RID2# CHAPTER 10
RED✿°•✮•°✿
Sa dinami-dami ng inisip ko simula nang ikulong ko si Gavin sa bahay niya kasama si Selena ay ni hindi dumaan sa isip ko na mangyayari ang nangyayari ngayon.
Siya na nakaluhod at hinihingi akong maging asawa.
Baliw ba ito?
"Ano ang ginagawa mo?" I asked matapos makabawi sa pagkabigla.
"Marikit, be my wife" he simply said.
"Nasaan ang singsing?" I asked. I mean babae ako at kahit sinong babae gusto ng singsing.
"This isn't planned, I do not have it"
"Tumayo ka na diyan, para kang gwapong nalipasan ng gutom" I cocked a brow.
I saw how dismay crossed his perfect face.
"You are saying no?" He asked.
"Gavin, kahit kailan hindi maganda ang mga desisyon na madalian. Napagisipan mo na ba ito? Kasal ang inaalok mo" Napapailing na sabi ko.
Alam kong maraming nakakakita sa ginawa niyang pagluhod at marami din ang maaaring naaawa sa kanya dahil sa lantarang pagtanggi ko.
He stood up and sighed.
"Ayaw mo talagang makasal sa akin?" He asked.
"Maupo ka nga" utos ko at itinuro ang upuan sa harapan ko.
"No need, my ego is hurt, you just said no to me" mamya ay siryosong sabi niya.
"Ano ang gusto mong sabihin ko? OO?" I asked.
Tinitignan lang niya ako.
"Alam mo Gavin, hindi shino- shortcut ang mga bagay-bagay na panghabangbuhay. May mga magulang ako at anak nila ako gaano man ako kapasaway, hindi ko kailanman sila isasantabi sa isang bagay na dapat ay kasali sila. Anak nila ako at dapat ipinapaalam mo ako sa kanila bago ka lumuluhod nalang basta diyan na akala mo ikakamatay mo kung hindi mo ginawa"
Hindi ko alam kung naiintindihan niya ang punto ko kasi tinitignan lang niya ako.
"Get's mo ba?" I asked him. nakatingala parin ako sa kanya.
"God woman you are difficult" he uttered pero bigla nalang niya akong hinalikan sa noo tapos ay tinignan ako sa mga mata.
"Aalis muna ako, I need to accept you said no to me pero girlfriend parin kita diba?"
"Galit ka?" I asked.
"You are still my girl kaya kahit galit ako babalik pa din ako sa'yo, give me time to taste your rejection"
"Gavin, hindi--"
"I get your point. Ego ko ang kalaban ko dito, just give me time to breath, I'll see you later ok?" he cut me off.
"Mas mabuti siguro kung--"
"Do not dump me, fuck that is not a choice damn it" he hissed.
"Gavin hindi--"
"No, I'll see you later--"
"Patapusin mo nga ako? Kanina ka pa eh, wala tayo sa opisina mo, hindi kita boss, makinig ka!" I almost yelled.
Kumunot ang noo niya pero sumilay ang ngiti sa mga labi niya pagkatapos.
"Huwag mo ako nginingitian" singhal ko sa kanya.
"Ok Ma'am"
"Hindi mo ako madadaan sa kasal kasi kahit kasal na tayo kung pipiliin mong manloko, magagawa mo. Marriage is never a guarantee of long-term relationship. Hindi ako moderna gaya ng mga babae mo. I value my family, Si Tatay, si Tiyang, do not forget the people I value most kasi sila parin ang sasalo sa akin pag dumating ang araw na hindi tayo maging maayos."
" Marikit, bakit ba ang pessimist mo? I wouldn't offer you marriage if I wasn't sure of you--"
"--My parents separated, that's why" I cut him off.
Natameme siya. "I am sorry" he sighed after a while tapos ay naupo na sa harapan ko. He held my hand.
"Akala ko ba aalis ka?" I asked. Tinitignan parin niya ako.
"Hindi na pala ako galit, scoot over that side" utos niya, gusto pa yata akong makatabi. Bipolar lang?
Umusog ako. Tapos ay dumating na sina Loki at si Shaks.
"Bati na kayo? Ang bilis naman Ya?" Loki said kaya tinapunan siya ng frenchfries ni Gavin.
Tumawa ito. Naupo sila sa tapat namin.
"Si Gavin, Shaks" Pakilala ko sa katabi ko sa bestfriend ko.
Hindi tinanggap ni Shakira ang kamay na nakalahad ni Gavin kaya natawa ako.
Gavin looked at me, maybe asking kung bakit aloof ang bestfriend ko sa kanya.
"Nevermind her, ang manyak baka galit sa kapwa manyak" sambit ko.
Nabilaukan si Loki sa sinabi ko.
"Pakyu bee" Shakira snorted.
Nailing nalang si Gavin at saka inumpisahang kumain.
After eating ay inihatid nila kami sa apartment. Nauna na si Shaks sa loob at si Loki naghintay nalang sa kotse.
"You free tomorrow? Daanan kita? Baka gusto mo bisitahin si Pain" I heard him say.
"Sige pero balik din ako agad nakaleave si Shaks, alangan naman na iiwanan ko dito sa bahay diba? "
"Ok"
"Sige na" taboy ko sa kanya.
He sighed and got near me. "I miss you already" bulong niya na ikinablush ko.
"Red cheeks, red hair, red lips" he muttered.
"M-mahilig ako sa red" I stammered.
"Really?"
"Oo nga, ikaw ano favorite color mo?" I asked.
"Red narin, favorite kita eh" he said.
"Ulol mo Nuñez" sigaw ni Loki mula sa kotse na nakikinig pala.
Tumawa ako sa nairitang mukha ni Gavin.
"Remind me that he's my cousin, baka kasi mapatay ko nalang bigla" he scoffed.
"Text mo ako mamya" I told him and pushed him in the car.
"Ok po" he answered.
"Text din kita mamya 'Ya, di mo pa ako sinasagot" singit na naman ni Loki.
"The fuck Loki?" Singhal na naman ni Gavin.
"Tsss, selos ka naman agad, ikaw parin mahal ko Gav, don't be jelly ace" Loki smirked.
Natawa na naman ako.
"Tarantado" Gavin said at mabilisan akong hinalikan sa pisngi bago umikot sa driver seat.
"Haha, 'gang cheeks ka nalang boy, ibahin mo si 'Ya" Loki laughed.
"Bugbugin kita diyan" Gavin said na lalong ikinatawa ni Loki.
"Byeerrs" Loki said bago sila sumibad.
"Gwapo niya bee" bigla ay sulpot ni Shaks.
Natawa ako. "Akin iyon"
"Oo na, iyong iyo" tawa niya at saka ako hinila sa loob ng apartment niya.
Hindi ko alam kung ano ang meron kay Gavin but he makes my heart flutter kahit alam kong hindi dapat ako ganon sa kanya, kasi natatakot ako. Having a relationship with him seems like a dream not fulfilled at all. Kahit na sa ngayon ay akin siya--na kami na.
✿°•✮•°✿
🅿🅴🅿🅿🅴🆁 🅳🅰🅻🅻🅰🅲🅾🆂🆃🅰
BINABASA MO ANG
Rolling in the deep 2
RomantizmThe reason she came working as a maid in Manila was her mother and has just died so Erikka Marikit Soliven or better known as Rikky to her friends and Marikit to the brother of her boss has decided to leave the city and to just stay at home to be ne...