CHAPTER 6

25 2 0
                                    

CHAPTER 6



Sahara's POV

"Pumasok na kayo" nagulat ako sa iniasta niya. Nakangisi siya habang nakatingin sa amin ni Grey. -.- "Saglit lang ho kami rito iaabot lang po sana namin itong prutas kay Penelope." malamig kong sabi.

Pinilit kong maging magalang sa harapan nila kahit labag sa loob ko.

"Grey???" Nagulat ako sa sigaw na yun ni Penelope. Gising na siya.. Linapitan siya ni Grey at tuwang tuwa naman si Penelope sa nakita niya iniabot ni Grey ang prutas kay Penelope.

"Salamat Grey nag abala ka pa." Masayang sabi niya. "Kumusta ka na?" Nag aalalang tanong ni Grey sa kaniya. "Maayos na raw ang lagay ko pwede na akong umuwi bukas" nakangiti niyang sabi.

Umupo naman ako sa isang upuan malapit sa kama niya, masyado na siyang nakadikit kay Grey.

"Sahara nandiyan ka pala! Salamat sa pagbisita niyo" lumingon naman siya likod ko. Ngayon mo lang ba napansin?

"Oo nga pala Grey? Sahara? Papa ko nga pala. Papa sila Grey at Sahara po" nginitian lang siya ng papa niya. Nagulat ako sa biglang pagyakap ni Penelope kay Grey at mas lalo niya pa ito hinigpitan. Tss.

Pagkatapos ng mahaba nilang pag-uusap ay lumabas na kami ng ospital ni Grey yinaya ko muna siyang uminom ng kape sa paborito kong coffee shop.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Grey. Kanina pa siguro niya napansin ang pagiging tahimik ko >.<

"May rason ba para hindi ako maging okay Grey?" Seryosong sagot ko "HAHAHAHAHA" malakas na tawa niya. 'Anong itinatawa niya?' -.-

Lumapit siya sa mukha ko at hinalikan niya ako sa pisngi. Grrr!

"Nagseselos ka no?" Pang aasar niya sa akin. Saan naman ako magseselos? Lumayo ako sa kaniya at inayos ang pagkakaupo. Buang ba siya!

"Magseselos saan?" Walang malay kong sagot. "Edi saan pa ba? Yung yinakap ako ni Penelope!" Tawang tawa niyang sabi. "Nahihibang ka na" sabi ko at saka humigop ng kape.

"Hindi ka nagselos doon? Ibig sabihin hindi mo ako gusto!" Kunyareng galit galitan niya pa. Tinitigan ko naman siya ng masama.

'Parang bata!'

"Bakit naman ako magseselos? Eh alam ko naman na 'Ako lang ang gusto mo'" pagdidiin ko pa at sabay kaming natawa.

Hindi ko namalayan ang oras 8:30 pm na ng gabi hinatid na ako ni Grey at pumasok na sa loob ng bahay. Nakita ko si mama nakaupo siya sa sofa at nagbabasa siya ng dyaryo.

"Oh anak bakit ngayon ka lang?" Nag-aalalang tanong ni mama "Nag date po kasi kami ni Grey mama." Sumimangot naman ang mukha niya.

"Alam ko anak! Tsk! Pero nabalitaan ko yung sumabog na mall diyan malapit sa atin nag-alala ako ng sobra sayo!" Hindi naman ako nasugatan doon. Aish. "Mama sorry na, tignan mo wala akong sugat at galos oh? Magpahinga ka na gabi na oh?" Turo ko pa sa orasan namin.

"Hindi ka kasi sumasagot sa text ko kaya akala ko kung ano na ang nangyari sayo." naiinis na paliwanag ni mama. Nginitian ko na lang siya at hinatid ko na siya sa kwarto niya.

Dumiretso ako sa kwarto ko at nagpahinga muna bago maligo. Pagkatapos ko maligo ay umupo muna ako saglit sa kama at nag isip-isip.

Masyadong maraming nangyari ngayon. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa oras na ito. Lungkot, saya o galit?

Boundless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon