Madaming tao ang dumalaw sa Cosmopolitan Funerals na matatagpuan sa likod Gaisano ng Downtown Area. Hindi ko mapigilang umiyak habang tinatanaw ang kabaong ng aking ama mula sa malayo. Gustuhin ko mang lapitan siya sa huling pagkakataon at yakapin ngunit hindi ito maari. Hindi ako maaring makita ng mga kamag-anak ni Papa dahil kung nagkataon ay magkakagulo. Kung bakit? It ay dahil sa kadahilanang anak lamang ako sa labas. Matayog at Makapangyarihan ang mga Gueverra. Sila Ang may-ari ng Gueverra Group of companies at 2GO shipping lines at lahat ny iyon apy dahil kay Papa. Kaya't isang malaking kahihiyan Ang pagkakaroon ni Papa ng anak sa labas kaya't hinding-hindi ako matatangap ng kanyang pamilya.
Ngunit sa kabila ng mga ito ay pinalaki ako ni Papa at ng stepmother ko ng maayos. Pinrotektahan nila ako, minahal, at hindi tinuting na iba. May dalawa along kapatid sa ama Sina Stephen Gueverra isang 3rd Year Civil Engineering student, spoiled, playboy, at bulakbol. Maria Anna Gueverra kasalukuyang 2nd Year Multimedia Arts student. Hindi kami masyadong attached sa isat-isa since hindi rin naman nila ako matanggap as kapatid.
Say gitna ng aking pagmumuni-muni, may biglang kumalabit sa akin.
"Clarisse, Tama na yan. Hindi ma tutuwa si Tito niyan. Tara na at naghihintay na ang van sa labas." Pagpapatahan sakin ni kuya. Na tinanguan ko lamang at subay na sa paglalakad papunta sa van.
Yes, may kuya ako. Kapatid ko siya sa ina. Kahit na iba ang ama ko at noon ako nakatira ay tinuring niya parin ako ng normal. Isang taon lang Ang tanda niya saakin ngunit dahil late siyang nakapag-aral ay magkasing baitang lang kami.
" Saan nga pala tayo kuya?" Tanong ko sa kanya. Ang sabi kasi ni mama saakin ay doon na ako titira say kanya dahil wala na si Papa. At dahil rin sa pagaagawan mga kapatid ko at kamag-anak ni Papa sa mana at pag-angkin ng Kompanya. Wala akong pakealam sa Pera kaya't hindi na ako nakiusyoso dito. Sigurado naman akong mabibigyan ako nina mama ng magandang buhay dahil may business din si Mama. Si Mama, o si Danica Bonifacio, ang may-ari ng Bonifacio Inc. kagaya ng business nina Papa nagpapatakbo din ito ng samot-saring mga negosyo mula sa Distillery, Mining, Food Supplier, Hotel and Resorts at iba pa.
"Hindi pa ba nasabi sayo ni mama? Doon ka na sa probinsya titira kasama namin. Mga 5 oras lang mula sa Cebu City patungo sa lungsod ng Oslob. Wag kang mag-alala maganda duon at tsaka nandoon rin ang mga kaanak natin kaya marami kang magiging kaibigan." Nakangiting saad nito na siyang tinanguan ko lang din. Hindi na ako sumagot dahil hindi rin naman talaga ako masyadong maimik. Bahagyang ako guminhawa ng maluwag. At least ito malayo sa syudad at sa mga mapanghusgang tao doon.
Sana nga lang ay maging masaya Ang aking panibagong simula sa Oslob.
YOU ARE READING
Love Left Undone (Super Duper Ultra Megang Bagal Magupdate)
Teen Fiction"HINDI LAHAT NG NANGIIWAN NAGIGING MASAYA KASI MINSAN NAGPAPARAYA LANG SILA" Ngunit papano kung sa kabila ng iyon pag-alis ay hindi parin nawawala ang iyong damdamin sa kanya? Handa ka parin bang ipaglaban ang iyong minsang binitawan? Are you still...