Chapter 11 - Son of the Winter
Alas-dos pa lang ng madaling araw nang magising si Ivan. Tulog pa ang lahat ng mga lalaking naroroon. Nang hindi na makabalik sa kaniyang tulog ay napagdesisyunan niyang bumangon at maglakad-lakad sa labas. Kinuha niya ang jacket at flashlight niya saka tumayo't sinara ang pinto ng dahan-dahan.
Maging sa corridor ay walang katao-tao. Sumakay siya sa elevator at bumaba sa ground floor. May mga naka-duty na mga bantay doon at lahat sila'y nakatayo lang sa harap ng pinto. Lumabas siya nang hindi sinisita ng mga gwardiya.
Sinundan niya lang ang pathways at inilibot ang paningin sa dating paaralan. Halu-halo ang kaniyang mga emosyon habang nakatingin dito. Nakaramdam siya ng lungkot nang tignan ang mga nagbagong istraktura ng ilang mga gusali. Nakaramdam siya ng saya nang maalala ang mga pinagdaanan at masasayang alaala.
Napahinto siya sa gusali ng secondary students na noon ay ang Boys Dormitory. Sa dulo ay nakikita niya ang dati nilang kwartong may balcony. Dinala siya ng mga paa niya roon. Ipinasok niya ang mga kamay sa bulsa dahil sa lamig ng hangin.
Nang makarating sa ikatlong palapag ay huminto siya sa pinto ng dating kwarto. Pinihit niya ang doorknob at laking gulat niya nang bukas pala iyon. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at bumungad sa kaniya ang walang lamang silid.
Wala na ang mga kama nila maging ang sofa kung saan sila nanonood ng telebisyon. Maging ang mga cabinet at ang closet nila. Wala iyong laman, para bang isang abandonadong silid. Bukas rin ang bintana at tanaw na tanaw niya ang isang puno sa labas.
Tatalikod na sana siya nang mahagilap ng paningin ang isang maliit na picture na nakapaloob sa isang picture frame. Nakasabit iyon sa gilid ng bintana. Nang lapitan niya iyon, tumambad sa kaniya ang litrato nilang lima.
Si Ivan na may hawak na lollipop at nakadila. Si Grey na di nakatingin sa camera at kinakalikot ang tablet at may malaking headphones sa leeg. Si Kyle na nakangiti at pormal kung tignan. Si Brent na nakasimangot habang nakatingin sa camera. Si Renzo na walang pake at walang emosyong nakatingin sa gilid.
Tumawa si Ivan habang nakatingin sa yagit na larawang iyon. Kinuha niya iyon at matapos kunin ay may nahulog na isang susi mula sa likod ng picture frame. Nang kunin niya iyon, kumunot ang noo niya nang makitang pamilyar iyon.
"Teka," sabi niya at kinuha ang flashlight sa bulsa at sinuri ang susing napulot. Nang mapagtanto kung para saan iyon, nanlaki ang kaniyang mga mata. "Kay Brent 'to ah!"
Mabilis siyang umalis mula sa silid na iyon at dali-daling bumaba mula sa ikatlong palapag. Hawak niya ang picture sa kaliwa at ang flashlight sa kanang kamay niya. Tinakbo niya ang kagubatan na noon ay kinatatakutan ng mga estudyante.
Narating niya ang kagubatan. Kahit suot lang ang tsinelas ay hindi iyon naging hadlang kay Ivan upang lusubin ang mga nagtataasang damo. Nang makita ang punong nagsilbing palatandaan sa lugar na iyon ay huminto si Ivan at hinawi ang mga tuyong dahon sa lupang nasa harap ng punong iyon.
Nang makita ang metal na bilog ay agad iyong inikot ni Ivan at binuksan ito. Nang makita ang hagdanang puno ng mga alikabok at mga sapot ng mga gagamba ay hinawi niya iyon at bumaba. Umubo-ubo pa siya dahil sa mga alikabok na nalanghap.
Madilim sa loob, buti na lang at may dala siyang flashlight na agad naman niyang in-on. Bumungad sa kaniya ang underground hideout ni Brent noon.
Dito sila dinala ni Brent noong nalaman nilang nag-traydor ang kaibigan ngunit sinagip naman sina Gianna at Jahara. Dito rin makikita ang mga armas at mga patalim na paborito ng kaibigan. Biglang bumalik ang lahat sa isip ni Ivan.
Sa di malamang dahilan ay nanginginig ang mga kamay niya. Nang tignan niya ang pinakadulo ng maliit na lungga ay nakita niya ang isang karton sa ilalim ng mesang puno ng iba't ibang klase ng mga baril. Lumapit siya at kinuha ang kahon at binuksan. Nagulat siya sa mga nakita.

BINABASA MO ANG
Verson University: School of Doctors
Mystery / ThrillerThis is the third & last book of the Wendigo Psychosis Trilogy. Please read the first and second book before proceeding. Humans are ambitious. We aim for progression, but look at us now. We are toxic. Poisonous. We ended up spitting venom on our own...