Epilogue
3 months later...
"Blake, tell me..."
Kumunot 'yong noo niya. "Tell what?"
"Bakit kanina pa tayo pinagtitinginan ng mga tao ngayon dito sa school, huh?! Don't tell me, nag-post ka sa Facebook na sinagot na kita?!" bulyaw ko sa kanya.
Naglakad si Blake papunta sa puno ng mangga rito sa garden ng school saka naupo sa bench do'n kaya sinundan ko siya at naupo rin ako ro'n.
"Yes, nag-post nga ako." bale-walang sagot niya.
"Ano?!" sigaw ko. "Sinabi ko naman sa 'yo na 'wag kang magpo-post, 'di ba?! Bakit ka nag-post?! Bakit?!"
"Maraming students dito sa school ang nag-aabang sa love story natin kaya nag-post ako para malaman nila. They congratulated us and they're happy for us too."
Huminga ako nang malalim. Madeline, timpi lang!
Hindi 'to p'wede! Sesermonan ko si Blake!
"Bakit naman kailangan pa nilang malaman na tayo na?! Buhay ba nila 'to?! Love life ba nila 'to?! Blake naman!"
"W-wifey... I'm sorry. Masaya ako na tayo na kaya ko 'yon ipinaalam sa kanila. Ano ba'ng problema kung malaman nila?"
"Problema? Wala naman. Nakakainis ka kasi. Hindi mo manlang sinabi sa 'kin."
"Kaka-post ko palang naman no'n kani-kanina. If you want... ide-delete ko na lang." saad nito sabay kuha ng phone niya sa bulsa.
Pinigilan ko siya. "'Wag na! Hayaan mo na 'yon! Sorry kung ang OA ko, Hubby..."
"I'm sorry, Wifey. Sa susunod, magpapaalam na ako sa 'yo."
Nginitian ko siya. "Hayaan mo na 'yon. Sorry, Hubby."
Hinawakan ni Blake 'yong mga kamay ko. "I'm happy na sinagot mo na ako. No words can explain how much I love you, Princess Madeline Bello-Mendez." malambing na sabi niya na mas ikinangiti ko.
"I love you more, Blake Mendez."
Hinalikan niya ako sa noo. "I love you most, Wifey."
Tumawa ako bago siya niyakap nang mahigpit. "I love you most and most."
"No, mas mahal kita!"
"Hindi! Mas mahal kita!" ani ko. "Tsk, tama na nga! Mahal na natin 'yong isa't isa! Okay na?" inis ko pang sabi kuno.
Natawa siya. "Okay, I won't argue with that."
At tumawa ulit kami nang sabay.
THE END
ESTÁS LEYENDO
Unexpected Attitude Of My Fake Husband
Novela Juvenil(Will be Under Revision) Si Princess Madeline Bello ay secretly married sa famous, basketball captain, at g'wapong si Blake Mendez. Ikinasal sila dahil sa business ng kanilang family at mag-best friend din ang kanilang mga ina. Isang b'wan din silan...