I Love Baguio

326 7 0
                                    

Ako po si Ms. Natalie, isang school teacher na nagmula sa isang pang-publikong paaralan pang elementarya. Naimbitahan ako kasama ng mga kapwa kong teacher na umattend ng annual teacher's conference sa Baguio. Tatagal ito ng 5 araw kaya sobrang excited kami kasi may oras pa para mamasyal at makapamili ng pasalubong at saka magiging pahinga din namin ito dahil kakatapos lang ng school year at sobrang napagod kami sa trabaho.

Sagot ng Eskwelahan ang allowance namin para sa registration, pamasahe at fee sa transient house na tutuluyan namin, kaya naghanap kami online na available na malapit sana sa mismong convention site. Nakahanap naman kami sa bandang sentro, waking distance sa SM at isang sakay lang papuntang Mines view.

Nagkita-kita kami sa terminal sa Cubao ng madaling araw para sa byahe namin sa bus, nag almusal ng konti at maya-maya ay umalis na ang bus namin. Habang nasa byahe ay naguusap tungkol sa mga kwento ng pagpaparamdam ng mga kaluluwa sa ilang lugar sa Baguio, gaya ng Diplomat Hotel. Pamilyar ako sa mga ganitong lugar kahit hindi pa ako nakakapunta, usap-usapan ito sa mga mahihilig sa kwentong katatakutan pati na rin siguro sa mga palabas sa tv. Ako kasi ang taon g mahilig sa katatakutan pero ayokong mangyari sakin, at sa totoo lang madami na akong kwentong napakinggan na nagpahilakbot sakin pero hindi pa ako nakaranas kahit isang beses sa buhay ko. Napunta ang kwentuhan namin sa planong tumungo sa isa sa mga lugar na ito, sumangayon naman ako kasi madami naman kami at gusto ko ring maka-experience kahit papano.

Nakarating kami ng Baguio ng umaga, puyat man at pagod sa byahe excited kaming maglibot libot muna kasi sarado pa ang transient na tutuluyan namin, masyado pa kasing maaga. Kumain ng konti at nagpicture-picture syempre. Tumungo na kami sa bahay na tutuluyan namin na di kalayuan sa terminal, napakaganda ng view mula sa tinutuluyan namin. Tahimik at malamig at maaliwalas ang hangin. Bukas pa ang convention kaya nagpahinga lang kami ng konti at lumabas na ulit kami. Nagtungo muna sa simbahan, nagpasalamat, namasyal sa SM, palengke at umuwi ng bandang hapon. Nung papauwi na kami ay dun namin nalaman na malapit pala ang tinutuluyan namin sa Laperal White House, isa sa mga sikat na haunted houses daw dito sa Baguio. Napagkatuwaan namin na bisistahin ito mamayang gabi at magpicture sa tapat nito para naman may souvenir na kami agad ng lugar.

Pagkatapos ng dinner ay lumabas kaming tatlo ng kasama ko na mahilig din sa mga katatakutan. Nagtungo kami sa Laperal white house at nagmasid masid, nagpicture sa harap nito at umuwi na din pagkatapos. Wala naman kaming naramdamang kakaiba. Kinabukasan ay tinapos namin ang convention at umalis na din agad para bumili ng pasalubong.

Naisip namin na dumalaw ulit sa Laperal white house ng hapon na iyon at pagdating namin dun ay sinuwerte kami na nandun ang isang bantay nito na naglilinis sa paligid ng bahay at hinayaan kaming makapasok sa ilang piling lugar ng bahay. Natuwa kami at pumasok sa loob. Nilibot ang napakaluma at klasikong arkitektura ng bahay habang ang caretaker naman ay nagkwkwento na parang tourist guide.

Pagkatapos ng isang oras ay lumabas na kami, ayaw pa sana namin kaso kailangan na daw naming umalis kasi darating ang isang Production unit at gagamitin ang bahay para gamitin sa shoot ng pelikula. Nagpasalamat kami at umalis para umuwi.

Kinagabihan, natutulog na kami lahat sa kwarto at tumayo ako para umihi. Pumasok ako ng cr at sinarado ang pinto. Pagkaupo ko pa lang ay parang may naramdaman akong naglalakad sa kwarto, inisip ko na naiihi rin siguro ang isa sa mga kasama ko. Tumigil ito sa tapat ng pinto. Maya-maya lang ay pinipihit nito ang doorknob ng cr,

"Sandali lang, naihi pa ako"

Pero tuloy lang ito sa pagikot, nagiging bayolente na at bumibilis ang pagikot ng doorknob, minadali ko na ang pag-ihi ko, sa sobrang inis ay bigla kong binuksan ang pinto at dun ko nalaman na wala pa lang tao. Sinilip ko ang mga kasamahan ko, pero tulog na tulog sila sa kama. Imposible na isa sa mga kasama ko yun na nagbibiro sakin dahil malayo-layo ang cr sa kama. Hindi ko mawari kung pinaglalaruan ba ako ng imahinsayon ko.

