CHAPTER 2

51 3 0
                                    

CHAPTER 2



Grey's POV

Ngayon ko lang nalaman na magka schoolmate pala kami. Nakakatuwa HAHAHA. Umupo ako sa tabi niya at gulat na gulat naman siya sa iniasta ko

"Musta ka?" Masaya kong bati sa kaniya. "Ayos lang ako Grey. Magka schoolmate pala tayo?" Natawa ako sa sinabi niya. Sa laki ba naman ng school namin paanong hindi namin mapapansin? "Oo nga eh bakit ka pala nandito?" Takang tanong ko. "Ah nagpapahangin lang ako. Ikaw ba?" Bigla niyang pinisil ang pisngi ko O.O napahawak ako sa pisngi ko sa sobrang gulat!

"Nag-iisip lang hmm.." Maikili kong sagot pero ang totoo talaga napadaan lang ako dito hindi ko naman intensyon na tumambay kaso nakita ko siya.

"Fourth year high school na pala ako. Ikaw?" Seryoso niyang tanong sa akin. Buti na lang nagtanong siya, dahil literal na kinakabahan talaga ako ngayon sa kaniya hindi ko alam kung bakit! "Wow! Same lang tayo!" Masaya kong sagot. "Bakit ka pa pala nandito sa garden? Eh may klase ngayon ah? Tumawa siya ng malakas hindi lang malakas, napakalakas. Babae ba ito? "Ikaw din bakit nandito ka pa eh may klase ka rin diba?" Natatawa niyang sabi. "Eh kasi nandito ka rin eh!" Napatigil siya sa sinabi ko. "So sinasamahan mo ako ganun? Haha pumasok ka na, ayos lang ako." Sabi niya at saka ako iniwang nakaupo.

Tss bakit ang hilig netong mang iwan sa ere! Tulad nga ng sinabi niya pumasok ako sa klase ko at late ako ng 15 minutes!

Lutang ang isip ko habang nag didiscuss si Ms. Cathleya. Hays. Mag focus ka naman! Pagkatapos ng klase ay hinanap ko agad sa labas ng school si Sahara pero nabigo ako. Umuwi ako sa bahay nang maalala ko yung nangyari kay ate. Hays. T.T

Hindi pa ako nakakapasok nakita kong lumabas si ate kasama si mama at papa. May dala siyang mga bagahe. Aalis na talaga siya..

"Oh Grey? Buti naman at naabutan mo ako.. Aalis na ako ha? Mag iingat ka palagi. Patawarin mo ako sa ginawa ko." Malungkot niyang tugon "Pagbutihin mo ang pag aaral mo! Okay?" Tumango lang ako at saka yinakap siya ng mahigpit.

"Oh siya mag iingat ka anak. Hmmm.. Disappointed pa rin ako sa nangyari sayo." malungkot na sabi ni papa at yinakap siya "Sana maging maayos ang buhay mo kay Dwayne at sana tama ang pinili mong landas." dismayadong sabi ni papa.

"Anak dumalaw dalaw ka dito ha? Mamimiss kita" yinakap ni mama si ate, binitbit ko ang bag ni ate papunta sa tricycle. "Ate mag iingat ka doon ha? at saka si baby ah kapag malapit na lumabas tawagan mo lang kami! blessing yan" nakangiti kong sabi nginitian niya lang ako at sumakay na siya sa tricycle.

Pumasok na kami sa bahay two weeks pa lang ang tiyan ni ate pero gusto ko nang makita ang baby niya! ^_^

Umupo ako sa sala at nagpahinga. Tumabi sa akin si papa at nginitian ako "Masaya ka ba para sa ate mo?" Tanong niya.

"Sa totoo lang papa masaya ako para kay ate." Nahihiya kong sabi. "Masaya din ako Grey. Pero hindi ko tanggap ang nangyari nasa edad niyang disiotso eh magkakaanak siya hindi ayun ang gusto ko para sa kaniya hindi ganun kaaga" buntong hiningang sabi ni papa. Ngayon naiintindihan ko na ang galit niya.

Naiintindihan ko si papa. Kumakayod siya araw araw para sa amin kaya gagawin ko lahat para maging proud sila ni mama sa akin dahil ako na lang ang inaasahan nila.

Kinabukasan

Lumabas ako ng kwarto ko ng makitang nakaayos na ang almusal ko. Nakita ko si mama na nagbabasa ng dyaryo.

"Oh anak? Kumain ka na diyan ha. " tumingin ako sa pagkain at saka umupo "Aalis kami ng papa mo sa sabado anak" nagulat ako sa sinabi ni mama "saan naman kayo pupunta mama?" Nagtataka kong tanong "Pupunta kaming batangas sa tita mo bibisitahin namin sila mga tatlong araw. Alam ko namang hindi ka sasama eh" right. Hindi ako sasama dun masyadong maraming bata mga makukulit!

Naaalala ko pa yung mga panahong nasa batangas kami bata pa ako nun. Muntik na nga ako malunod sa sobrang kulit ko. Hays.. Sarap bumalik sa panahon na iyon.

"Ah oh sige mama mag iingat kayo ni papa ha? ako na bahala sa bahay." Tinapos ko na ang almusal ko at nagpaalam kaya mama.

School

Bumaba ako sa tricycle ng makita kong may nagkukumpulan na estudyante sa tapat ng school. Binilisan ko ang paglakad at sumiksik sa kanila. Nagulat ako sa nakita ko.

Nakaupo sa lupa si Sahara habang nasa harap niya si Lalaine! 'Anong ginawa mo kay Sahara!' Inis kong sabi sa isip ko. Lumapit ako sa kanila at inakay patayo si sahara.

Damn it!

"Anong ginawa mo Lalaine?!!" Inis kong sigaw sa pagmumukha niya! "You know that girl?" Maarte niyang tanong "Ayan kasing babaeng yan masyadong nakakairita sa mata!" Dagdag niya pa.

"Ano ba talaga ang problema mo?" Sabat ni Sahara "Kung naiirita ka sa pagmumukha ko, problema mo na yan. Tara na Grey umalis na tayo" at hinatak niya ang kamay ko papasok sa loob ng school. Dinala niya ako sa Garden ng school at nagulat ako ng bigla siyang umiyak.

Tinabihan ko siya at tumingin sa kapaligiran.. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na magtanong.

"Sahara? Bakit? Ano bang ginawa sayo ni Lalaine? Sabihin mo?" Nakanguso kong sabi "Tinulak niya lang ako ayun lang." Natatawa niyang sabi "Pero ewan ko ba parang pakiramdam ko kinaiinisan ako ng lahat!" Naiiyak niyang sabi. Ewan ko ba pero bigla akong nalungkot sa sinabi niya. Wala sa sariling yinakap ko siya ng mahigpit "Kung kaya ko lang pigilan lahat ng luha mo gagawin ko na. Ayokong nakikita kang umiiyak Sahara." Malungkot kong sabi.

Nagulat ako nang biglang napahawak siya sa dibdib niya. "Grey pahingi naman ng tubig" hinihingal niyang sabi. Dali-dali kong linabas ang bote ng tubig ko at binigay sa kaniya. Naubos niya lahat ng iyon. "Hinihingal ka pa ba?" Tanong ko. "Oo ganito na talaga ako, hayaan mo na ito." Sabi niya at saka tinapik ako sa likod. "Pumasok na tayo late na tayo sa unang subject natin." Sabi niya.

Inalalayan ko siyang tumayo at hinatid ko na siya sa room niya. Hindi mawala sa isip ko ang ngiti niya na gumugulo sa sistema ko. Sana okay ka lang Sahara..



Sahara's POV

Uwian na at hinintay ko si Grey sa gate. "Grey!" Masigla kong tawag sa kaniya. Gulat na gulat siyang napatingin sa akin.

"Sahara?" Masayang tawag niya sa akin.."Pwede ka ba ngayon hehe?" Pumayag ka na please.. >.< "Ngayong gabi?" Hindi na lang umo-o eh. "Yeah. Ngayon sa mall kung pwede ka?" tumango siya at hinatak niya ang kamay ko at sumakay na kami ng jeep.

"Anong gagawin natin doon?" Tanong ni Grey. Natawa naman ako sa kaniya. "Ah syempre kakain tayo treat ko!" Sabi ko at pinisil ang pisngi niya. At doon siya namula -.-. That's strange.. I feel comfort when I'm with him. "Ayun! Kaya sayo ako eh!" Natawa na lang ako pero parang iba ang dating sa akin double meaning.

"Saan mo gustong kumain?" Masaya kong sabi. "Ah sa korean resto para maiba naman." Pumunta kami sa sinabi niyang restaurant. Habang kumakain kami napansin kong sumusulyap sulyap siya sa akin. "Bakit may dumi ba sa mukha ko?" Lumaki ang mata niya sa tanong ko. "Wala ah HAHAHAHAHA. Ang cute mo kasi eh" tss cute pang aso yun. "Mas cute ka diba? Tss." At sabay kaming tumawa. Pagkatapos nun naglakad lakad lang kami sa buong mall.

Tahimik lang kaming naglibot at pansin ko na nag eenjoy talaga si Grey sa window shopping namin, biro lang.

"Gusto mo munang dumaan sa bahay namin hehe ihahatid naman kita pauwi eh" sabi niya sa akin. "Ah oo pwede naman pero saglit lang ha?" Nakangiti kong sabi. "Ayun HAHAHAHAHA." sumakay kami ulit ng jeep pabalik pagkababa namin sumakay naman kami ng tricycle sa kanto ng gate ng subdivision namin. Inalalayan niya akong bumaba. Kumatok muna siya at pinagbuksan kami ng isang babae at mukhang mama niya.

"Mama? nandito na po ako. Si Sahara po pala schoolmate ko." napatingin naman sa akin ang mama niya "Ah sige pasok kayo. Kumain na ba kayo?" Masayang sabi ng mama niya. "Opo mama kakagaling lang namin sa mall hehe"

"Sino yan anak?" Napatingin ako sa gawi ko at nagulat ako sa nakita ko.

Boundless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon