Itinali ko ang buhok ko at pinaypayan ang sarili dahil sa init na dumadaloy sa buong katawan ko. Pawis na pawis kaming lahat dahil sa final demo namin sa P.E., ang football.
" Hay nako, kung hindi lang ito clearance, hindi talaga ako susubo sa larong 'yan! Hindi ba nila alam na nakakaheat stroke ang init? Bwiset sila! " Tumatawa kami habang pinapanood si Jaymie na kanina pa nagwawala sa banas.
" Hayaan mo na nga, last na ito. We're graduating, Jaymie. " Tinatahan siya ni Kate. Tumayo ako mula sa ilalim ng puno at nagpaalam.
" Sama kami! " Malakas na sabad ni Kate. Nilingon ko sila at hinintay. Namataan ko si Crown na nakikipagkwentuhan kay Alicia, pareho silang may hawak na towel. Nag-iwas ako ng tingin at huminga ng malalim.
" Tapos ka na ba sa thesis natin, Julia? Hindi ko alam kung paano ko tatapusin 'yong akin. Masyadong mahirap ang napapunta sa akin topic. Kainis! " Umikot ang mata ni Jaymie sa ere at nauna sa daan dahil hindi kami magkasya.
" Ako rin hindi pa. Pwede bang huwag na lang tayong magsubmit, tutal tapos na naman grades natin? " Parang batang nagrereklamo ang boses ni Kate. Tumikhim ako at tumawa.
" Hindi ko pa rin matapos 'yong akin. " Nakalabas kami ng hallway at hinila ako ng dalawa papunta sa canteen. Pupunta sana ako ngayon sa kay Mam Ebba para sa mga nalaman ko kahapon sa naging usapan nila Enrique at Kathryn pero mukhang sila ang masusunod ngayon.
" Alam mo kung ano 'yong nalaman ko? " Hindi. Hinintay kong dugtungan iyon ni Carmela na nasa kabilang table. Si Carmela iyong kumausap sa isang chinita noon na sinita ko. Lahat sila ay nakaabang sa aking reaksyon, nakatingin sila sa akin.
" Na.. nahalikan na pala itong si Julia? " Nakataas ang kilay niya sa akin habang nagsasalita, kita ko iyon sa gilid ng mga mata ko. Walang alam sina Jaymie sa nangyayari dahil nakikipag-asaran sila ngayon sa kay Manang na bantay ng canteen.
" Talaga? Omygosh! Nino? " Sabay-sabay iyong binigkas ng grupo nila. Napatayo sila ngayon at ang ilan ay halos mahalikan na siya sa lapit ng mukha nila. Napalunok ako sa aking narinig. Panibagong pakana ulit ito ni Kathryn. Humanda talaga ang babaeng 'yan. Err!
" Hoy, Julia! Hindi ka ba oorder?! " Nalipat ang tingin ko sa mga kasama kong nagbabayad na ngayon sa counter. Naiwan na pala ako sa pila dahil sa pakikinig.
Suminghap ako at inimik ang gusto kong putahe kay Manang. " 'Yong ampalaya po sakin. "
" What? No way! It can't be him! " Napakapit ako ng mahigpit sa dala kong food tray ng marinig kong umungol ang isang babae mula sa grupo nila.
" There's no way Enrique will kiss her! Bakit naman sa lahat siya pa? Totoo ba yan? " Nagsimula na silang umangal at magwala sa kani-kanilang pwesto.
" Julia, si Daniel oh! " Shit! Muntikan ko ng mabitawan ang hawak kong pagkain sa umalingawngaw na boses ni Kate mula sa kabilang banda nila Carmela.
Mabagal kong nilingon ang inginguso niyang si Daniel. Kasama niya ang posibleng mga kaklase niya sa first top section at dalawang malaasong bodyguards ang nakasunod sa kanya. Nagtama ang paningin namin at nangatog ang tuhod ko.
Gumawa ng ingay ang mga kagrupo ni Carmela dahilan upang maliwanagan ako. Pinutol ko ang malalim niyang pagtitig sa akin at bumaling kina Carmela'ng panay ang matalim na titig sa akin.
" Oops! Ayaw ng PDA? " Humalakhak si Jaymie sa napanood na eksena. Sumubo ako ng kanin at binatukan siya.
" Ouch! " Inirapan ko siya.
Umupo sa likuran ko si Daniel kung saan sila pumwesto ng mga kaklase niya kaya mas lalo akong kinabahan. Nananadya ba siya?
Matapos namin kumain ay nagpaalam akong dadaan na muna ako sa faculty bago pumunta sa gym para sa practice ng graduation.
BINABASA MO ANG
Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)
Fanfiction-REVISED- Kilala si Julia Montes bilang isang babaeng may mataas na pagtingin sa kanyang sarili, hindi siya tumatanggap ng pagkatalo at lalong hindi niya hahayaang maging pangalawa sa dating malapit sa kanyang si Kathryn Bernardo. Hindi lang sila na...