Chapter 49
MIA
Dalawang araw akong nanatili sa ospital para makapagpahinga pero wala kaming natanggap na balita na nahuli na si Zyrene. Tito Fhax also hired someone to watched over Zyrene's family but it seems like they used all their money to hide her. Napabanned na rin ito sa mga airports kaya alam namin na nandito lang ito. Zaira offered her help but I declined and told the police officers that she's a relative of the killer.
Inis na inis ako sa kanya dahil simula't sapul, ayaw naman niya sa'akin. Hindi ko alam kung epekto ba ito ng pagbubuntis pero sinisisi ko ang lahat sa pagkamatay si Lara. If they only look at us in different point of view, if only they tried to be in our shoe, none of these happened.
Kung sana hindi nadamay ang media, kung sana dinaan ng ama ni Zyrene ang lahat sa matinong usapan, kung sana mas inintindi ni Zaira ang sitwasyon namin ni Ash, kung sana...hindi na nagising si Zyrene, hindi mamamatay si Lara.
Pero iniisip ko rin, kung sana hindi ulit kami nagkita ni Ash, hindi sana ito mangyayari lahat. Kung sana nanatili ako sa America, kung sana hindi ako bumili ng bahay, kung sana hindi pumasok 'yung aso ni Lara sa bahay ko noon, sana magkasama pa sila ni Ash ngayon.
I sighed.
"I love you, Mia..." Ash whispered in my ear as he hugged me. Nasa backseat kami pareho at may driver siyang dala kanina. "Please stop blaming yourself. Matalino si Lara natin. Alam natin na hindi ka niya sinisisi." Bulong nito at hinigpitan ang yakap niya sa'akin.
Napatingin ako sa labas. "Kung alam ko lang na buhay niya ang mawawala Ash, sana lumayo na ako noon pa. Ganoon kalalim ang pagsisisi ko ngayon. Kung sana---"
"Shhh..." Isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya para patigilin ako."Kung lumayo ka, edi hindi kami naging masaya. Hindi ko makikita na nakangiti siya." He reminded me.
Kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi maiyak.
"Love alam mo ba, noong nagkalayo tayo...Lara always asks me to call you. She always wonders how it feels like to have a mom that loves her but because of you, her little wish came true. I always tell her to talk to God every night and when you came back, she told me that was her prayer. Hindi lang ako ang napasaya mo kundi pati si Lara. Kaya alam ko, kahit bata pa siya. Alam ko na ayaw niya na sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari sa kanya." Mahabang linya niya kaya wala na akong ibang nagawa kundi yakapin ito at umiyak.
"Iyon nga Ash eh, I treated her like my child but she was the one who protected me. She took that bullet for me and she put her life on the line to save me. Mahal ko si Lara. Naaalala ko pa noong buhat-buhat ko itong inilayo sa mommy niya, I remembered how scared she was. I told myself I'll protect her in any way I can. Ang bata pa niya, Ash..." Umiiyak na sabi ko.
"Nagsisimula pa lang niyang i-enjoy ang buhay niya. She has so many plans...." I cried harder. Ni hindi ko alam kung naiintindihan pa ba ni Ash ang mga sinasabi ko.
"Shhh. Please stop crying now, it's not good for our baby..." Alo nito at pinunasan ang mga luha ko. I sighed and calm myself. Gamit ang garalgal kong boses...
"Ash, please...do whatever it takes to find Zyrene. I will give whatever I have just to see her rot in prison. Huliin mo lahat ng mga taong tumutulong sa kanya. Wala akong pakialam kung maubos lahat ng pera ko. 'Yun na lang ang magagawa ko para kay Lara."
"Of course." He immediately answered. "Kailangan ko lang maging malakas para sa inyo ng anak natin pero hindi ako titigil hangga't hindi nabibigyan ng hustisiya si Lara natin."
-----
Gabi nang makarating ang pamilya ni Ash galing New York. Umiiyak ang mga magulang nito pero wala akong mabasang ekspresyon sa mukha ng ina ng bata.
BINABASA MO ANG
Mesmerized with Desire(#7)
General FictionDesire Series #7 Jamia Arabelle William's and Ace Stefan Herminihildo Estrella's story. "Sa bawat tao na nagsabi na iiwan mo ako, iniisip ko na may tiwala akong ibinigay sa'yo. I don't wanna conclude things that's not came directly from your mouth."...