalala mo pa ba ako?" Tanong ko "Ikaw? Oo naaalala kita. Salamat pala. Coincidence? Nakita mo akong umiiyak noon tapos ngayon ikaw naman. HAHAHA!" sabi niya at tumingin siya akin. Parehas kami nang iniisip HAHAHAHA. "Wala yun. Wag ka nang iiyak ha? Hindi bagay sa mukha mong cute. Wait lang! hindi ako umiiyak ah!" Pinunasan ko ang mukha ko at Natatawa akong tumingin sa mukha niya.

"Iyakin akong tao, bata pa lang ako ganito na ako kahit maliit na bagay iiyakan ko." Natatawa niyang sabi. "Ako si Sahara" nagulat ako nang bigla niyang banggitin pangalan niya.

"Grey" sabi ko at akmang makikipag shake hands at tinanggap din naman niya. ^_^ "Uuwi na ako ha? Baka hinahanap na ako ng mama ko gabi na rin kasi." sabi niya at saka tumayo.

"Makikita pa naman kita diba?" Wala sa sarili kong tanong at natawa naman siya. Kainis ang anong pinagsasabi mo Grey? Masyado kang mabilis. "Taga dito lang ako" sabi niya at saka tinalikuran ako.

Umuwi na ako sa bahay at pumasok sa kwarto. Hindi ko malimutan ang malambot niyang kamay hays. -.- tama na nga! Humiga ako sa kama habang iniisip yung mukha niya.

Sa mga oras na yun nakalimutan ko ang problemang dinadala ko at ng pamilya ko.



Sahara's POV

Gumising ako dahil sa sikat ng araw na nanggagaling sa bintana ko. Inunat ko muna ang mga kamay ko at saka pumunta sa banyo para maligo.

Pumunta na ako sa kusina nang makita kong nagluluto si mama ng tuyo. "Oh anak kumain ka na oh masarap ito" nakangiti niyang sabi "Ah anak.. tumawag pala papa mo kanina nagagalit siya sa akin." buntong hiniga niyang sabi. "Kesyo daw bakit kita tinakas. Gusto niyang malaman kung saan tayo nakatira." Malungkot na sabi ni mama. Padabog akong umupo at inis na tinignan si mama.

"Mama!" Inis kong sabi "Dapat hindi mo na sinagot ang tawag ni papa! Kaya nga tayo umalis doon diba? Para lumayo sa kaniya!" Halos maiyak ako sa inis. "Anak patawarin mo ako kung ganitong buhay ang binigay namin sa iyo ng papa mo--"

"Mama ilang beses ko na ba sasabihin na ayos lang sa akin. Ayos lang ako!" Pasigaw kong sabi. Hindi ko na tinapos ang pagkain ko at tumayo.. "Sige na mama papasok na ako" tumayo ako at saka hinalikan siya sa pisngi at lumabas ng bahay.

Napapagod na sa ganitong buhay. T.T pinunasan ko ang luha ko at saka sumakay ng tricycle.

School

Pumasok na ako sa una kong klase English subject. Syempre ganoon pa din nakakaboring sa room namin tss.

"What is Pronoun?" Tanong ni Ms. Annie. Walang nakasagot at itinaas ko ang kamay ko.

"Yes Ms. Montejero?"

"Pronoun is a word that can function by itself as a noun phrase and refers either to the participants in the discourse" nakangiti kong sagot.

"Very Good Montejero!" At saka siya pumalakpak. Umupo ako at nagbasa na lang ulit ng libro. Buti na lang may stock knowledge ako

Lunch

Syempre kumain na naman ako mag-isa sa canteen but this time hindi na ako gagastos ng malaki tss! Umupo ako sa gilid kung saan ako nakapuwesto kahapon.

"Hey?! Upuan ko yan!" Napatingin ako sa gilid ng makita ko ang isang babae na may dalawa pang kasamang babae. Kumunot ang noo ko.

"Bakit? May pangalan mo ba?" Sarkastiko kong sagot. At mas lalo siyang nainis.

"Omg girls! Matapang na ang isang ito. Kilala mo ba ako ha?!" Sigaw niya sa mukha ko "Hayaan mong magpakilala ako.. Ako lang naman si Lalaine Dela Fuerte at kapag sa akin! Sa akin! Do you understand that girl???" Tumayo na lang ako at akmang tatalikuran siya.

*Pak!*

Sinampal niya ako! O.O Ano bang problema ng babaeng ito??? Hindi ko naman siya kilala ah? -.- sige ipagpatuloy mo lang yan.

"How dare you to slap me?" Mahinahon kong sabi sa kaniya. "Sa susunod na dumampi yang palad mo sa mukha ko lalapat yang mukha mo sa semento." Pagbabanta ko sa kaniya. At mas lalo siyang nagulat sa sinabi ko. Tss b*tch!

"Sinong tinakot mo? Ha?" Inis niyang sagot. "Bakit natatakot ka ba?" Nakangisi kong sabi at saka tuluyan silang talikuran.

Oh my god! Ibang level yung kaba ko nung sinabi ko yun. Ang dami pa nakatingin samin. Nakakainis! Imbes na nananahimik ako sa isang tabi. Bakit kasi ang daming bully at mean girls? Mga immature.

"She is so mean!" Dagdag pa ng isang babaeng kasama niya. Mean mo ulo mo! Ang arte tss.

Dumadami na ang nakatingin sa amin tss. Pabida lang? -.- mabilis akong naglakad at dumiretso ako sa garden ng school namin at saka nagpahangin.

"Sahara?" Gulat akong napalingon sa gawi ng nagsalita "Grey?" Sinuklian niya naman ako ng ngiti.

Boundless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon