Three

144 5 2
                                    


"Dranreb .. What?" Kunut-noong tanong ni Jaz kay Iñigo

"Dranreb Buenaflor , bagong member ng basketball team" sagot ni Iñigo

Nakatambay kami ngayon sa may ilalim ng punung mangga.

"Oh anong meron sa kanya?" tanong ni Jaz

"Muntikan na silang mag-away ni Earl. Kung hindi lang magaling magbasketball at hindi kaibigan ng team captain yong lalaking yon baka pinatanggal na sya nina Nicholei. Seryoso sya masyado at mayabang" ani Iñigo

I rolled my eyes. Galit ang mayayabang sa kapwa mayabang. Napailing na lang ako.
Naalala ko tuloy yong lalaking masungit . The way he stared at me , the way he talked. Damn! He makes me confused. His hurtful words. His hazelnut eyes , pointed nose , pinkish lips and perfect jaw. He's tall and massive , sobrang bango rin nya. Ganong lalaki na sana ang type ko pero suplado at nuknukan ng sama ng ugali. I want to know his name. Nakakabawas confidence yong mga pang-iisnob niya sa akin. Hanggang ngayo'y hindi ko pa rin siya kilala.

"Sorry were late"

Sabay-sabay kaming napalingong tatlo sa mga dumating. Earl is so hot! Very appealing at sportive pa. Plus he has a good voice and he's also good in playing guitar. Total package na as a boyfriend. Last year lang noong makilala namin sila ni Iñigo dahil kay Nicholei. Magkakababata silang tatlo at partners in tandem.

"Late na naman kayo? Saan ba kayo nagpunta?" asar na tanong ni Jaz

Napangisi si Nicholei sa sinabi nya at naupo sa may bato. Lumapit naman si Earl sa akin at umambang yayakapin ako. Napayakap na rin ako sa kanya sabay tawa.

"Get a room" bulyaw sa amin ni Nicholei habang tumatawa-tawa pa

Tumingin kami ni Earl sa tatlo. Nakangisi na si Nicholei , nakangiwi si Jaz at salubong ang kilay ni Iñigo.

"Si Nicholei kasi sinilayan na naman ang kanyang sinisinta" ani Earl

Inakbayan nya na ako at hinarap yong tatlo. Malapit ng magtime!

"Iwwnes! Sugar again? Inistalk mo na naman sya Nicholei?" maarteng wika ni Jaz

"Anong inistalk.. Tiningnan ko lang sya" pagpapaliwanag ng pinsan ko.

Napairap si Jaz sa sinabi ni Nicholei. Ako yong playgirl sa grupo , halos lahat yata ng estudyante sa Elliot alam yon. Marami na akong ex sa school at lahat yon may ibubuga pagdating sa itsura at estado sa buhay. Hindi ako marunong magseryoso sa relasyon at madaling manawa. Si Jasmine naman ang maarte sa grupo at bungangera. Ganyan sya , kapag hindi nya gusto ang isang bagay o tao pupunahin nya. Prangka at masakit magsalita. Si Nicholei , one type person. Medyo popular din sa mga babae pero nagpapakatanga sa kasusuyo at kasusunod sa iisang babae lamang na simula highschool sinusuyo nya na. Si Iñigo , suplado at may pagkamasungit. Wala syang natipuhang babae. Trippers , madalas nyang inisin si Nicholei na short-tempered. And lastly si Earl. Cool , mabango , maganda ang boses. Malakas ang hatak sa mga babae. Flirt rin sya pero never nakipagcommitment.

"Move-on Dude! Do you think Sugar will notice you. Ano bang pinagkaiba ng noon at ngayon?" Iñigo teased him

Magsisimula na naman si Iñigo sa pang-aasar. Maigsi lang ang pasensya ni Nicholei kaya sya na naman ang talo.

"Why not?" nakataas ang kilay ni Nicholei ng tanungin nya si Iñigo

"You're chasing her since highschool but she's always rejecting you. If she really likes you , she will probably notice you" ani Iñigo

"She's still studying. Ayaw nya ng destruction sa pag-aaral. I understand her kaya nga willing akong maghintay" ani Nicholei

Tumawa si Earl , napabuntung-hininga naman si Jaz. Naiinis sya kapag nag-aaway ang dalawa.

The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon