Chapter 58
Damsel in Distress
STEPHANIE
Kinuha ko ang phone ko mula sa gym bag at nakita ko ang sampung missed calls notification mula kay Daddy. I sighed, shaking my head, before putting my phone back inside the pocket of my sweatpants.
"Hindi mo ako alipin. Bodyguard mo ako na magpoprotekta sa'yo." Bulong ni Jax. Napalingon ako sa kanya.
"I don't have bodyguards. You get paid to protect someone." Naghalukipkip ako sa kanya. "What about the ones that really needs protecting? Nasaan ang bodyguards nila? What about the victims of society who didn't have their protection?"
Napansin kong nagtiim ang panga ni Jax sa sinabi ko. He wouldn't know what to say, no one really knows if everyone is ever safe in this world.
"Kaya sa umpisa pa lang ay labag na ako sa hinihiling ng ama ko na bigyan ako ng bodyguard. Paano ang ibang mga babae na nasaktan at hinubad-hubad sa gilid ng lansangan? Paano ang mga kabataan na ninakaw mula sa kanyang pamilya at mga pangarap? Paano ang mga lalaki na naabuso at hindi magawang makapagsalita dahil walang naniniwala sa kanila?"
Napasandal ako sa headrest at kinagat ang labi ko. Puno ako ng takot at galit sa mundong ito. Nakaramdam na ako ng sakit na nagagawa ng isang tao, ang sakit ng katotohanan na hindi natin maasahan ang isa't-isa dahil may mga taong magagawa kang saktan para sa kanilang kaligayahan.
"There are thousands—or possibly, millions of people who needs someone to protect them more than I do. These are the people who suffer from the truth of reality. These are the people who never had their justice." Marahas na pinahid ko ang kumawala na luha mula sa akin mata. "I can't just stand by, doing nothing while people live in constant fear of the night and day. I want to cloak and protect them somehow."
"I wrote Whisper in the Dark for those people, the ones who were stolen in the darkness and had never found their light." Ngumiti ako sa madilim na langit at ang maliwanag na buwan sa ibabaw ng mga ulap. "The Boogeyman granted their wishes to protect them at night. The Boogeyman are people like you, Jax Alford."
Humarap ako sa kanya at inangat ang kamao sa akin dibdib bilang simbolo at saludo. "That's why I initiated a secret task force called the Boogeyman, and they punish adults for bad behavior." Binaba ko ang sleeves sa akin kamao at nakita ni Jax ang bracelet nito na may lumiliwanag na pares ng mata. "Lumalabas sila sa gabi kung kailan naglalabasan ang demonyo ng mundo. Nakaupo sila sa dulo ng bus, nakatayo sa gilid ng mga eskinita, nag-aabang sa madilim na lugar kung saan pwede may mangyari, kung saan nandiyan sila para protektahan ang mga katulad ko at—"
Jax stomped on the breaks, forcing our body to be pushed and pulled back to our seats.
Natigilan ako nang mapagtanto ko ang akin sinabi sa kanya, pakiramdam ko na sasabog puso ko sa bilis ng pagtibok nito. Maling-mali na aminin ko kay Jax Alford ito—na kabilang ako sa mga naging biktima ng kadiliman ng gabi.
"You're..." Naka-awang ang bibig ni Jax habang nagkasalubong ang kilay nito. Humigpit ang pagkakapit niya sa manibela. "You're one of the victims..."
Napalunok ako at kinakabahan sa naging reaksyon niya. "Yes."
Dahan-dahan lumapit sa akin si Jax at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "You're one of the victims..." Pag-uulit niya na tila hindi siya makapaniwala sa nangyari sa akin.
Umiling-iling ako bago binuksan ang pinto ng passenger's seat at naglakad ako palayo sa kanyang Lamborghini. I have to go away. I have to get out of here. It's too much to bear. Hindi dapat malaman ito ni Jax pero nadulas ako sa sarili kong mga salita.
BINABASA MO ANG
Wattpad Girls (Book 1 of Writer Trilogy)
Fiksi RemajaYou can tell a lot about a person by how their stories were written and made. *** Si Iris Euphony Peregrin ang isa sa mga Romance writers na nangangarap maging author sa Wattpad. Noong lumipat siya sa Wattpad Academy, nakilala niya ang Wattpad Girls...