Kinaumgahan ay tinanung ko ang mga kasama ko, pero wala daw sa kanila ang bumangon at tulog na tulog sila kagabi. Binalewala ko na lang ang nangyari.

Nung mismong araw na yun habang nasa seminar kami ay hindi maalis sa isip ko ang nangyari nung gabi na yun. Nahihiwagaan talaga ako.

Pagkatpos ng seminar ay magisa lang ako tumungo sa tinutuluyan namin dahil nagpaiwan ang mga kasama ko sa convention site.

Papalapit pa lang ako sa pinto ng kwarto namin na parang may naririnig akong nagsasalita sa loob, parang dalawang taong naguusap pero hindi ko maintindihan, nag double check ako sa numero ng kwarto namin at baka namali lang ako, pero tama ito. Tuloy pa din ang pagsasalita, pero nung binuksan ko ito ay biglang tumahimik, walang tao sa loob ng kwarto.

Napapaisip na ako sa mga nangyayari, umupo muna ako kama at pilit na iniintindi kung anung dapat gawin. Wala pang isang minuto ako nakaupo ay biglang bumukas ang gripo sa cr. Napatayo ako sa kinauupuan ko at hindi malaman kung pupunta ba ako ng cr o lalabas ng kwarto. Nangilabot din ako bigla ng walang dahilan, iba ang lamig sa kwarto. Nilakasan ko ang loob ko at tumungo sa cr para isarado ang gripo, wala ding tao sa loob ng cr.

Pagka-sarado ng gripo ay biglang umihip ang hangin, malamig at parang nalungkot ako bigla. sobrang lungkot na para bang namatayan ako ng mahal sa buhay. Ang hindi ko maintindihan ay bakit parang gusto kong bumalik sa Laperal white house ng mag-isa. Para bang may tumatawag sakin at kailangan kong pumunta doon agad-agad. Sinarado ko ang kwarto at bumaba para tumungo agad sa Laperal. Lungkot na lungkot ako habang naglalakad pero hindi ko alam kung bakit, pagdating sa tapat ng Laperal ay sarado ang gate at walang tao, wala din ang caretaker.

Nakatayo lang ako sa labas na para bang may hinhintay, malungkot at nag-iisa. Nakatayo lang ako doon sa loob ng isang oras, kung hindi pa umambon ay hindi ko maiisipan na bumalik sa tinutuluyan namin. Pagkapasok ko sa kwarto ay humiga agad ako sa kama. Dahil sa pagod sa pagkakatayo ay pumikit ako at nakatulog agad.

Nanaginip ako na nasa loob ako ng Laperal white house, nakatayo sa may hagdan at doon ay kaharap ko ang isang matandang babae,

"Isama mo ako, isama mo ako" sabi nito, na para bang naguusap kami sa isip dahil hindi bumubuka ang bibig nya. Tumatanggi ako at sinabing hindi ko naman sya kilala at hindi ko din sya pwedeng isama kung saan man ako pupunta.

Nagalit ang matandang babae, at lumalakas ang sinasambit nitong isama ko daw siya.

"Natalie, isama mo ako!, Natalie! Natalie! Natalie!"

Natalie! nagising ako at kasamahan ko na ang nakikita ko, nakauwi na pala sila at nakita nilang nananaginip ako,kaya pilit nila akong ginising, gabi na pala.

Hindi ko pa din kinuwento sa mga kasamahan ko ang nangyari, hindi ko kasi alam kung papanu sisimulan. Huling gabi namin sa transient house at uuwi na kami kinabukasan ng umaga, hindi ako mapakali nung gabi na yun. Balisa ako at parang gusto ko ulit bumalik sa Laperal. 12Am na ng nag desisyun akong bumalik doon ng mag-isa, tulog na ang mga kasamahan ko.

Nakatayo lang ako sa gate, at nagmamasid. Narinig ko na naman ang boses, "Isama mo ako, isama mo ako" at doon naaninag ko ang isang imahe ng babae na nakatayo sa pinto ng bahay.

"Natalie! Natalie! Natalie!"

Kinilabutan ako at natakot, dali-dali akong umalis at hindi na lumingon pa.

Kinabukasan ay nagtungo na kami sa Terminal ng bus para umuwi, humiwalay ako ng upuan sa mga kasama ko dahil parang gusto kong mapag-isa. Umakyat na ang kunduktor at inisa-isa ang mga pasahero para mag check ng tiket.

"Mam, check lang po ng tiket" sabi nya sakin. "Thank you po mam,yung tiket po ng katabi nyong matanda, nasa inyo din?"

"Wala akong kasamang matanda kuya"sinabi kong mag-isa lang ako dito.

Meron daw akong katabing matanda, sabay pa nga daw kaming umakyat ng bus. Nakakapit pa nga daw ito sa balikat ko. Sumama pala sya sakin pabalik. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Baguio ConventionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon