Tatlong araw na ang lumipas. Masaya pa rin ako sa kadahilanang kasama ko si ate Amara sa pag babakasyon.
Kasama kaya ni ate ang asawa niya?
Sana kasama niya si Kuya Henry.
Sa London na namamalagi si ate dahil doon ang sentro ng kompanya na pinang hahawakan nila ni Kuya Henry.
Dito niya nakilala si kuya henry sa pinas.
Ang saya nila tingnan dalawa palagi. Para sa amin si ate amara ang may pinaka swerte sa lovelife.
Grade 10 pa lang kasi si ate amara sila na ni kuya henry.
E ako? Nakatapos na nang college pero wala pa rin akong lovelife.
Hayst. Bakit ba ako nag iisip nang mga negative ngayon? E diba kanina lang happy pa ako.
Napa ngiti ako nang may maisipan.
Umakyat ako sa kwarto ko at inilabas ang dalawa kong maleta.
Mag aayos na ako.
Sa isa kong maleta ay ang mga damit ko.
Sa isa pang maleta ay mga sandals, at iba't ibang mga abubot ko na pwede kong pag tripan pag nandoon na ako.
Nang matapos ako ay pumunta naman ako sa kusina nang mansyon.
Naisipan kong mag luto nang adobo.
Inihanda ko ang mga sangkap na gagamitin ko.
Nag hiwa ako nang sibuyas, bawang.
Pag tapos kong mag luto ay nag hain ako sa lamesa.
Ayoko namang mag isang kakain nang niluto ko kaya pinapunta ko na lahat nang katulong namin kasi madami naman yung niluto ko.
Nang maka rating silang lahat at naka upo na sa mahabang lamesa ay nag simula na kaming kumain.
"ma'am, bet ko talaga ang luto niyo. Pano niyo nagagawang ganto kasarap to ma'am?"
Napa iling na lang ako sa sinabi ni manang rosa.
Kahit kailan talaga 'tong mga to.
Nang matapos kaming kumain ay nag pursigi na ako na ang mag huhugas.
Tuwang tuwa naman ang mga gaga at goga.
Buti na lang at masaya ako ngayon.
Umakyat ako sa kwarto at tumungo muli sa balcony.
Ano kaya ang itsura ng probinsya?
Busy rin kaya ang mga tao dun?
Mansyon din ba ang mga bahay doon?
Masaya ba mamalagi doon?
Hayst. Eto nanaman ako e, puro nega nanaman.
Napa iling ako at huminga nang malalim.
Dito sa mansyon. Ang rooftop ang palagi kong tambayan. Pero ngayong parang nang hihina ako, hindi ko na maakyat iyon.
Hindi naman kasi nag palagay nang elevator dito si mommy at daddy dahil baka mag mukha na 'tong mall at hindi tirahan.
Pero ngayon, susubukan ko ulit akyatin hanggang 7 floor para sa rooftop.
Lumabas na ako nang kwarto at umikot pa nang umikot.
Asa 5 floor pa lang ako nanghihina na ako. hindi kasi maliliit ang hahakbangan mo, plus hindi mag kaka dugtong ang hagdan namin.
Nang maka rating ako sa rooftop ay pagod na pagod ako.
But still, bawing bawi kasi nga maganda naman ang view.
Pinatong ko ang kamay ko sa rooftop.
I breathe clearly here. Para talaga akong walang problema kapag andito.
Kaya gusto ko kapag nag karoon man ako nang boyfriend, dito kami tatambay. Kung mag kakaroon.
Napa iling na lang ako sa naisip ko.
Napa tingin ako sa mga maliliit na bahay na naka paligid sa mansyon.
Gusto kong mag karoon nang ganung bahay. Yung normal lang ang buhay ko araw araw.
Sana isang araw magising ako sa maliit na bahay, at sabihin ni mama na nanaginip ako nang napaka haba.
Tapos si daddy kasama na rin namin. Si ate sa bahay na iyon pa naka tira.
Masaya sana kung ganoon. Kaso hindi e.
Naupo ako at tumingin ako sa baba kung saan kitang kita ang gate namin.
May papasok na sasakyan.
Kulay blue ito at parang pang karera.
Tiningnan ko lang ang pinto nito hanggang sa may bumaba.
Omg! Si Ate!
Akala ko ba isang linggo ang hihintayin ko?
Bakit biglang naging tatlong araw?
ah. di bale na. Atleast andito na si ate at makakapag bakasyon na kami mamaya.
Wala na akong ibang inisip kundi ang tumakbo pababa at salubungin si ate.
Agad ko siyang niyakap. I miss her.
Gumanti siya nang yakap sa akin.
"How are you baby amelia?" Tanong nito.
"I'm very fine ate. Sobrang saya ko nung sinabi ni mommy na uuwi ka at sasama sa akin sa probinsya."
Masiglang masigla ako habang sinasabi ko yun.
"Btw, limang buwan lang ako mananatili doon tapos babalik na rin ako rito kasi madami pang mga clients at papers ako na aayusin dito sa pinas before i go to london again. But i will spend my five months for you, and another five months for my works. Is that okay?" Tanong nito.
Hindi ko pa rin maalis ang ngiti.
Alam kong busy'ng busy siya sa work niya, pero natutuwa ako kasi kahit five months lang makakasama ko siya.
"Very very okay ate. Your work is very important and i know that. But spending me five months, is very awesome!"
"So let's get ready!"