First One shot! Be nice guys! Thanks!
-lollipops_unicorns
dedicated to VineBaynBayn :) the cover maker
ngayon pa lang binabalaan ko na kayo. This is a story full of typo errors. XD
----
Start
Mylene's POV
" Sige, thanks for everything May May! Pinasaya mo kami dito sa orphanage! Ang galing mo talagang tumugtog. Kung octopus ka lang siguro, baka banda na yang tinutugtog mo. God bless! Bye!"
"Bye po sister! Masaya pong magpasaya eh!"
Hi! ako si Mylene Salas Ocampo. 17 of age. Hindi po ako galing sa ampunan. Tumulong lang kami since MedTech ang course namin. Nagkaroon kasi ng blood donation dito sa St. Martin's Orphanage. Yung nagsalita kanina, directress ng ampunan. Head ba. Eto LANG naman kasi yung tinugtog ko:
1) Gitara
2)Keyboard
3)Violin
4)Drums
Syempre nemen! Talented yata ako! (kapit readers! Humahangin!)
"Kuya, sa Balete Drive nga po." sabi ko kay mamang nagta-tricycle.
"Sige, 60 pesos nga lang."
"Kuya naman! Dyan lang sa kabilang kanto ang mahal pa ng singil niyo! Kundi nga lang ako pagod nilakad ko na lang. Please kuya! Sayo na tong Shades ko. Aviator pa yan ah!"
"Sige na nga. 30 na lang."
Psh...-__- shades lang pala katapat!
Inabot ko na yung baby aviator ko. Mami-miss ko yun! *sniff* joke! Sa tiangge lang yun! XD
Binaybay na namin ang daan papunta sa aming destinasyon.
Chos! Makata lang ang peg?
Humigad! Kinililabutan ako.
So creepy! Mama? Where na you? Me takot na!
Eh, kasi naman. Dito yung white lady di ba? Mga 1 year pa lang kaming nakatira dito. Nung na-promote si Mama from dishwasher to Manager, ayun may promotion prize kuno. Kaso nga lang sa kamalas-malasan, dito pa sa Balete! Mas prefer ko pa sa barung barong kesa dito eh.
"Thanks kuya driver!" Inabot ko na yung 30 pesos at ngayon ko lang napansin. Suot na niya yung shades. Ke dilim dilim tapos sinuot niya. -__- buti di kami na disgrasya.
Harurot agad ako sa pagtakbo. Natatakot na talaga ako. Pero suddenly, may narinig akong guitar melody ng "Like A Rose" yata?
And then I realized, Siya yun!!! Si SIYAAAA!! Gulay! Be demure Mylene. Dalagang Pilipina ka remember?
Binagalan ko paglakad ko. Modest na modest, in short mahinhin. Hindi yung napkin na Modess ha!
"Uy,, Hi Mylene!" tumayo si Mering ah, este si Jomer. Yaay!! Alam niya name ko! Tsss...Malamang eh kapitbahay niya ako. Ako na feeler.
"Hello...uhmmm..ano pa ginagawa mo dito ng 9:00 ng gabi? Di kaba takot? Baka bigla na lang sumulpot yung white lady dyan oh!" *turo sa may puno ng balete* sabi ko.
"Hindi noh! Atapang a tao ako!"
Nag-wink pa ang loko! Walang ganyanan Kuya crush! Natutunaw ako!
"Sige gitara ka na ulit. Uwi na ako."
Paalis na sana ako kaso kinilabutan ako. Bigla naman siyang nagsalita.
"Yung sa fest sa Barangay natin. Di ba may battle of the bands?"
BINABASA MO ANG
MusiKanto
Short StoryIsang kwento ng love story na nag-umpisa sa pakanta-kanta sa kanto. And then..........