Tots;;
Today is Thursday sukatan ng jersey namin dahil malapit na ang intrams namin na sa susunod na buwan na next week naman is field trip namin (friday)
Hindi ako sasama kase napuntahan ko na yung iba sa mga destination except lang sa Zoobic SafariNgayon ay nag dadare kami ng mga kaklase ko na sila Justin at Alfred guys parehas silang lalake ha
"Tots pag si Isa napaibig mo sayo na psp ko!" What the heck? Psp lang? Psh cheap!
"Psp lang? Sama mo na yung sapatos!" Sabi ko at ngumisi
"Ikaw alfred?" Tanong ni justin
"Wala akong ipupusta hahaha gago ka ba? Mayaman bako?"
"Pag ako natalo dito justin ikaw ang mag pafall sakanya pusta ko na 5k ko" sabi ko at ngumisi
"G! Pero ikaw muna ang mauna sakanya" hamon ni Justin
"Sure ka talaga alfred? Ayaw mo?" Mag aassure ko
"Ehh wala naman akong maipupusta e"
Well it's now or never! Nakikita ko na yung mga classmates nya na papunta na ng room
Yung room kase namin is una tapos yung gitna is vacant yung dulo naman ay classroom nila
"Isa!" Tawag ko dito saka lumabas ako ng classroom kahit na may teacher hahaha pake ko?
"T-tots!" Sabi nya at ngumiti
"Isa kase uhh hindi nako mag papatagal gustonko lang sabihin sayo na pwede bang manligaw?" Sabi ko kahit na nandyan yung teacher nila haha pake ko ulit??
"Huy ah? Ligawan kita ah?" Sigaw ko pa sakanya habang nag lalakad pabalik sa classroom namin
"Bobo mo naman gumalaw! Bakit mo sinabi agad?" Anas ni Alfred
"Marunong bako manligaw? First time ko kaya" sabi ko kahit na HAAHA basta!
"Pshh"
"Guys yung mga team prodigy lumabas na! Mag susukatan na po ng jersey" pag announce ni ate jolens
Tinawag ko na yung mga teammates ko at pinapila sila. Ako kase ang naka assign sa room namin
"Oh? Isa bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya nakapila kase sya sa team namin
"Prodigy kase ako bumaba lang ako kanina kase sinamahan ko sila grace mag pasukat sa dauntless" sabi nya at ngumiti
"Ahh nice! Dito ka na sa unahan ko para mauna ka" sabi ko at ngumiti
"Tots!" Isang tawag na nag palingon sakin
"A-ayel!!" Sabi ko ayshh! Crush ko to si ayel matagal na eh! Kung hindi lang to senior niligawan ko to!
"Prodigy ka rin pala?" Tanong nya
"Naman!" Sabi ko at nginitian sya
Sorry Isa but my hearts belongs to Ayel
Dare ka lang mahal ko si ayel 😩❤️
Nag kulitan naman kami ni Ayel at medj napapansin ko na medj nababad trip na si isa kaya naman nilapitan ko sya at umupo sa tabi nya
"Bat ka nakabusangot?" Tanong ko
Umiling naman sya ay umiwas ng tingin
"Bakit nga?"
"Wala nga"
"Tots lugaw tayo?" Tanong ni Ayel shockers! Ayel naman ih!
"Pleaseee?" Sabi nya pa