Chapter Eight

25 1 8
                                    

Nagulat ako nang biglang humarap sa akin si Dion.    Salubong ang mga kilay niya.

“Magkamukha ba tayo?” tanong niya.

Ano raw?

“Gutom ka lang,” sambit ko. Napakibit-balikat na lang siya at saka pumili ng pagkain sa menu na binagay sa amin. At dahil ito ang unang beses na makakakain ako sa lugar na 'to, kaya si Sir na lang ang pumili ng pagkain ko.

Pagkatapos ng mamahaling tanghalian ay napagpasyahan na naming umalis.

“Tinawagan ko si Jude para ihatid 'yong kotse ko rito, ” aniya.

“Siguradong magpapaiwan ka diyan a?” paninigurado ko.

“Ano bang akala mo sa akin, bata? Umalis ka na nga!” singhal niya. Gusto ko siyang tadyakan ngayon. Gustong-gusto ko na talaga.

“Oo na!” sigaw ko rin sa kanya, at saka tumalikod at naglakad na paalis. Sasakay na lang siguro ng jeep at trycicle para makarating sa mansion nila.

Binaybay ko naman ang kainitan ng highway dahil malayu-layo pa ang abangan ng jeep sa puwesto ko. Dahil sa uhaw ay huminto muna ako sa tapat ng isang batang babae na nagbebenta ng palamig.

“Pagbilan nga ng isang gulaman.” Naglapag ako ng limang piso sa ibabaw ng lalagyan. Kinuha niya naman ito at nagsalok ng palamig at inilagay sa supot na may straw. Inubos ko muna ang inumin bago umalis.

“Gaano pa ba kalayo ang abangan ng jeep dito?” Napapakamot-ulo na lang ako. Bukod sa wala akong matanungan dahil halos wala naman talagang naglalakad sa parteng 'to ng kalsada. Literal na nagiinit din ang ulo ko sa matinding sikat ng araw.

“Ang init-init hindi ka manlang magpayong.”

“Put—” muntikan na akong mapamura sa gulat nang makita ko ang pamilyar na mukha ng lalaki sa likuran ko. Napatingala ako sa kanya.

“Ikaw 'yung kanina.” Nagangat-baba lang ang kilay niya na para bang sinasabi nitong  “oo, ako nga”.

“Bakit naglalakad ka? Si Dion?” tanong niya habang diretso lang ang tingin sa dinaraanan niya.

“May date raw.” 

Ewan ko,  pero ako ang nanghihinayang sa balat niyang medyo namumula na dahil sa tama ng araw.

“Sa tingin ko, mas kailangan mo ng payong,” komento ko. Napababa naman siya ng tingin sa akin.

“Nakakapanghinayang kasi 'yang balat mo sa puti tapos maaarawan lang,” dagdag ko pa. Natawa naman siya ng bahagya.

“'Yon nga ang gusto ko e. Kaya lang bumabalik din sa dati kong kulay ang balat ko.”

Dinaig  pa ako ng isang 'to. Ako nga habang buhay brown.

“ Your skin color was beautiful. ”

Ako naman ngayon ang napatawa dahil sa sinabi niya. “ Mukha nga akong anak-pawis e!  Tignan mo nga 'tong balat ko sa balat mo. Mas mapagkakamalan ka pang babae kaysa sa 'kin.”

Tumawa ulit siya, kaya lang ay bahagya ulit.  Napakatipid naman nito tumawa.

“Nga pala bakit ka pala nandito? Panigirado akong may magara kang sasakyan, pero bakit naglalakad ka? ” Napahinto ako sa paglalakad at hinarap siya.

“Just wanna experience an ordinary life,” simpleng sagot niya.

“Ahh... Hanep ka rin pala sa trip. Akala ko si Dion lang ang may saltik.”

“Hmm. What?” tanong niya. Ngumiti lang ako saka umiling-iling.

“Teka, saan ba punta mo?” Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi naman puwedeng mamamasyal lang siya dahil sa suot niyang pantrabaho. At mas lalong imposible na naglalakad-lakad lang siya sa kalye. Sa itsura niyang 'yan panigurado mainit ang mga mata ng holdaper sa kanya.

At ayon na nga ang sinasabi ko. May lalaking bumangga sa kanya at nagmadali sa pagtakbo. Mabuti na lang at nahuli ko si kuya dahil sa mahaba niyang sweater. Magnanakaw na nga lang papahuli pa! Wala rin. Tsk. Tsk.

“ Hoy! Alam mo bang nagpakahirap akong magbenta ng kung anu-ano sa kalye tapos ikaw nagnanakaw lang?! Aba! Mahiya ka naman sa amin, kuya.”

“A-aray! T-tama na po! Hindi na po uulit!”

Niluwagan ko naman ang paghawak ko sa kamay niya saka siya hinawakan sa damit.

“Ilang taon ka na?” seryoso kong tanong. Nangingilid naman ang mga sa gilid ng kaniyang mga mata nang humarap sa akin.

“d-disiseis po...”

Tinapik ko siya sa kanyang likuran. “Hoy! H'wag kang umiyak d'yan, nagmumukha kang bakla.”

Napasinghot naman ang binatilyo. Napakamot-kamot na lang ako sa aking baba habang pinagmamasdan siya.

“Alam ba ng mga magulang mo 'to?” tanong ko. Pagiling lang ang isinagot nito sa akin.

“Tumakas lang po ako sa ampunan,” mahinang sambit niya. Napahinga ako ng malalim bago magsalita.

“Sa susunod, h'wag na h'wag mo ng uulitin 'yang ginagawa mong 'yan. Kung gusto mong magkapera, magpakapagod ka—pero hindi ko sinabing magpakapagod ka sa kakatakbo dahil sa pagnanakaw! Ang sinasabi ko ay magsikap ka. Nalagay din ako sa sitwasyon mo kaya naiintindihan kita. Bukas na bukas hintayin mo ko...”

Tumingin-tingin ako sa paligid. “Hintayin mo ko ro'n sa tindahan na 'yon.” Itinuro ko 'yung lugar sa kanya. Tumango naman ito.

“Sa ngayon wala pa akong maititulong. Hindi naman ako mayaman...”

Napakapa ako sa bulsa ko. Te-trenta pesos na lang pala pera ko. Saktong pampamasahe lang.

Kinalabit ko 'yung katabi ko. Inilapit naman niya ng bahagya ang tainga niya sa akin.

“Pautang naman ng dalawang daan o, babayaran din kita,” ani ko. Natawa naman siya saka inilabas ang wallet niya. Jusko ko! Halos maluoa ako sa laki ng perang mayro'n siya. Dumukot siya ng isang libo.

“Ito lang ang meron ako.” Inosenteng aniya. Napa 'wow'na lang ako,  iba rin ang isang 'to.

“O-okay na 'yan. Salamat—basta babayaran kita."

Inabot ko sa bata 'yung isang libo. “O, ayan. Hindi ko alam kung gagamitin mo 'yan sa tama o hindi pero bahala ka na. Basta bukas a?”

“O-opo. Salamat, ate. Salamat talaga!” Yumuko pa ito sa harapan ko.

“Kuya, sorry po. Hindi ko na gagawin 'yon.”

“You're forgiven, kid," sagot naman ng kasama ko.

“Salamat po sa inyo at sorry rin po. Pangako, ate, hindi na ako uulit.” Nanakbo siya palayo dala ang isang libong binigay ko sa kanya. Ang ibig kong sabihin, ang inutang kong isang libo.

“Nabanggit mo kanina. Napagdaanan mo 'yung situation niya?”

“Ahahaha! Oo, dati rin kasi akong batang kalye.”  Kita ko ang pagkagulat sa kanyang mata. Medyo nanlaki kasi ang mga ito.

“How are you, now?” tanong niya.

“Ito, ayos na ayos. May trabaho at malaki ang sahod,” sagot ko.

“Are you really Dion's bodyguard?” panguusisa niya. Akala ko hindi madaldal ang isang 'to?

“Bakit hindi ba halata sa akin?” maangas ko kunwaring tanong. Pinagmasdan niya naman ako mula ulo hanggang paa.

“You look...beautiful,” walang kapreno-preno niyang sabi. Nagusot ang mukha ko sa sinabi niya.

Aba may saltik nga!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When He Fall (Dion Murray)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon