CHAPTER 1

1.6K 11 0
                                    

"Ano ba naman buhay to kalalayo ko sa mga tao ayaw ko makita heto ako ginabi na sa byahe and worst pagod na pagod na ang katawan ko gusto ko ng mahiga at matulog. "

Ako po pala si Jessey de Leon, kahapon lang asa condo ako umiiyak kase nahuli ko lang naman ang girlfriend ko nakikipaghalikan sa ibang babae sa parking lot pa ng condo ko,WTF!... hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman sumakay ako ng kotse ko at nagdrive lang ako hanggang san ako mapadpad. Ngayon nga heto ako dahil sa pagod at hindi ko na kaya magdrive at ang pinakaworst naubusan na pala ako ng gas. Tiningnan ko kung san lugar ako ngayon buti na lang mukhang safe ang lugar and lucky me, mukhang resort ata ang napaghintuan ko ng sasakyan ko. Bumaba ako ng sasakyan at nabasa ko ang nakalagay sa karatula ng resort.(PULILAN RESORT) Ang simple naman pero okay na rin mukhang okay naman. Makapasok na nga at talagang pagod na ako. Pagpasok ko sa entrance ng resort may isang babae at isang lalaki sa reception area. Ang cute ng lalaki ha.hehehe.

"excuse me, pwede po bang mag rent ng isang room for overnight ngayon?"tanong ko sa lalaki.

"opo naman po, kayo lang po ba o hinihintay pa kayong kasama?"sagot naman nya.

"wala na po. Ang totoo po naubusan lang po ng gas ang sasakyan ko dyan sa tapat lang ng resort nyo. Makikiusap narin po sana ako kung pwede ipasok ang sasakyan ko dito sa loob para po sana safe."pakiusap ko sa kanya.

"Ah ganun po ba sige po saglit lang po at tatawag lang po ako ng iba pang makakatulong. Dito lang po muna kayo Ma'am."

Ilang minuto rin ako naghintay at dumating na rin sila. Isang lalaki na mukhang katiwala nila at isang matangkad na babae na maigsi ang buhok ang cute nya maganda na pogi ang hitsura nya. Yon nga lang at mukhang bagong gising. At mukhang ginising lang ito ni Kuya. Magkapatid siguro sila kase magkamukha sila mas matangkad nga lang yong babae kaysa sa kay Kuya.

"Miss kunin na natin yong sasakyan mo sa labas." agaw ni Kuya sa attention ko.

"Ay sige po."

Lumabas na kami para makuha ang sasakyan ko. Nahiya naman ako kase pinagtulak ko pa sila ng sasakyan ko para maipasok sa loob ng resort. Hindi ko na napansin ng maipasok ko ang sasakyan ko nawala na rin  yong magandang pogi na babae. Siguro talagang inaantok pa talaga sya.

"Ma'am ano po pala name nyo?"

"Jessey De Leon po"

"eto po ang room nyo Miss Jessey, room 205 hatid ko na po kayo"..hinatid na nya ako sa room ko. pagdating namin sa tapat ng room ko pinagbukas pa nya ako ng pinto." Miss Jessey kung sakaling may kailangan pa kayo tumawag na lang po kayo sa reception yong sister ko na po ang magaasikaso sa inyo, uuwi na po kase ako at sya naman po ang papalit saken hanggang bukas po ng umaga"

"ah ganun po ba, Sige po salamat po."

"ahm baka po nagugutom kayo gusto nyo po ba magpadala dito sa room nyo ng pagkain?"

"sige po. kahit na lang po ano hindi naman po ako mapili. pakidagdag narin po ng milk.salamat"

"ok sige po yong kapatid ko na lang po ang magdadala. Perry po pala, si Mika naman po yong sister. sige po."

Nang makaalis si Perry pumasok kagad ako sa room, ok naman malinis maganda rin ang kulay ng wall, nakakarelax. Ibinaba ko lang ang bag ko sa bed ko tas nahiga narin ako. Hinihintay ko na lang yong food ko.

....tok...tok...tok...

"Miss gising pa po ba kayo?Miss?..

...tok tok tok...

Nagising ako sa mga katok sa labas ng room ko. Ay oo nga pala nagpahatid pala ako ng food dito. Hindi ko pala namalayan na nakatulog na pala ako, dala na siguro talaga ng pagod ko sa pagdadrive at kakaiyak. Hayst naalala ko na naman ang nangyari sa Manila. Bumangon na ako at pinagbuksan ko na ng pinto ang kumakatok kanina.

"good evening Ma'am eto na po yong food na pinadala nyo. hindi ko po alam kung ano gusto nyo kaya eto na lang po yong pinaluto ko sa cook namin. (pork tapa, sunny side up egg, java rice, salad at milk)" nakangiti nyang binigay ang tray ng pagkain saken."Sana po magustuhan nyo Ma'am"

Tinanggap ko yong binigay nyang tray ng pagkain saken, kung kanina mukha syang bagong gising ngayon mukha syang fresh na fresh ang bango pa. Ano ba naman tong pinagsasabi ko sa isip ko. Kagagaling ko lang sa break up at namumugto pa ang mata ko. Nakalimutan ko kagad dahil sa magandang pogi na to.

"Thank you... pasensya ka na ha, nakatulog pala ako...You must be Mika, right?

"Yes Ma'am....ok lang po...kung may kailangan pa po kayo tawag na lang po kayo saken sa baba anjan naman po ang number sa telepono. At kung tapos na po kayo kumain pakilagay na lang po dito sa push cart sa  labas ng room nyo. Sige Ma'am enjoy the food" ngumiti pa sya bago umalis.

Hmmmp sarap namnan ng food nila dito. Bukod sa maganda at pogi sila.hahaha. Pagkatapos ko kumain ginawa ko naman kung ano yong sinabi nya saken. Naglinis lang ako ng katawan at nagtoothbrush tapos nahiga na ulit ako sa kama. gustong gusto na talaga ng katawa ko makapagpahinga.

Kinabukasan....

Totally Unexpected (Jeka Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon