CHAPTER 8
Grey's POV
Hinihintay namin si Sahara dahil dumiretso siya sa banyo para magpalit.
"Tabi tayo ah?" Masayang sabi ni Penelope. "Ah sige lang" ayun na lang nasabi ko. 'Dapat si sahara katabi ko eh' nakita ko si sahara papasok na ng canteen na nakasimangot tss.
"Oh? Hindi niyo man lang ako hinintay" sabi ni sahara >.< "Kain ka na eto oh inorder ko para sayo!" Masaya kong sabi. "Grey eto oh tikman mo masarap ito hehe" habang inaabot sa akin ni Penelope ang japanese cake. "Ehem" kunyareng inuubo si sahara >.<
"Ah oh sige salamat" saka iniabot ang pagkain na yun. "Lab kain ka pa" sabi ko sa kaniya. "Whaaaaaat? Anong lab?" Naiinis na tanong ni Penelope "Ah hehe penelope hindi pala namin nakuwento sa iyo, girlfriend ko na si Sahara" nakangiti kong sambit at lumungkot naman ang mukha niya at pumatak ang luha sa mata niya. Nagulat ako sa biglang pagtayo niya at iniwan kami sa ere.
'Anong nangyari doon? >.<'
"Tsk tsk" napalingon ako sa gawi ni Sahara. Blangko ang itsura niya.
'Hindi kaya? May gusto din sa akin si penelope? Assuming naman ako kung ganun' kausap ko sa sarili ko. Pagkatapos namin kumain nagsimula na kaming maglakad papunta sa room nila. Gusto kong sabihin sa kaniya yung tungkol sa lalakeng hindi ko naman kilala >.< natatakot para sa pamilya ko pati sa kaniya.
"Sinong iniisip mo?" Takang tanong niya at kinagulat ko naman. "Anong sino? Ikaw lang iniisip ko!" Inis na sabi ko "bakit galit na galit ka?" Tawang tawa niyang sabi. "Hindi ako galit sige na ayan na room niyo I heart you!" Sabi ko pa sa kaniya at tumango lang siya saka ako pinisil sa pisngi hehe ^_^
Pagkatapos nun dumaan muna ako sa faculty para magpasa ng seatwork kay Ms. Annie. Habang naglalakad ako natanaw ko ang isang lalake na naka cap. O.O
Hinarangan niya ako tinignan ko naman ang paligid ko. Mukhang wala siyang kasama. "Nagkita na naman tayo ulit!" Sarkastiko niyang sabi at nag angat ng ulo! Siya nga yung lalakeng kasama ko kahapon. -.- "Anong ginagawa mo rito?" Medyong irita kong sabi "Sabi ko naman sayo eh ingatan mo ang mga tao sa paligid mo dahil kahit anong gawin mo nakabantay ako sa mga galaw niyo" kinabahan ako ng sobra sa kaniya! "Ano ba ang gusto mong mangyari?" Nanginginig kong tanong "Gusto ko? Simple lang 'Grey'" pagdidiin niya "Ang mawala ang mga taong pumatay sa magulang ko syempre pati na rin.." At saka lumapit sa akin at hinawakan ang kwelyo ko >.< "Ang pamilya nila. Uubusin ko sila." At saka iniwan akong mag-isa halos manlambot ang tuhod ko sa sinabi niya. Sino ba ang sinasabi niyang pumatay sa magulang niya? Wala akong alam! Paano ko malalaman!
Dumiretso na ako sa room na para ba walang nangyari. -.-
Penelope's POV
Naalala ko na naman ang sinabi ni Grey. Napaka manhid niya! Walang puso! T.T
Ano ba ang meron sa Sahara na iyon? na wala sa akin! Parang binibiyak ang puso ko sa narinig ko. Hindi pa ako handa. Matagal na kitang gusto Grey.. Matagal na T.T
Kasalukuyan akong nasa garden ng school. Hindi ako pumasok sa klase ko naiinis ako!!
"Okay ka lang??" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng isang lalake tss! Panira ng moment huhu. Pinunasan ko muna ang luha sa mata ko bago magsalita "And the hell you care?" Maarte kong sabi. At natawa naman siya "Kaya kitang tulungan" nakangisi niyang sabi. Saan niya naman ako tutulungan?? "Gusto mo si Grey diba?" Sabi niya at kinagulat ko naman. "Who are you??" Naiinis kong tanong "I'm Art" akmang makikipag shakehands siya at tinanggap ko naman. "I'm Penelope Eros" seryoso kong sabi "Tutulungan kitang mapasayo si Grey basta tutulungan mo akong sirain ang buhay ni Sahara." sabi niya at bigla akong kinabahan. Hindi ko gusto ang sinasabi niya! Kahit papaano naging kaibigan ko si Sahara at importante siya sa akin.
"Anong meron kay Sahara?" Hindi ko mapigilan magtanong. "Simple lang ayoko sa kaniya at sa pamilya niya." Nakangisi niyang sabi. Bakas sa mukha niya ang galit. >.< "Ayoko" sagot ko "Pag isipan mo" tinapik niya ang likod ko saka siya umalis. Anong meron dun? Anong meron sa pamilya ni Sahara? Ang gulo!
Inabot na ako ng uwian ay nasa garden pa rin ako kaya nagpasya na akong umuwi sa bahay. Naglakad lang ako dahil ubos ang pera ko. Nakakahiya man sabihin, pero gastusera ako.
Nung nakauwi na ako sa bahay nakita ko nag aaway na naman si mama at papa. Palagi na lang?
"Aalis ka? Saan ka na naman pupunta?" Mangiyak ngiyak na sabi ni mama "Alam mo naman ang trabaho ko diba? Intindihin mo naman!" Inis na sigaw ni papa. "Sabi ko sayo tigilan mo na yan trabaho mo! Gusto ko na mamuhay ng normal!" Iyak na sabi ni mama. "Kahit kailan hindi na tayo magiging normal! Alam mo yan! Alam mo rin ang totoo diba? Pangalawang pamilya ko lang kayo! Ipasok mo yan sa utak mo ng magising ka!" Nagulat ako sa sinabi ni papa at tuluyang pumasok sa bahay. Hindi ko mapigilang ang pag agos ng luha ko. Buong buhay ko ang akala ko kami lang. Hindi kailanman pumasok sa utak ko ang ganitong sitwasyon.
"Tama ba ang narinig ko pa?" Tanong ko sa kaniya "Anak makinig ka. Kahit may naunang pamilya. Kayo pa rin ang pinili ko." Makahulugang sagot ni papa. "Bakit ngayon ko lang nalaman?" At tumingin ako sa gawi ni mama "Anak huwag muna ngayon" pagmamakaawa ni mama "Huwag ngayon??? Edi kailan pa???" Natatawa kong sabi sa kanila.
Sumasakit ang puso ko, akala ko sa palabas lang makikita ang ganitong pangyayari, hindi ko alam na pati sa akin mangyayari ito.
"Ganito na lang ba talaga ang pamilya natin ha? Ma? Pa? Nagsinungaling kayo sa akin. Anong klaseng mga magulang kayo!" Mangiyak ngiyak kong sabi. "Anak please " sabi ni papa "Patawarin mo kami ng mama mo kung naglihim kami sa iyo. Sana maintindihan mo na para sa iyo din yun" seryosong sabi ni papa. "Ako ang hindi niyo iniintindi! Oh sige iintindihin ko kayo? Sige!" Sigaw ko at tuluyang pumasok sa kwarto. Nagtakip ako ng unan sa mukha ko. Ang bigat bigat na ng dinadala ko ang sakit. -.-
Third person's POV
"Sino ang uunahin natin?" Seryosong tanong ng tauhan ko sa akin. "Hmm. Uunahin ko na ang asawa ni Mr. Oliveros ano kaya ang magiging reaksyon niya sa gagawin ko HAHAHAHAHA." Sarkastiko kong tawa sa kanila. Bukas na bukas ay sisimulan na namin ang unang hakbang namin. Gusto kong makitang magdusa kayo! Katulad ng pagdudusa ko.
Sa terminal ng bus galing batangas doon kami magsisimula.
BINABASA MO ANG
Boundless Love
Teen Fiction❝ Your smile takes my breath away. It took my breath away on the day we met, today, and every day in between. ❞ - Grey &&. 🖇️ Started: 05/05/2019 🖇️ Completed: 05/16/2019