CHAPTER 7
Grey's POV
"Ano ang kailangan mo?" Tanong ko sa kaniya. Uminom muna siya saglit ng juice at nagsimulang magsalita.
"Ikaw, ikaw ang kailangan ko." Bakas ang galit sa tono niya at napalunok naman ako, nagtaka ako kung bakit. Pero mas nagtataka ako parang nakita ko na siya dati.
"Hindi nila alam kung gaano kasakit ang mawalan ng magulang, sinira nila ang masaya kong pamilya!" Inis niyang sabi. 'Bakit? Sino?' Puno nang tanong ang isip ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya.
"Alam kong ikaw ang mas higit na makakatulong sa akin dahil malapit ka sa mga taong pumatay sa magulang ko." Nakangisi niyang sabi. Kinabahan naman ako ng sobra. Sino ang tinutukoy niya?
"Teka nga lang? Sino ba ang tinutukoy mo?" Inis kong sabi. At natawa naman siya. "Huwag kang masyadong magmadali hindi lahat pwede mong malaman." Mas lalo naman akong nainis sa sinabi niya! -.-
"Sa ngayon alam mo na kung anong magagawa ko kaya kong pumatay kaya ingatan mo lahat ng nakapaligid sayo." kinabahan ako sa sinabi niya. >.< anong ibig niyang sabihin?
Tumayo siya at iniwan niya akong nakatulala. Masyado akong kinabahan sa mga sinabi niya. Sinimulan ko ng maglakad papuntang grocery masyadong nabagalan ang pagbili ko dahil napapaisip ako sa mga posibleng mangyari!
Third person's POV
Hindi nila alam na handa na ako. Handa na akong isa isahin sila! Maswerte lang kayo at hindi pa muna ngayon dahil kahit papaano may natitira pa akong awa sa mga pamilya niyo.
"Boss" lumingon ako sa likod ko ng tawagin ako ng isang tauhan ko. "Kumusta ang pagmamanman?" Nakangisi kong tanong "Boss mukhang kalmado at kampate sila, hindi nila alam na may paparating na delubyo sa kanila." Seryoso niyang sabi at natawa ako. Mga mahihina.
Nag ayos na ako ng gamit dahil pumapasok ako sa paaralan kung saan mas mapapalapit ako sa kanila. Ang STU.
Naalala ko ang unang beses na nakausap ko ang babae niyang anak. Hmm. Matapang ka. Hindi ako pumapatol sa babae. Pero sa nakikita ko sayo kailangan ko na atang pumatol.
Sahara' s POV
Ginising ako ni mama dahil kakain na kami ng tanghalian. Nagtaka ako dahil ang tahimik ni mama habang kumakain kami.
'May problema ba?'
"Mama ayos ka lang? May problema ba?" Tanong ko naman sa kaniya "Ah anak wala ka na bang sinat?" Wala na sabi ko sa isip ko. Iba eh may hindi siya sinasabi sa akin.
"Mama sabihin mo na. Anong problema?" Mahinahon kong sabi at biglang pumatak ang luha niya. "Anak patawarin mo ako" umagos ang luha sa mga mata ni mama kaya lumapit ako ng unti sa kaniya at hinawakan siya sa pisngi. Ayan na naman siya >. <
"Mama bakit?" Malungkot kong tanong at makahulugan na tinignan siya. "May kapatid ka anak" Nagulat ako dahil sa pag amin na yun ni mama. Nagpapasalamat ako dahil sa hinaba haba ng panahon ay nagsalita na rin siya.
'Matagal ko nang alam na may kapatid ako, matagal na..'
Ngumiti ako kay mama ng mapait "Half sister mo siya." Mas lalo siyang umiyak. Yinakap ko siya ng mahigpit "Habang pinagbubuntis kita. Umamin sa akin ang papa mo na nakabuntis din siya ng ibang babae." Pagkukuwento ni mama.
"Tayo ang unang pamilya pero mas pinili niya yun! May mali ba sa akin?" Umiiyak na sabi ni mama. Nasaktan ako ng sobra dahil sa kwento ni mama. Walang kwenta si papa, kahit kailan wala siyang ginawang mabuti para mabuo ang pamilya niya. Ang tunay niyang pamilya.
BINABASA MO ANG
Boundless Love
Teen Fiction❝ Your smile takes my breath away. It took my breath away on the day we met, today, and every day in between. ❞ - Grey &&. 🖇️ Started: 05/05/2019 🖇️ Completed: 05/16/2019