Ereal Vivien Llano
Tahimik kong pinagmamasdan ang ulang tumutulo kasabay ng aking mga luha.
Ang nararamdaman ko ay tulad ng langit na maitim at walang pag-asang tumila.
I am in a small resort here in Batanes. I am alone inside a room waiting for the rain to stop, even though it seems impossible.
Napabaling ako sa telepono nang tumunog ito.
It's my best friend. Nakailang missed calls na rin siya. Siguro nag-aalala siya kung ano ang gagawin ko sa sarili ko.
Kinuha ko ang telepono at sinagot ang tawag niya.
"My God! Mabuti naman at sinagot mo na ang tawag ko Ereal. Nasaan ka ba?! Please tell me you're okay. Asan ka? Pupuntahan kita." Naghehesterya na ang tinig niya.
"Relax Ali. I'm okay. I just need time to be alone. Please give me that." Pakiusap ko. Sigurado akong naka-loud speaker ang phone niya at kasamang nakikinig ang mga kuya ko.
"Ereal, we're here. We are willing to listen. Always remember that." Naging mahinahon ang boses niya.
Napapikit ako. Pagkatapos ng lahat ng ito, maswerte pa rin ako. May mga taong nagmamahal at nag-aalala sa akin.
"I know that Ali. But I want this. I want to be gone, even just for a while."
"Anong gone?! Ereal, anong iniisip mo?!" Hindi na siguro nakatiis ang isang kuya ko at nagsalita na ito.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa reaksyon ni kuya o mas lalong malulungkot.
"Relax kuya. I will not do anything to hurt myself. I just need time." Pagpapaliwanag ko.
"Alright. We'll give you time. But please do becareful. You can contact us anytime. Tutulungan ka naming makalimutan siya Ereal."
Napangiti ako ng mapait. Makalimutan siya? Is it possible to forget him? Because I think it's not.
"Thank you kuya. I really appreciate your concern. Pero sa ngayon, kailangan ko munang mapag-isa. I will contact you if I'm already okay. But for now, let me be alone. Bye."
Ibinaba ko ang tawag at natahimik na naman ang paligid. Hindi ko maiwasang isipin siya.
Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?
Masaya ba siya? I hope he is.
Sana napasaya ng pagsuko ko ang lalaking pinakamamahal ko.
Bakit ba ngayon ko lang naisip 'to?
Siguro dahil sa pag-aakalang kaya ko siyang pasayahin na kasama ako ang nagtulak sa akin upang gawin ang mga bagay na hindi ko akalaing kaya ko palang gawin.
Akala ko kasi ako 'yung bida sa kwento niya. Nagkamali pala ako.
Kasi ako....
Ako 'yung babaeng sobrang despiradang makuha ang atensyon niya. 'Yung evil witch na gagawin ang lahat magkalayo lang ang totoong nagmamahalan.
'Yung babaeng hindi pinipili at nagbubulag-bulagan.
I was desperate to be the protagonist but it turned out, I'm nothing but an evil antagonist trying her best to destroy their love.
But just like the others, I never succeeded. I never will.
Kaya nagising ako sa katotohanang nagpapakatanga ako para sa wala.
Heto ako, umiiyak at naiwang sawi...