Naalimpungatan ako nang may maramdamang malamig na bagay sa aking kamay, umupo rin ako sa kama para makita ko ang kabuuan ng kwarto baka kasi mamaya nasa kung saan na ako.
Naramdaman kong kumirot ang kanang bahagi ng ulo ko, naalala ko ring nakailang inom pala ako ng alak kanina, nasobrahan at nahilo ako nang tuluyan.
"Oh, Ysa? Gising ka na? Buti naman, maghahapunan na tayo. Nakapagpahinga ka naman ba?" Tanong sakin ni Shek na pinupunasan kanina ang kamay ko, pinunasan din niya 'ata ang ibang parte ng katawan ko kasi ramdam ko na basa pa ang parteng hita ko.
Umiling ako. "Hindi na ganoon ka hilo, siguro ay iiinom ko na lang 'to ng tubig," ani ko sa kaniya. Napansin ko na hindi pa rin pala ako nakakapagbihis. Naka plunge suit pa rin ako.
Tinignan ko ang orasan sa taas ng TV. "Maaga pa pala?" Tanong ko sa kanila. Nakita ko kasing 8:45 pa lang. Mga bandang 6:20 kami naglaro.
"Hindi naman ganoon kaaga, 8:45 naman na. Dapat kanina pa kakain mga 8. Eh ang sabi ni Marco, mamaya na raw mga 9 kasi natutulog ka pa raw," tumango-tango ako sa sinabi ni Shek. Pumunta na siya ng lababo at hinugasan na yung bimpo na pinangpupunas niya sa'kin kanina.
"Sino nga pala naghatid sa'kin?" Tanong ko sa kanilang tatlo na may iba't-ibang ginagawa.
Tumingin sa'kin si Lily na medyo basa ang ulo at swimsuit, kakalangoy lang siguro nito. "Si Trevor ang naghatid sa'yo,"
Tinanguan ko siya habang naka-awang ang bibig.
"Hindi kayo lalabas? Labas na tayo," ani ko sa kanilang tatlo. Tinaasan nila ako ng tingin bago ngumiti at tumango.
Hinawakan ni Ava ang kamay ko at hinila ako papunta sa dagat. "Ang lamig," ani ko.
Low tide ngayon kasi gabi na kaya nakaabot kami roon sa may gitnang parte malapit sa pinaka extension. Hanggang bewang ko lang ang tubig."Kakain na tayo, guys! Asan na kayo?" Sigaw ni Jacob sa may pangpang na rinig namin hanggang dito.
Dali-dali kaming lumakad at nilabanan ang maliliit na alon ng dagat.
"Saan ba tayo?" Tanong ko sa kanila.
"Doon lang tayo sa tapat ng room ng mga lalaki, doon sa parang covered area sa harap noon," sagot sa'kin ni Lily.
Nang makapunta kami roon, ay kita ko ang mga lalaki na walang pantaas at dadalawa lang 'ata ang nakasando, isa roon ay si Trevor na hindi nakikihalubilo sa gulo sa may table kung saan nandoon ang mga pagkain. Nakaupo lang siya sa isa sa mga upuan sa tabi. Sa itsura niya ngayon ay parang hindi siya nage-enjoy.
Nang mapansin kong palingon siya sa'kin ay inalis ko kaagad ang tingin ko at dumeretso na sa table. Sana makakuha ako ng oras para maka-usap siya.
"Shanghai!" Sigaw ni Claudette.
Nagsikuhaan na sila ng pagkain at ako rin ay kumuha na. Kinuha ko lang naman ay pininyahan at kaonting rice. Nagcordon bleu na rin. Lahat yata 'to ay luto ni Marco, tumulong na lang siguro ang iba.
Umupo na ako sa tabi ni Shek. Ang iba ay nagsiupuan na rin. Kahit si Yena na kakaunti lang ang kinuha ay umupo na rin.
"Damihan mo kain mo, Ysa," ani Marco na sa tabi ko pala umupo.
Tinanguan ko siya at nginitian. "Oo, by the way ang sarap, ikaw lang talaga yung nagluto? As in?" Gulat kong tanong sa kaniya nang matikman ang ulam. Ang galing niya pala talagang magluto.
BINABASA MO ANG
Big City (Completed)
RomanceThe burden of surviving in this Big City will make you lose sight of your dream. Is it good to be a tourist in your own city? Or allow a tourist to ruin your Big City? ⇨May 1, 2019 ⇨May 1, 2020 Most impressive ranking: #416 in Teenfiction #49 in C...