CHAPTER 4

38 2 0
                                    

CHAPTER 4



Sahara's POV

Pumunta kami sa garden ng school kung saan kami laging nagkikita. Lalo akong kinabahan dahil seryoso ang mukha niya.

"Nabalitaan ko ang nangyari kay Penelope" sabi niya habang nakatingin sa akin. Alam niya kaya na nandoon ako nung nangyari yun? -.- syempre hindi.

"Binisita mo na ba?" Tanong ko. "Oo binisita ko na siya kagabi. Nagulat din ako hanggang ngayon wala pa rin siyang malay." Malungkot niyang sabi. Siguro close na close sila, never ko pa nakita na magkasama sila.

"Ahh sige" akmang tatayo na ako nang biglang hawakan niya ang kamay ko. "Saan ka pupunta? May sasabihin pa ako sayo eh." Seryoso pa rin siya >_< umupo ako at humarap sa kaniya.

"Sahara.." Panimula niya. "Nung unang nakita kita hindi ko alam na magiging... espesyal ka sa akin" nakangiting sabi niya at mas lalo akong kinabahan.

Ano ang ibig niyang sabihin? Hindi kaya? Hindi ayoko maging assuming! >.< Hindi ito pwede.

"Natutuwa ako dahil ngayon mas kilala na kita. Ang bilis-bilis ng puso ko kapag nakikita kita... I think... I'm... inlove... with you..."

Lumaki ang mata ko sa sinabi niya. Oh no! Tama nga ako! "Wag mo akong binibiro diyan Grey ha ha ha" kunyareng natatawa ako sa kaniya. "I'm serious" kabado niya pang sabi. "Bakit ako?" Seryoso kong sabi. Kasi hindi naman ako ideal person ng kahit sino man diyan.

Hindi ako yung babaeng katulad ng iba na napakaperpekto. Simple lang ako at walang pake sa ibang bagay. Minsan selfish ako pero I always care.

"Wag mo nang tanungin kung bakit ikaw, Kapag gusto mo ang isang tao minsan hindi mo alam kung ano ang dahilan" malumanay niyang sabi.

Na speechless ako, hindi ko talaga alam ang sasabihin ko sa kaniya dahil hindi ko ineexpect na magugustuhan niya ako.

"Can i court you?" Ikinabigla ko naman ang tanong niya na iyon. "Ano bang sinasabi mo Grey haha." Natatawa ko pang sabi. "Seryoso ka ba talaga???"

Pinag isipan ko muna ang sasabihin ko sa kaniya masyado siyang mabilis hays. Mukhang sincere naman siya sa mga sinabi niya. Hindi naman ako tulad ng ibang babae diyan na inaadmire ng lahat. -.- pero I know that he deserves a chance.

"Yes" wala sa sarili kong naisagot. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit! "Grey.. Hindi ako makahinga." Sabi ko sa kaniya. Agad naman niyang inalis ang pagkakayakap niya sa akin. Natawa pa siya!

"HAHAHAHAHAHA swerte ko naman whooooo" sabi niya pa at binatukan ko siya. "Aray naman! Ganyan ka ba magmahal tsk!" Inis niyang sabi haha kapal neto. "Walang pagmamahal diyan wag kang assuming!" pang aasar ko sa kaniya.

Sabay daw kaming mag lunch mamaya. Kaya umo-o na lang ako sa kaniya. Parang batang tuwang tuwa kapag nginingitian ko siya. -.- pumasok ako sa room at second subject na, umabsent ako sa unang subject dahil kay Grey tsk. Buti at wala pa yung teacher namin.

"Saan ka galing? Wala ka kanina ah?" Tanong naman sa akin ni Reina. "Ah may ginawa lang importante. Seryoso kong sagot. "Mas importante pa sa quiz natin sa science?" Nagulat ako sa kaniya nawala pala sa isip ko yun badtrip! T.T "Ngayon na pala yung palista sa quiz bee ah? Napagdesisyunan namin na kayo na lang sana ni Gilbert ang participant natin?" Nagulat naman ako. Bakit ako? Ayoko nang mathematics!

"Ah sige ayos lang sa akin yun" pilit na ngiti kong sabi. Kahit labag sa loob ko! Bakit kasi sila nagdedesisyon ng wala ako? "Good ako na magpapalista. Salamat!" At yinakap niya pa ako. Dumating na ang teacher namin at nagsimula na mag discuss.

Boundless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon