"Please.. I'm begging you. Wag mo kong iwan. Walang iwanan diba? Maa-ayos pa naman natin to eh. Basta wag mo lang akong iwan." nagmamakaawa kong sabi habang mahigpit na naka-hawak sa kanyang mga kamay.
Sigurado akong sa mga oras na yun ay pinagtitinginan na kami ng mga estudyante pero wala akong paki-alam. Ang gusto ko lang ay wag niya akong iwan.
Pilit niyang tinatanggal sa pagkakahawak ko ang kaniyang mga kamay. Hanggang sa tuluyan ko na siyang nabitawan kasabay nun ay ang pagbuhos ng aking luha at pagkadurog ng aking puso.
"Lexy, I'm sorry. Ayaw na kitang saktan kaya break na tayo." saad niya sakin.
"Lei, san ba ako nagkulang? Ayaw mo na akong saktan? Ayaw mo na? Bakit Lei? Sa tingin mo di ako nasasaktan ngayon?" halu-halong damdamin ang lumukob sa akin. Kaya't pasigaw ko na siyang tinanong.
"I'm sorry Lexy. Alam kong nasasaktan ka kaya nga't ititigil ko na toh. Dahil ayaw kong magtagal pa tayo at masmasasaktan ka lang kung ganun. I don't wanna see you again. I'm tired of pretending. Kaya sorry, Goodbye." wika niya at humakbang na papalayo sa akin.
Naiwan akong naguguluhan at sobrang nasasaktan. Halos manlabo na ang mata ko sa kaiiyak.
Yun na yun? Ganon na lang ba ako ka simpleng iwan? Pretending? Ano ba talagang nasa isip mo Lei?
Napa sabunot ako sa aking buhok dahil sa sobrang galit at pagtataka na aking nararamdaman. Ano bang pinagsasabi niya?! I need to know the answer of this questions.
Pumunta ako sa classroom niya at hinanap siya pero walang Lei na nagpakita sa akin.
Lumapit ako sa mga kaklase niya at nagtanong. "Hi, amm... pwede magtanong? Nakita mo ba si Lei?"
Napapantastikuhang napatingin sa akin ang kaklase niya. "Amm... si Lei? Nagtransfer siya sa ibang school. Kaka-alis nga lang niya eh. Di mo alam?"
He left. Tuluyan niya na nga akong iniwan.
"Ahh... g-ganun ba?" napayuko ako at napakagat labi para pigilan ang luhang gustong kumawala sa aking mga mata. "S-salamat." pagkatapos kong magpasalamat ay umalis na ako at dumiretso sa aking silid aralan.
Araw- gabi ko siyang naiisip. At ang mga mata ko naman ay di na papagod sa kakaiyak para sa kanya. Akala ko di ko na kakayaning mabuhay dahil wala na siya sakin.
Di na niya ako mahal, minahal ba talaga niya ako?
What's the reason of living if di naman ako kompleto. Sobrang dilim ng panahon kong yon hanggang sa isang araw nagising nalang ako na wala nang sakit na nararamdaman.
Siguro pagod na rin ako. I'm tired of hoping for him to come back to me. I'm tired of crying for him. I'm tired of loving him.
Pumasok ako sa paaralan ng may ngiting naka paskil sa aking labi. At last I'm free now. I'm free from those heartaches.
Ngayon, alaala nalang ito sa mapait kong nakaraan. Alaalang hinding-hindi ko malilimutan. Alaalang naging rason kung bat ako naging matatag ngayon. Thank you for the broken heart.
BINABASA MO ANG
Foolish Heart
Kısa HikayeOne shot stories that will break your heart. Not all stories ends with a happy ending. If you fall inlove you lose.