Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha sa aking pisngi galing sa aking mga mata. Nang mapansin ni ginoong antonio ang aking pagiyak ay marahan niya akong ipinaharap sa kanya. Hindi ko magawang tingalain siya dahil nakaramdam ako ng hiya.
"Anong bumabagabag sa iyong isipan felicia? Bakit ka lumuluha?" Nagaalalang tanong niya sa akin.
Bayolente akong napalunok at napailing. Hindi ko magawang magsalita dahil sa kung anong malaking bagay na nakabara sa aking lalamunan.
Marahang ikinulong ni ginoong antonio ang aking magkabilang pisngi ng kanyang mainit na palad. Ang kanyang hinlalaki ay marahan ding tumama sa aking pisngi para pawiin ang aking mga luha.
"Nasasaktan ako pag nakikita kong umiiyak ka binibini" sabi niya sa akin kaya naman wala sa isip na napakagat ako sa aking labi.
Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa dahil ang mga palad ni ginoong antonio ay nasa aking magkabilang pisngi pa din.
"Wag...baka dumugo ang iyong labi" malambing na suway niya sa akin tsaka siya na mismo ang humawak sa aking baba para tanggalin ang pagkakakagat ko sa aking pang ibabang labi.
Dahil sa tangkad ni ginoong antonio ay sa dibdib niya ako nakaharap, kitang kita ko ang kanyang mabibigat na paghinga. Panay baba din ng kanyang adams apple. Dahan dahan ko siyang tiningala at duon ko nakitang mariin itong nakapikit habang kunot na kunot ang kanyang noo.
"Ginoong antonio" mahinang pagtawag ko sa kanya.
Unti unting nawala ang pagkakakunot ng kanyang noo at dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata na diretso ang tingin sa akin.
"Ginoong antonio" tawag kong muli sa kanya. Tipid ako nitong nginitian bago niya ako niyakap. Ang isang kamay niya ay nasa likod ng aking ulo at ang isa naman ay nasa aking likuran.
"Masaya ang puso ko sa tuwing ikaw ang aking kasama..." seryosong sabi niya sa akin.
"Pero paano si fe...celestina?" Kinakabahang tanong ko. Muntik na akong madulas kaya naman mas lalonh kumalabog ang dibdib ko.
Naramdaman ko ang kanyang pagtango. "Bigyan mo ako ng sapat na panahon felicia. Aayusin ko ang lahat" paninigurado niya sa akin kaya naman dahan dahang umakyat ang aking mga kamay para gantihan ang yakap ni ginoong antonio.
Pagkatapos ng aming patagong pagkikita na iyon ay maingat niya akong inihatid pauwi sa tahanan ng mga agoncillo. Nagtago siya sa likod ng malaking puno hindi kalayuan sa amin. Para ako'y tanawin.
Maingat ang aking pagkilos habang papalapit ako sa bahay. Pero halos mahigit ko ang aking hininga ng pagangat ng aking mga mata ay ang pekeng celestina kaagad ang aking nakita.
Matalim ang kanyang tingin sa akin. "Saan ka nanggaling felicia?" Galit na tanong niya sa akin.
Kaagad akong napabuntong hininga para alisin ang takot at kabang nararamdaman ko.
"Naglakad lakad sa may plaza binibini. Nagpahangin" sagot ko sa kanya.
Hindi naman na ito nagsalita pa. Aakyat na sana ako para makaiwas na sa kanya ng kaagad niya akong pinahinto.
"Ano iyang hawak mo?" Nakakatakot na tanong niya sa akin habang pilit na sinisipat ang nakarolyong papel na hawak ko.
Mahigpit ko iyong nahawakan. Iyon ang ibinigay sa akin ni ginoong antonio. Nang iguhit niya ang mukha ni felicia fagen.
"Wala po ito binibini" kinakabahang sabi ko sa kanya. At pilit na itinatago iyon sa aking likuran.
Kaagad siyang naglahad ng kamay. "Akin na" seryosong sabi niya.
BINABASA MO ANG
His last Comeback
Historical FictionHanggang saan mo kayang ipaglaban ang iyong pagibig na hinubog ng mahabang panahon? "Muli tayong mabubuhay, at hinihiling kong muli tayong magkita mahal ko..." "Susubukan ko" nakayukong saad ng lalaki. Sunod sunod na tumulo ang luha ng babaeng ngay...