CHAPTER 3

49 3 0
                                    

CHAPTER 3



Grey's POV

Nagtaka ako sa naging reaction ni sahara nung nakita niya ang papa ko. 'May problema ba?' Kunot noong tanong ko sa isip ko.

"Papa si sahara po" masaya kong sabi kay papa "Kilala ko nga siya.." napatigil naman ako sa sinabi ni papa. At saka siya tumawa "Syempre narinig ko kanina yung pangalan niya ha ha ha" kunyareng tumawa na lang din ako sa sinabi ni papa.

Kanina pa walang imik si Sahara kaya yinaya ko na siyang umuwi hanggang sa paglabas ng bahay tahimik pa rin siya. Gusto ko siyang tanungin kung bakit pero parang may pumipigil sa akin na tanungin yun.

"Sahara?" Napalingon naman siya sa akin ng seryoso "Gusto ko nang umuwi" seryoso pa din na sagot niya. "Ah oo tara ihahatid na kita diyan lang naman kayo sa pangatlong kanto diba?" At tumango naman siya.

Naihatid ko na siya sa bahay nila. Hindi man lang niya ako pinakilala sa mama niya HAHAHA, may next time pa naman. Kaya lang nagtataka pa rin ako sa nangyari kanina. Ano kayang meron?

Hanggang sa makauwi ako lutang pa rin ang isip ko kanina gusto kong tanungin si papa kung anong meron pero natatakot ako. Pumasok na ako sa bahay namin hinanap ng paningin ko si papa pero nakita ko sa kwarto at tulog na siya. Kaya dumiretso na ako sa kwarto ko at nagsimulang matulog.



Penelope's POV

Nasa tapat ako ngayon ng room nila Sahara ^_^ hehehe. Simula nung makita ko yun gusto ko na talaga siyang maging kaibigan! Pero napaka seryoso naman niya, boring.

Nahagip ng mata ko si Sahara na palabas ng room nila! "Sahara!" Napalingon naman siya sa akin at blangko ang mukha "Eh? Bakit?" Lumapit siya sa akin. "Sabay tayo mag lunch! Please!!!" Pagpapacute ko hehe. Nasapo naman niya ang noo niya at pumayag na lang sa gusto ko. "Oh hmm.. Sige tara bumaba na tayo" sabi niya.

"Yesssss!"

Bago pa kami makababa hinarangan kami ni Lalaine! Anong meron? Nabalitaan ko kahapon yung ginawa niya kay Sahara. Lahat na lang inaaway niya masyadong warfreak!

"Hey Sahara" maarte niyang sabi "Would you mind if you join us with our lunch. Isama mo na rin yan si Penelope." maarte pa din niyang sabi "Sorry i'm not interested" seryosong sabi ni Sahara na ikinatawa ko naman. Lumingon sa akin si Lalaine at mukhang nabadtrip sa sinabi ni Sahara

"Okay fine. Ayoko pa rin sayo!" Sigaw ni Lalaine na lalong ikinatawa ko. "Tss parang tanga lang!" natatawa kong sabi. Tuluyan na kaming bumaba at umorder ng pagkain.

"Sabi mo kapitbahay kita?" Seryosong tanong ni Sahara. Napatigil ako sa tanong niya sa totoo lang nagsinungaling ako nun kasi wala na akong ibang palusot nung tanungin niya kung paano ko siya nakilala. "Yah" pilit na ngiti kong sagot.

"Bakit hindi kita nakikita?" Kunot noo niyang tanong at tumawa pa ako kunyare. "Baka nagkakasalisihan lang tayo? Hehe" sabi ko na lang. Tumango na lang siya at nagpatuloy kami sa pagkain.

Maya maya pa ay naghiwalay na kami ni Sahara at nagpasalamat ako sa kaniya. Naglakad na ako sa hallway at pumunta sa room namin. Nakita ko si Grey na natutulog sa desk. Tinitigan ko siya.

Ang pogi niya ^_^

Nagulat ako nang biglang dumilat ang mata niya! O.O oh my god kill me now please! Aalis na sana ako nang bigla siyang magsalita

"Bakit?" Tanong ni Grey. Eh? "Hehe gigisingin sana kita kasi tapos na yung lunch break" pagkukunwari ko. "Ah sige salamat" at inayos niya ang pagkakaupo niya. Huhu nahuli niya ako kainis!

Matagal ko ng crush si Grey. Actually, third year high school pa lang siya na yung inspirasyon ko. Hinawakan ko ang dibdib ko at ang lakas ng tibok nun. Maya-maya pa ay dumating na ang teacher namin at nagsimula na ang klase.



Sahara's POV

Nasa gitna kami ng discussion nang biglang may kumatok . Napatingin kami sa pintuan at nakita ko si Ms. Clara ang teacher namin sa Mathematics.

"Good afternoon class!" Panimula niyang bati "Next week magkakaroon tayo ng Quiz bee sa buong fourth year high school department sa Mathematics at kada isang room may dalawang participant. Isang lalake at isang babae. Bukas ay byernes at inaasahan ko na makakapagpalista na kayo. Any question?" Seryoso niyang sabi sa amin.

"None. Ms. Clara."

Nagkatinginan naman sila kung sino ang ipapambato, habang ako ay tahimik lang na nakayuko sa desk.

Pagkatapos nang mahabang araw ko sa school namin ay dumiretso muna ako sa coffee shop kung saan ako laging tumatambay. Umupo ako sa isang tabi nang makita ko si Penelope na umiinom ng kape sa loob.

Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Tinignan ko siya hanggang sa makalabas siya ng coffee shop ng akmang tatawid ay nagulat ako sa nakita ko

What the?

Ang bilis ng pangyayari! nakita ko kung paano siya nahagip ng isang truck. Lalo akong naguluhan at nilapitan siya!

"Tulungan niyo kami!" Sigaw ko sa mga taong dumaraan. Nakita kong walang malay si Penelope at ang mantsa ng kape sa damit niya. Mas lalo akong nainis dahil tatakasan na kami ng driver hahabulin ko sana siya pero huli na ang lahat. Tss.

Buti na lang at may tumulong sa amin at dinala kami sa hospital.

Nasa hospital na kami ngayon at kasalukuyang walang malay si Penelope. Hindi ko pa naman kilala ang mga magulang neto. Kaya nagulat na lang ako ng may pumasok na isang babae na medyo may edad na.

"Penelope!" Naiiyak niyang sabi. "Penelope anong nangyari sa iyo!" Nagtaka naman siya nang bigla niya akong lingunin.

"Ikaw ba ang tumulong sa anak ko?" Seryoso niyang tanong. Tumango ako at ngumiti siya "Salamat. Pwede ka nang umuwi" mapait niyang ngiti. Lumabas ako na para bang walang nangyari. Lumiliit ang mundo ko sa mga nangyayari.

Pagkauwi ko sa bahay nakita ko si mama na umiiyak sa sala. Hindi na ako magtataka at tungkol na naman ito kay papa.

"Mama?" Iniangat niya ang ulo niya at mas lalo siyang umiyak. "Anak patawarin mo ang mama mo ha? Dapat hindi ganitong buhay ang nararanasan mo." Nagtaka naman ako, nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw at kasama ko naman siya sa isang bahay, sapat na sa akin yun at wala na akong hihilingin pa.

"Mama naman? Ayos na ang buhay natin dito diba? Wag ka nang umiyak." Saka ko siya yinakap. Naaawa ako kay mama dahil alam kong labag sa loob niya na iwan si papa roon. At doon nagsimulang pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Kinabukasan

Kring.. Kring.. Kring..

Nagising ang diwa ko sa narinig ko. Sino naman ito? "Hello?" Pauna kong sabi. "Sahara.." Malamig niyang sabi at nangilabot ako ng sobra "Sino ka? Saan mo nakuha ang number ko? Anong kailangan mo?" Sa sobrang nerbyos ko lahat yun natanong ko. "Hayaan mo at makikilala mo rin ako at kailangan mo ako kasi alam ko lahat-lahat sayo." Napatigil ako sa sinabi niya. Hindi pwede to. Hindi! Nagulat ako nang biglang ibaba niya ang linya.

Halos pagpawisan ako sa kaba kapag inaalala ko ang boses ng taong yun. Pinilit kong tanggaling sa isip ko ang nangyari na yun hanggang makarating ako sa school.

School

Naglalakad ako sa hallway.. Masyadong puno ang utak ko ng maraming problema at iniisip kainis! Hays. Nabuhay ba talaga ako para ipasan lahat ng problemang ito? Funny.

Nagulat ako nang biglang may yumakap sa akin sa likod at bigla ko siyang nasipa patalikod. Pagkaharap ko nagulat ako at si Grey yun! 'Bakit kailangan may payakap pa?' tss.

"Aray naman Sahara" kunyareng naiiyak niyang sabi. Tinawanan ko na lang siya at inalalayang tumayo. "Pwede ba kita makausap?" Sabi niya. Tumingin ako ng diretso sa kaniya at nagtanong "Tungkol saan naman?" Tanong ko

"Tungkol sa atin."

Boundless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon