CHAPTER 8

42 5 0
                                    

CHAPTER 8

ALWIZA'S POV

Walang emosyon akong napaupo sa aking upuan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari.

Hindi ko talaga inaasahan na ipapahiya mo ako kanina. Pucha!

Bigla akong napatingin kay Jhaxine na kanina pa ako tinitingnan at parang naghihinala na ako ang may kasalanan ng lahat kung bakit ako nagkaganito ngayon.

"Ano?"Walang emosyong tanong ko tsaka napaiwas sa kaniya ng tingin. Napabuntong-hininga naman siya.

Hindi masakit 'yung ginawa mo sa'kin kanina, panget! Ang masakit do'n ay napahiya ako sa maraming tao. Kahit ganito ako, tao pa rin ako!

"Ikaw ba ang nag-umpisa sa gulong 'to?" Tanong niya. Agad naman akong napatingin sa kaniya at binigyan siya ng nagtatakang tingin.

Bakit ba ganiyan ka na lang lagi? Ako ang kaibigan mo, ang bestfiend mo pero iba ang kinakampihan mo.

Gusto kong isumbat sa kaniya ang lahat ng nasa isip ko ngunit ayoko pang umamin na ako nga ang punu't dulo ng lahat kung bakit ako nasasaktan.

"Anong gulo?" Maang-maangang tanong ko.

"Ito!" tinuro niya ako. "Kung bakit ka nasasaktan!" Emosyonal pang dagdag nito.

"Hinde! Wala akong kinalaman dito! Siya ang sisihin mo! Siya ang unang nanakit! Siya ang unang lumapit!"Depensa ko.

Napabuntong-hininga pa siya dahil sa inis. "Hindi iyon ang ipinupunto ko! Ang ibig kong sabihin ay--tsk!" Napakamot siya sa kaniyang ulo. "Oo, siya ang unang lumapit sa'yo! Pero amg hindi ko lang alam ay ikaw talaga ang totoong nauna."

Tinaasan ko lang siya ng kilay tsaka inilibot ang aking paningin sa paligid.

Hays! Hindi niya talaga ako maintindihan.

"Okay! Ako na ang mali! Edi masaya ka na?"Sarkastikong sabi ko na napalayo sa kaniya tsaka ako pumunta sa may sulok.

Nakakainis na talaga sobra sobra! Ako na lang lagi ang may mali.

Lumipas ang oras at hindi ko pinansin si Jhaxine. Nanatili akong tahimik at palinga-linga sa paligid. Matapos ang klase ay agad rin kaming nag-uwian ngunit hindi ko pa rin pinansin si Jhaxine. Wala talaga ako sa mood para kausiapin siya.

"Hay! Nako! Hayaan mo 'yan! Talagang ganiyan lang 'yan! Bukas papansinin na rin ako niyan!"Malakas na sambit nito na ng kausap ay sina Justine at Francine.

Sa sobrang lakas ng boses niya ay napapatingin sa kaniya ang maraming estudyante at alam kong sinasadya niya 'yun para marinig ko.

Tss..hindi ako bingi!

Agad kong binilisan ang aking lakad para hindi ko makasabay sa paglalakad sina Jhaxine.

Mula sa malayo ay muli kong natanaw si Panget na pasakay na sa sasakyan niya.

Ang panget-panget mo talaga! Tsk! Naisahan mo ko do'n kanina, ah? Hintayin mo ko bukas hahaha!

Isang oras ang nakalipas bago ko marating ang mansion. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausao ni Ate Aiziel.

Alam ko namang galit siya sa akin eh. Pero wala na rin akong pakialam sa kaniya.

"Oh, Alwiza!" Masayang bati ni Mommy na nanood sa sala. Agad naman itong napatayo at napayakap ng mahigpit sa akin.

Natawa naman ako ng bahagya.

"Kamusta ka, anak?" Masayang tanong nito.

"Okay lang naman po hehe!"Tugon ko.

I Hate You, But I Love You (season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon