"Hello? O sige po. Papunta na ako jan" Binabaybay ko ang kalagitnaan ng hindi ko alam kung saan. Nakasakay ako sa isang tren at nakatingin sa kawalan.
Doon bumalik sa akin ang mga ala-alang pilit kong kinakalimutan pero laging bumabagabag sa aking isipan...
8 years before
It was all started when I'm in high school.
I'm Rose Lily Hortizuella. Just call me Lily. Isang simpleng-simple na babaeng ang pangarap lang sa ngayon ay makapag-graduate ng High School para makapag-college na ako.
I live on my own kasi naghiwalay ang mga parents ko at si lola lang at ang nakababata kong kapatid na lalake ang kasama ko sa bahay. Malayo kasi ang school sa amin kaya naman nangungupahan ako ng maliit na apartment.
Simple lang ako at may pagka-manang kung manamit. Hindi kasi ako conscious sa aking sarili kaya sapat na sa akin ang komportable ako hanggang sa isang araw, nakilala ko si Kent...
Naglalakad ako papuntang school araw-araw kasama ko ang dalawa kong pinakamatalik na kaibigan. Sina Tony at Ginny, shortcut ng Antonette at Ginelle. At magkakalapit lang kami ng apartment. Gaya ko, malayo rin ang kanilang bahay dito sa school kaya kinaylangan nilang mangupahan rin.
Nasa classroom kami at naghihintay sa aming guro kaya naman nag-usap muna kami.
"Alam mo ba? Ang gwapo ni Charles! Grabe, he is so perfect!" Sabi ni Tony. Ganyan lang talaga sya kalandi pero mabait yan.
"Bahala ka nga jan. Mas gwapo si Alvin!" At isa pa itong si Ginny.
Lagi ko silang pinagpapasensyahan. Ewan ko ba kung bakit ko naging bestfriends ang mga ito. Basta, mababait kasi sila. Kaya yun.
"Tumahimik nga kayong dalawa jan. Chill lang okay? Hindi nila kayo papatulan. Asa pa kayo. Tsk." Alam nilang allergic ako sa lalake. NBSB kasi kaya yan, mejo bitter.
"Ang bitter mo friend! Alam ko na! Let's go and find him!" At agad-agad nila akong hinila palabas ng room.
"Magagalit si mam!" Saway ko sa kanila. Nakakainis kasi. Pero sumunod parin ako. Kaibigan ko eh.
"Wala naman sila dito sa room nila eh." Malungkot na sabi ni Ginny. Nagulat ako nang biglang tumili si Tony at pinaghahampas ako.
"Waaaaah! Ayan na sila friend. Yung tatlong naglalakad papunta sa akin. OMG, ang gwapo talaga ni Charles!" Bulong ni Tony sa akin. Napatitig naman ako sa mga naglalakad.
"Asan naman jan?" Kasi naman, mahirap i-identify kung sino sa kanila ang crush nya kasi naman, ang gwagwapo naman kasi nila.
"Yung nakabag ng blue at may hawak na bola." Sabi ni Tony. Sa bagay, gwapo sya kaso hindi ko sya type.
Biglang lumapit sa amin yung tinutukoy ni Tony na si Charles. Huminto sya sa harapan ko at ngumiti.
"Hi, ako nga pala si Charles Solomon." Pagpapakilala nya sabay ngiti.
"Lily Hortizuella." Tipid kong sabi.
"Let's exchange numbers." Umiling-iling ako dahil alam kong type sya ng bestfriend ko at isa pa, hindi ko sya type.
"Hi, ako nalang, let's exchange numbers." Sabay abot ng cellphone ni Tony.
No choice si Charles. Sorry, hindi ko gustong mag-away kami ng kaibigan ko.
Kaya pasimple akong umalis sa kanila pero may nakabunggo ako. Yung badboy, bully at basagulerong kasamahan ni Tony. Yung pinaka-hate kong lalake sa school.
Siya kasi yung sinasabi nila Tony at Juls na laging nakikipag-away sa loob ng campus kaya naman iniiwasan sya ng mga lalake at babae.
"Sorry po." Nakatingin lang sya sa akin at nakatulala. Siguro may iniisip. Hindi man lanh nagsalita kaya naman tumakbo na ako papalayo sa lugar na iyon. Hindi ko alam kung anong problema nun sa mundo.
Pagkagaling ko dun, dumiretso agad ako sa locker ko. Hindi ko namalayan, sinundan pala ako ng bestfriend kong si Tony.
"Friend, mukhang ikaw yata ang type ni Charles eh. Pero sana ipaubaya mo na sya sa akin ha?" Determinado si Tony. Tumango ako.
"Naku friend. Oo naman, ano ka ba. Ano pa ba't naging magbestfriends tayo. At isa pa, hindi ko type yun." Sabay ngiti sa kanya.
Napangiti naman sya. "Promise mo yan friend ha?"
"Oo friend. Promise!" Sabay taas ng kanang kamay ko.
Niyakap nya ako. Hayst, ang bestfriend kong ito talaga. Sabay hagod ko ng likod nya.
Umuwi kaming tatlo pagkatapos ng last subject namin. Nagtatawanan kaming tatlo at nag-uusap tungkol sa mga boys at mga chismis. Paano naman kasi. Itong si Juls, wala nang ginawa kundi ang sumagap ng mga chismis mula sa iba-ibang mga kaganapan sa school.
Bago kami umuwi, pumunta muna kami sa lilim ng isang puno at naupo sa damuhan. My favorite place. Ito kasi yung lagi kong pinupuntahan kapag gusto kong mapag-isa.
Pinanuod namin yung araw na lumubog sa kawalan at noong pagabi na, naisipan naming doon kina Juls kami matulog noong gabing iyon.
It was a tiring day, after all.
BINABASA MO ANG
You Promised Me a Rose Garden (Soon)
Dla nastolatkówEveryone have their own dreams. What if one day, your dream will come true? Simple lang naman ang gusto ng iba. Ang mahanap ang kanilang true love at maging masaya. Pero paano kung maraming mga balakid na nakaharang sayo? Will you trully find the on...