Umpisa

1 0 0
                                    

Nuon simple lang ang gusto ko buhay na walang gulo, yung tipong payapa, walang istorbo, ung tipong pag gising ko ngiti agad ang ns labi ko, walang obligasyong bumati ng Good Morning kahit kanino. Kakain ng almusal maliligo at mag tratrabho ng walang pang gulo tpos pagdating ng hapon gagala kung gusto. Uuwi ng hating gabi kht pagod sa pag tratrabaho. Pero hbang ns galaan ako sa hindi sinasadyang pagkakataon nag kasalubong tau, ung mundo kong payapa ay iyong inistorbo. Hindi ko malaman kung anung mahika ang dala mo dahil kahit anung pigil ko damdamin ko ay binulabog mo. Yung puso kong akala ko ay bato binigyan mo ng buhay at kilig ito. Ung simple kong umaga ay ginawa mong magarbo, ung ngiti sa mga labi ko ay naging halakhak dahil sa simpleng magandang umaga mo. Binigyan mo ng kulay ang simpleng araw ko. Dumating n sa puntong araw araw hinahanap ko n ito. Ung simpleng plano ko sa araw araw binago mo. Ung dating oras ko n solo ko ay kinuha mo. Hinayaan mong umikot ang mundo ko s piling ko. Pero ang masaklap nung dumating ang panahong nsanay n ako s presensia mo dun nmn biglang nababawasan n ang oras mo. Ung dating halos oras oras n usapan naging minsan isang araw n lng. Tpos biglang naging minsan isang linggo tapos minsan isang buwan na pl ng hindi ko namamalayan ito. Mula sa pag bating kamusta ang tulog mo, naging kamusta ang araw mo, tpos naginh kamusta ang lingo mo tpos biglang hindi ko namalayan nawala n rin ito. Nagising n lng ako isang umaga hndi n ngiti ang ns labi ko. Bagkos mga simpleng luha n ang ns mata ko. Umiiyak n pl ako at ang masaklap wala akonh ibang masisi kundi ang sarili ko. Dhil hinayaan kong kontrolin mo ang buhay ko. Pinilit kong balikan ang dating ako. Ung mula s bahag hari naginh simpleng rosas n lang uli ito. Tinuyo ko ang luhang ms mata ko s bawat umaga at binalik ang simplemg ngiti uli dito. Hangang s makalimot n uli ako s mga itinuro mo. Tpos biglang isang umaga eto kn nmn s daan ko. Pilit n nmn sinasabayn ang lakad ko. Habang hawak mo uli ang mga kamay ko biglang naramdaman ko muli ang bahag hari s buhay ko. Pero pasensia na mahal ko. Oo nga at may bahaghari sa mundo nating dalawa pero s pagkakataon ito hndi ko n hahayaan n umikot muli ang panahon ko sau. Dhil sa pagmamahal mo isa lang ang napatunayan ko sa mundong ginagalawan ko ay WALANG PERMANENTENG TAO. Na sa araw araw na pag dilat ng mata ko tanging NGITI KO lang ang maaasahan ko. Umulan man o maaliwalas ang mundo...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bahag HariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon