Bakit Hindi na Nakalipstick si Mam

23 1 0
                                    

Unang araw ng pasukan,

Hindi magkamayaw ang mga studyante't mga magulang sa paghahanap sa kanilang pangalan sa Master List ng ibat-ibang silid aralan. Sa loob ng mga silid- aralan ay may mga nag-iiyakan pang mga mag-aaral sa kinder at grade 1. May nagsisimula na rin ang klase sa ibang baiting gaya ng mga nadaanan kong klase sa grade 2,3,4 at sa ika-limang baitang. At ako? Malamang. Nagsimula na rin siguro si sir o si mam.

Ako ay isang mag-aaral sa ika-anim na baiting. Isang taon na lang at magtatapos na ako sa elementarya. Nagagalak pero may halo ding lungkot at kaba dahil hindi ko alam kung ano ang magiging buhay ko sa paaralan ng high skul. Pero sa ngayon, buburahin ko muna ang sobrang pag-iisip sa mga bagay na iyon.

Sa wakas, narating ko na rin ang silid-aralan ko. Ako ay kabilang sa mga mag-aaral ni binibining Rose Mahinay. Ngayong taon ko lang nakita si Bb. Mahinay kaya malamang ay bago siya sa aming paaralan. Naupo na ako sa klase at magiliw na nakikinig sa mga tago bilin ni mam sa aming silid-aralan.

Si mam ay mahinhin magsalita at sobrang ganda kasingtulad nga nyaang kanyang pangalan. Bukod akong nahalina sa kulay pula na lipstick ni mam. Kasing kulay nito ang pulang rosas na kapangalan niya. Wari itong nang-aakit sa mga tagapakinig na mga mag-aaral. Kriiiiiing!!!!! Uwian na, naisip ko. Hindi ko namalayan ang oras ng uwian. Malamang ganoon din si mam.

Madaling lumipas ang mga araw, marami-rami na rin kaming natututuhan kay mam Rose. Masaya niyang ibinabahagi sa amin ang ibat-ibang aralin. Naging isa akong isa sa mga pinagkakatiwalaan ni mam rose sa mga gawain sa silid-aralan. Madalas huli ako sa paguwin dahil tinutulungan ko pa si mam sa mga Gawain matapos ang klase. Madalas ding namumutawi sa pulang labi ni mam ang mga aral patungkol sa buhay at buhay pag-ibig.

Unang Pagsusulit

Matapos ang aming unang pag-susulit, madalang kong nakikita si mam sa aming silid-aralan. Madalas iniiwanan nya kami ng mga banghay-aralin at mga dalawa hanggang tatlong pahinang sulatin. Ibang-iba sa nakagawian naming noong unang psaukan. Ilang araw na rin kaming paullit-ulit na ganito. Malamang busy si mam.

Oras na ng uwian ng makita kong parating na si mam sa aming silid-aralan, dala- dala ang kanyang pulang laptop. Halatang pagod si mam dahil puyat na puyat tingnan ang kanyang anyo. Namumugto ang mga mata, ewan ko kung dahil ba ito sa babad sa laptop o dahil sa sobrang iyak. At napansin kong hindi nakalipstik ngayon si mam.

"Good afternoon mam!", magiliw na bati ko kay kanya. Pero parang hangin lang ang bati ko kay mam, nararamdaman pero hindi napapansin. Binaliwala ko na lang ang malamig na tugon ni mam. Dahan- dahan kong isinara ang mga bintana sa silid-aralan, inilagay sa basurahan ang nagkalat na mga basuraat tinapos kong linisin ang pisara. "Aalis na po ako mam."

Nagdaan ang ilang araw at wala pa ring nagbago sa awra ni mam. Hindi ko na nakikita ang madalas na paboritong suutin na lipstick ni mam. Napansin ko ding dahan-dahang nawala sa magandang mukha ni mam ang mga ngiting humahalina sa mga mag-aaral at unti-unti itong napalitan nga kanyang bugnuting anyo. Madalas pagalitan ang aming klase dahil sa sobrang ingay. Konting pagkakamali lang ng aming isang kamag-aral ay singtaas ng sinulid ang kanyang litanya. Siguro ang malamig na pakikitungo niya sa amin ay bunga ng kanyang gabundok na gawain na makikita sa kanyang mesa araw-araw.

Sa aking wari, maraming ginagawang reports si mam sa aming paaralan. Dahilan siguro sa kakaunti lang silang guro dito. Sa bilang ko ay pito lamang sila kabilang na ang aming punong-guro.

"inday, halika ka.", narinig kong wika ni mam.

" ano po iyon mam?", sagot ko sa kanya.

"minsan ba naisip mong maging guro gaya ko?", tanong nya sa akin pero di man lang nya ako tinitingnan. Nakatuon lang ang kanyang mga mata sa laptop. Hindi pa rin sya umuuwi kahit na lampas na sa oras ng kanyang uwian.

"minsan po mam, pero naisip ko rin po kong kaya ba akong pag-aralin ni mamang at papang sa kolehiyo.", sagot ko sa kanya.

"sa nakikita ko naman sayu, masipag ka naman. Kaya wag kang mawalan ng pag-asa. Kahit ano pang dumating na unos o pagkadismaya sa buhay mo ay ituloy mu lang iyon hanggang maabot mo ang pangarap mo." Nawika ni mam sa akin.

Alam ko, kitang kitang ko sa mga mata ni mam ang sensiridad ng kanyang mga sinasabi. Nakikita ko rin sa kanyang mga mata ang pagod at tamlay. Bigla ko tuloy naisip kong ganito ba talaga ka hirap ang maging isang guro?

Nakita kong nagsiuwian na ang mga kaguro ni mam pero wala ni isa sa kanila ang pumansin sa kanya. Mula noong unang araw ng pasukan ay hindi ko sila napansing pumasok rito at nakikipagkwentuhan kay mam. Mabait naman siya. Madalas naririnig kong pangit na sinasabi nila sa kanya. Hindi ko alam kong totoo, pero kung ano man iyon, ang alam ko lang at turo ni mam sa amin ay hindi dapat pingtsitsismisan at pinagtatawanan ang mga bagay na pangit sa paningin nila.

"mam, uwi na po ako." Paalam ko kay mam.

"Goodbye.", maikling sagot niya sa akin. Masaya na rin akong narinig iyon. Dahil sa nakalipas na ilang araw ay madalang ko ng marinig iyon mula sa kanya.

Araw ngayon ng biyernes kaya dalawang araw kaming walang pasok.

Madaling lumipas ang sabado at linggo.

Araw ng lunes, napansin kong maraming nagtsitsismisan at mahihinuha ko sa kanilang reaksyon ang pagkagulat. Ewan ko ba pero parang ibang-iba ang araw na ito. Sa kasagsagan ng flag ceremony ay napansin ko ang pagtaas ng bandila at kaagad naman itong ibinaba ng bahagda sa gitna ng flag pole sang ayon sa utos ng guru sa grade 5. Hindi ko alam ang kanilang ginagawa pero napaisip rin ako kung bakit ganon. Pagkatapos ng nakagawian naming araw – araw sa umaga ay narinig kong nagsalita an gaming punong guro.

"mga minamahal kong mag aaral lalong- lalo na iyong nasa grade 6 na nasa klase ni binibining rose mahinay ay makinig. Ang ginawa nating half mask ay pag – aalay sa ating mahal na guro na si mam rose mahinay. Siya ay namayapa na noong nakaraang biyernes ng gabi. Alam kong masakit marinig ang balitang ito dahil napamahal na rin natin siya kahit sa kaunting araw na inilagi niya dito sa ating paaralan. Inaanyayahan ko kayong sumama sa bahay nila at makiramay "

Nabigla ako sa aking narinig. Hindi ko namalayang napahagulhol ako ng iyak. Wala na si mam rose? Hindi matanggap ng aking damdamin ang nangyari sa aking mahal na guro. Bakit? Iyon ang hindi na nasabi ng aming punong guro. Kami ang huling magkasama sa silid – aralan sa araw na iyon. Kaya pala. Ganun na lamang ang lungkot na nakita ko sa kanyang mga mata. Hindi ko mawari ang aking mararamdaman. Bakit mam rose?

Ng pumasok na ang buong klase sa aming silid aralan ay nakita kong napahagulhol ang lahat ng mga kaklase ko. Kahit iyong mga akala kong matatapang at tigasin kong kmag aral ay hindi napigilan ang mapaiyak.

Oo, madalas napagasasabihan kami ni mam. Pero nakita rin naming kung gaano niya kami kamahal bilang mga estudyante niya. Alam kong pinahahalagahan niya kami. Kaya kahit pagod siya ay pumapasok pa rin siya sa klase namin. Kahit gaano ka rami ang kanyang tinatrabaho ay tinuturuan niya pa rin kami.

Oras na ng uwian at napasyahan naming lahat na sumama sa pakikiramay.

Sa bahay nila ay ramdam ko ang mabibigat kong yapak at namumuong luha sa aking mga mata. Hindi napigilan muli ng buong klase pati na ng aming mga kasamang guro ang paghagulhol ng iyak.

Sa muli, Nakikita ko ngayon ang nakita ko noon unang araw ng aming klase. Hindi man namumutawi ang ngiti pero ramdam ko na wala na ang pagod at tamlay sa kanyang anyo. Hindi na nya mararamdaman pa ang pagal sa araw- araw na pagpasok niya sa paaralan.

Sa wakas, nakita ko ulit sa kanyang mga labi ang malarosas na kulay na lipstick ni mam.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bakit Hindi na Nakalipstick si MamWhere stories live. Discover now