You Belong With Me [Chapter 50: Countdown]

841 15 5
                                    

Sabine's POV

I still think I'm dreaming.

Am I dead?

"Baliw! Anong dead dead ka diyan?"

"Cyrus?"

"Ay hindi. Si CL toh."

"2NE1?"

"Pakshet, Sab. Ang korni mo na ah. Porket in love ka diyan."

KAILANGAN GANYAN ANG NGITI?

Pinikit ko na lang ulit ang mata ko. Mukhang naparami ang kain ko at binabangungot ako ngayon. Ang sama pa ng pakiramdam ko. Yes, ang batang timang na nagpapaulan ay nagkakasakit. Hindi tuloy ako nakapasok ngayon. Psh. Isa pa tong buang na Cyrus na ito! Hindi pumasok! Ano na lang iisipin ng mga classmate namin? Aber? Ako lang naman talaga ang may lagnat sa aming dalawa eh. Sakit niya? SIPON! NAKAMAMATAY LANG NAMAN NA SIPON!

Pinabayaan ko na lang siya diyan sa tabi. Bahala siya sa buhay niya. Kyaaaaaaaaaaaaaaaa~ Ako na talaga kinikilig! Kainis lang! Haaaaayyy. Nilabnat tuloy ako! Kaloka lang! After kong manyakin si Cyrus ay nailang kami sa isa't-isa. Hahaha. What do you expect di ba? Kahit lamig na lamig talaga ako naramdaman ko na nag-init yung pisngi ko sa ginawa ko! Bakit ko yun ginawa? Eh yung confidence level na matagal kong inimbak para sa araw na yun eh sumabog na lang bigla. Can you believe it? Do you believe it? Is this really is it, is it? 

Yun nga lang hindi ko pa rin alam kung kami na ba talaga. After ko nga kasing manyakin si Cyrus eh bigla na lang ako inubo. Grabe. Napa-haching pa ako buti na lang hindi nung mismong manyak moment ko at baka na turn off sa akin si Cyrus kahit na uhhhmmmm alam niya na lahat ng kadugyutan na nagawa ko sa buong buhay ko! Grabe! Nakakahiya >_______< Okay lang sana kung as "friends" mag-reminisce kasi pag alam mong hindi na lang kayo "just friends/bestfriends" eh nakakahiya na. NGAYON PA AKO NAHIYA? Basta yun nga hindi ko pa rin alam kasi naman wala naman siyang sinabi na kami na, na girlfriend niya na ako, na boyfriend ko na siya. Ayoko namang mag-assume di ba? Saka hindi ako madadaan sa isang "I love you" Teka. Ilan nga ba yun? Tagalog yung iba eh. Ay basta! Kaunti pa rin yun. Hahaha

"Bakit ka ba nandito? You can go home now."

"Bawal ka bang alagaan?"

>/////////////////////////<

"Pwede naman po kaso baka mahawa ka."

"Sus di yan."

"Sooo...uuhhhmmm.." Paano ko ba itatanong? AYOKONG ITANONG! Kapalmuks ko naman!

"Pwede umuwi ka na lang?"

"Ayaw mo ba ako dito?" Kailangan talaga magpa-bata effect na nagpapabili ng candy? Kinikilig ako. Ay shet talaga. Dream come true!

"Cyrus, baka hindi na ako gumaling kapag tumambay ka dito. Matutulog na ulit ako. Umalis ka na, please? Gapangin mo pa ako eh."

"Kapal mo naman. O yung sipon mo tumutulo na." Napapunas naman ako malapit sa ilong ko. "HAHAHAHAHAHA! Joke lang, Bee."

"ANO NAMANG BEE YAN HA!? NANG-AASAR KA BA?"

Bee? Kahapon lang ako si Athena ngayon ako na si Abigail? Puuhhleeeaassee!? Ayoko talaga sa name na yan! Kaasar si Abigail eh. Chos. Anyway,  ayoko rin ng honey (tawagan nila ni Queen Nadine), sweetheart, darling (lalo na ito! pang matatanda lang ito eh!) at kung anu-ano pang baduy na tawagan ng mag-dyowa. Teka, mag-dyowa ba naman kami?

"Hindi ah. Bee... as in B for bestfriend. Bes din kasi tawag sayo nung si Jasmine. Hmp. Saka magkasing-laki kasi kayo ni Jollibee eh HAHAHHAA"

Napapikit ako bigla. Tataas pa ata ang body temperature ko dahil sa kumag na ito. Imagination ko lang ata yung nangyari kagabi eh. Bakit ba ako inaasar nito? Palibhasa kasi alam na hindi ako magagalit sa kanya. Hay naku po! Siguro may nagsabi sa kanya na patay na patay ako sa kanya at ngayon pinagtitripan niya na ako. :| Kung sino mang epal yun pwede nang mawala sa mundong ibabaw. 

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon